2: HER SWEET SIDE

1929 Words
"What are you doing?" Nakisawsaw na naman si Jon sa ginagawa ko. Siya ang COO ng kumpanya ko. Actually kumpanya namin. Kung wala siya hindi magiging ganto ka-successful ang business ko. Pinaka malapit ko rin siyang kaibigan. "Wala ka bang trabaho?" Tanong ko. Inilayo ko sa kaniya ang cellphone ko. "Siguro. Ikaw, bakit ginu-Google Map mo ang Tagaytay? Pupunta ka ba doon?" "'Yun lang alam kong malapit." "Malapit? Ano bang meron? Bakit hindi ka na lang magpa-drive sa company driver natin." Umupo siya sa isang silya at ipinatong ang paa sa desk ko. "This is not a company matter." "No s**t! May date kayo ni Umi?" Nanlaki ang mata niya. "Seryosohan na ba kayo? Papakasalan mo na ba siya?" "Bakit mas excited ka pa sa akin, huh? At hindi si Umi ang kasama ko." "Kasi naman, dude. Kung siya lang ang babaeng aanuhin mo, hindi ba 'yan na ang tinatawag na love? Pero kung hindi si Umi ang kasama mo..." "Kailan mo pa natutunan ang love?" Si Jonathan ang kakambal  ni Umi pagdating sa relationships . They don't do serious relationship. Hindi ko nga alam kung bakit ako napapalibutan ng mga players sa buhay ko. "Dati ko pa alam ang love. I'm actually looking for love. I'm still looking for the girl who will make me forget everything except her." "Tandaan mo 'to, hindi mo mahahanap ang love gamit 'yang ano mo. Lahat na lang ata ng babae babayuhin mo para lang mahanap 'yang concept mo ng love." "Dinaig mo pa lolo ko." Sumimangot siya. "So sino na ang babaeng isasama mo sa Tagaytay. Girlfriend mo ba?" Ano ko nga ba si Aster? Sabi niya kasi sa panglimang date namin magpapanggap akong ako ang magpopropose sa kaniya kahit na siya naman talaga ang nagpropose sa akin. "Fiancée," Naibaba ni Jon ang paa niya sa mesa ko at idinikit ang ulo ko sa ulo niya. "Wala ka namang lagnat. Baka naka-drugs ka?" "Stop joking around." Lumayo ako sa kaniya. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng mapa. "You stop joking around! Fiancée? Aba't sino namang babae 'yan? Mahigit isang taon ka na ngang hindi sumasama sa akin mag bar o club." "Masyado na akong matanda para sa bar at club kaya tinigil ko na." Idagdag pang busy ako lagi sa pagpapalago ng business. Kakabili ko lang din ng panibago pang hotel kaya kailangan kong bantayan lagi 'yon. "Siguro matanda ang isip mo pero 27 years old ka pa lang, bro. At 'wag mo nga iniiba ang main topic. Sino ang babaeng sinasabi mong finacée?" "Gusto mo talagang malaman?" Ngumisi ako dahil alam kong ikagugulat niya kung sino ang mapapangasawa ko. Kulang na lang sumampa siya sa mesa para lang marinig ang sasabihin ko. "Spill it, Janus." "Aster Azurin," Abot tenga ang ngiti ko nang makita ko ang reaksyon niya. "You've gotta be kidding me. Not Aster!" "Naalala ko ang nabanggit mo sa akin noon. You told me that she got a 'majestic' body." Diniinan ko talaga ang majestic kasi 'yon talaga sinabi niya sa akin dati. "And she's good in bed." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. "May nangyari na sa inyo?" Wala akong maalala sa kinwento niya sa akin na nagalaw na niya si Aster. "Uhm, not really. Well, if you can call dry humping s*x then, yes." Alanganin niyang sabi na tila inaalala niya ang pangyayari. "You saw her naked?" "Lover boy, wag ka namang magalit sa akin. Past na kami ng fiancée mo. At saka..." Parang natatakot na siya sa akin. Takot naman talaga siya sa akin. "And? Tell me everything you know about her?" Sa totoo lang wala akong alam sa babaeng 'yon. "She doesn't have a good reputation, bro." "What do you mean?" Kumunot ang noo ko. "Well, probably half of the guy I know in this industry already know how good she is in bed. May usap-usapan ding ginagamit niya ang katawan niya para makuha ang gusto niya... maski sa lolo niya." What the hell! "Uy, Janus seryoso ka sa kaniya? I know you dude. You do serious relationship. She... I don't know." Napasandal ako sa upuan ko. Napaisip na maaaring tama nga ang kaibigan ko sa mga nalaman niya. Sa asal pa lang ni Aster para na siyang Medusa. Isa pa siyang Azurin. "Hindi dahil mahal ko siya kaya ko siya papaksalan." Pag-amin ko. Sa lahat si Jon ang pinakapagkakatiwalaan ko ng balak kong ito. "I'll marry her in exchange of her inheritance." "Grants Inc.?" Tumango ako. "And I guess I know now why she ask me to marry her." Wala kasing gustong pakasalan siya dahil sa masamang reputasyon niya. Kahit na isa siyang Azurin gagawin ko ito mapasakin lang ang Grants. *** Linggo ko siya inimbitahan para sa una naming date. Sinundo ko siya sa isang condominium. Walang exact unit siyang ibinigay sa akin. Sinabi niya lang na maghintay ako sa lobby. Saglit lang naman ang hinintay ko at nakita ko na kaagad siya. Naka-Sunday dress siya na kulay dilaw. Mas lumutang ang kaputian at kagandahan niya pero hindi ang katawan niya. Natatakpan ang cleavage niya ngayon at lampas tuhod ang haba ng damit niya. Para siyang isang anghel. Anghel na may tinatagong demonyo. "Hi, honey!" Nakipagbeso-beso siya. "Honey na ngayon?" Tinaasan ko siya ng kilay. Parang nandidiri na tuloy akong lapitan siya. Pano pala kung may AIDS siya. I mentally slapped myself, hindi naman nakakahawa sa simpleng pagdikit niya lang ang AIDS. "Oh, darling pala noh? Sorry." Hindi na ako nadala ng pa-demure niyang kilos. "Let's go." Kahit papano ipinakita ko pa rin ang pagiging gentleman ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse ko. Sa byahe tahimik lang ako. Paulit-ulit sa akin ang sinabi ni Jon. Paalala na rin ito sa sarili kong wag magpapadala sa kaniya. Sa tungin ko naman hindi ako madadala. Naka isang oras kami sa byahe. Pagdating namin doon pinarada ko ang kotse ko sa Bag of Beans. "Let's have some brunch first." Anunsyo ko. Pumasok kami sa loob. O-order sana ako ng akin pero inunahan niya ako. "Two large Mocha frap and two buffet. Thank you, Jimmy." Pagkaalis ng waiter tinanong ko si Aster. "You know him?" "Sa name tag. It's good to call their name. Mas lalong nabu-boost ang importance nila; na hindi lang sila simpleng waiter kun'di ginagalang din sila na parang doctor or engineer. Sabi nga sa akin ni lolo kung pwede lang magkaroon ng magandang title ang mga waiter as general kasi kung wala sila hindi natin malalaman kung ano ang kakainin natin." Wala akong masabi sa sinabi niya sa akin. Buti na lang dumating uli si uhm, Jimmy na dala ang frap namin. Sinabihan na rin niya kaming pwede na kaming kumuha ng ng pagkain sa buffet anytime. "Thank you so much, Jimmy. And by the way, I like this frap." Ngumiti si Jimmy na sa tingin ko nabubulag na ni Aster. "He thinks you're flirting with him." Sabi ko nang nasa buffet na kami at namimili ng pagkain. "Because you're not interacting with our conversation." Kumuha siya ng maraming kanin. "Dalhin mo nga 'to sa table natin. Share na tayo." "Buffet don't go like this." "Ako bahala." Natapos din ang pagkuha namin ng pangalan. 'Yung plato niya mas marami pang pagkain kaysa sa akin. "Kakainin mo lahat 'yan?" "Yup, let's pray." Pumikit siya ang nagsambit ng dasal. 'Yung dasal pag recess time na noong elemtary ako. Pagkadilat niya sumubo kaagad siya. Mahinhin na parang nasa French restaurant kami. She was so contradicting. "Hindi ka ba kakakain? Papanuorin mo lang ako?" Umiling ako. "Sa payat mong 'yan ang dami mong kakainin. Kaya mo ba talaga?" Nag-iba ang ekspresyon niya sa mukha. Hindi naman galit pero hindi siya ngumiginti o nakasimangot. "Kaya kong ubusin 'to." Nanahimik na lang ako at tinapos ko ang pagkain. Mabilis ko namang nakain kaso lang siya parang nasusuka na. "Tama na kaya? 'Di mo naman kayang ubusin—" Tumayo siya sa kinauupuan niya at nagmamadaling tinungo ang restroom. Sinasabi na nga bang hindi niya kaya. Ilang minuto rin akong maghintay sa kaniya. Nag-alala na lang ako nang mukhang wala na siyang balak lumabas. Ang haba na kaya ng pila sa restroom. Hindi na ako napakali at pinuntahan siya. Kinatok ko ang pinto at tinawag siya. "Aster, ayos ka lang ba? Bilisan mo na at humahaba na ang pila—" Biglang bumukas ang pinto. Simangot siya. "Astar," Huh? "You call me by my name but you pronounce it differently." "Astar," ulit ko. "Stupid Americans." Inirapan niya ako at bumalik sa table namin. Kausap niya uli si Jimmy. Narinig kong sabi niya sa waiter na hindi na raw niya kayang kumain. Sabi naman ng waiter okay lang. Umupo ako uli sa kinauupuan ko kanina. Pinagmamasdan ko lang siya habang tinitingnan ang pagkaing hindi niya maubos. Parang iiyak na siya. "Ayos ka lang?" Tanong ko. "Pinabalot ko itong hindi ko maubos. Ako na na lang magbabayad." Bumalik si Jimmy na may dalang to go box at ang bill namin. "You don't have to worry, ako na." Inagaw ko ang bill jacket at tiningnan ang kung magkano ang ginastos namin. Mura lang naman pero kung makaasta si Aster sa nasayang niyang pagkain kala mo milyon ang ginastos namin. Umalis kami sa restaurant na hindi ko alam kung masaya ba kami o malungkot. Nakakahawa kasi siya na para bang may hinahanap siya. "Stop!" Sumigaw siya bigla. Tila naman aatakihin ako sa puso sa kaniya. "What?" Bumaba siya ng kotse may nilapitang homeless na mga bata at ibinigay ang pagkain pinabalot niya kanina. Hindi lang 'yon, naglabas pa siya ng tigbebente at inabutan ang mga bata. Bumalik siya ng kotsenh nakangiti. "Let's go?" Sino ba talaga si Aster Azurin? *** Wala pa kami sa kalahati ng date namin pero parang pagod na ako. Nangabayo kasi kami. Hindi ako marunong nito at hindi ko binalak matuto. Wala akong hilig sa mga ganitong bagay. Mabaho ang mga kabayo at madumi tingan. "Janus you're such a wimp." Pang-iinsulto ni Aster sa akin. Siya kasi nakailang ikot na samantalang ako may alalay pa rin ng tagapangalaga ng kabayo. Ayoko na! Hindi ko naman kayang makipagkumpitensya sa pangangabayo sa kaniya. Nakakapagod lang. "Sir, ibaba n'yo na po ako. Ayoko na." Umupo na lang ako sa gilid at pinanuod si Aster sa pangangabayo. Siya na talaga ang magaling. Ako ang sakit na ng likod ko pero siya kayang kaya niyang isabay ang katawan niya sa paggalaw ng kabayo. Bumalik uli sa isipan ko ang sinabi ni Jon sa akin. Magaling siya mangabayo kahit hindi kabayo ang sinasakyan niya. Masyado akong nilalamon ng pag-iisip ko hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Aster. Pawisan at mukang hapong hapo na siya pero ang ganda niya pa rin. "Bakit ka na tumigil?" "Tumigil ka na eh" "Saan naman tayo susunod." "Let's take a sit first. Actually, I need to go to the restroom." Iniwan niya lang ako. Siguro mga ten minutes siya bago makabalik. Pagbalik niya sabi ko lakarin namin ang trail ng Picnic Grove. "Uhm, sure." Alanganin niyang sagot. Wala naman kaming ibang gagawin kaya kahit ayaw niya nilakad pa rin namin. Nakapunta na ako dati dito kaya minamadali ko na. "Wait," tawag niya sa akin. Nilingkis niya ang kamay niya sa braso ko. "Will you please slow down? Let's enjoy this moment." Enjoy ko naman sana kaso lang halos lahat na ng bigat niya nasa akin. Tapos 'yung boobs niya pa nakadikit sa braso ko. Pagtawid pa namin sa hangging bridge mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa akin. Mas lalong naiipit ang hinaharap niya sa braso ko. "Takot ka ba?" Tanong ko. "Kunwari," ngumisi siya. Noong una ko siyang nakita parang gusto niya mas superior siya sa akin. Nagyon naman parang gusto niyang umaktong ako ang knight and shining armor niya. Pero hindi pa rin nawawala ang pag-control niya sa akin. Kala niya kaya niya ako. Tinangal ko ang braso ko sa pagkakahawak sa niya. Lumayo ako at nagtatatlon sa hanging bridge para takutin siya. "Jerk! Akala mo matatakot mo ako." Tumakbo siya at dinambahan ako. Napasigaw ako sa takot kasi sobrang umalog 'yung bridge. Narinig ko pang parang nag-c***k ang  kahoy na tinatapakan ko. Tawa lang siya ng tawa. Tawa kagaya noong nakita niyang may lipstick ako sa labi. Laugh that was so carefree. "Ikaw pala ang takot."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD