Flashback...
JASMINE'S POV:
Ilang araw na din ang lumipas pagkatapos ang nerve- wracking na ilalim ng puno ng mangga experience ko with Rain pero di ko pa rin magawang iopen-up kila Belle at Aemie kasi malamang eh di pa natatapos ang araw iniinterrogate na nila si Rain o worst ako.
Imagination...
Nakaupo ako sa isang isang silya nakagapos ang kamay.
" Anong laman ng sulat? Magsabi ka nang totoo samin!!" suntok sa tagiliran.
" Umamin ka, or I'll make b***l you. Nag- uusap ba kayo ni Rain ng palihim?!" sabunot.
" Wala. Wala akong aaminin sainyo kahit patayin niyo pa ako! Wala! Walaaa!!!"
End of imagination..
" Walaaaaaaaaa!!!!!!"
Isang malakas na yugyog ang nagpabalik ulit sakin sa realidad.
"Huy Jasmine De Mesa! Napano ka ba't kaba sumisigaw?!" si Belle yan.
" Pasalamat ka besh wala pang teacher kung hindi na punish kana sa ingay mo. What's wrong ba??"
Nakalimutan kong nasa loob pala kami ng classroom at nagrereview para sa Math quiz namin mamaya pero mukhang tinangay na naman ng hangin galing sa ceiling fan ang utak ko.
" Ah...eh. Wala. Wala kamo ako maintindihan sa binabasa ko, hehe." Nagpalusot nalang ako sabay takbo palabas ng classroom bitbit notebook ni Rain dahil maaga pa naman. Mabuti na lamang at hindi pa sila naghihinala sa hawak kong notebook kasi kilala nila penmanship ko at ang style ng mga notebook covers ko.
Hawak ko yung notebook na bigay niya at heto papunta ako sa ilalim ng puno ng mangga na pinagkitaan namin dati para basahin ulit notes niya. Maigi na ito na nandito ako kasi payapa dito at malayo sa mala- palengkeng ingay ng classroom namin.
" Myghad wala ako maintindihan talaga potek!!" Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Isinusumpa ko talaga ang Math. Sa umimbento ng Math hindi ka po nakakatuwa. Promise.
Inumpisahan ko ulit basahin ang mga nakasulat sa notebook ni Rain pero parang sumasayaw ang mga numbers sa paningin ko. Kinunot ko noo ko at pinasingkit mga mata ko baka sakaling tumigil sila sa pag chachacha sa harap ko.
Sobrang tutok na tutok ako sa binabasa ko kaya't di ko napansin na kanina pa pala may nakatayo sa harapan ko at matiim akong pinagmamasdan.
RAIN'S POV:
Pupunta sana ako sa covered court para dun magbasa nang matanaw ko si Jasmine sa may puno ng mangga.
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at dinala ako bigla ng mga paa ko papunta sakanya.
Sobrang seryoso niya sa pagbabasa. Ni hindi niya man lang napansin ang paglapit ko.
Pinagmasdan ko siya ng maigi. Cute naman pala 'tong babaeng pinaglihi sa megaphone sa malapitan lalo pag hindi nag- iingay. Ang sarap niya tingnan. Hindi ko namalayang sumilay ang isang ngiti sa mga labi ko dahil sakanya.
'Teka, ba't nakakabingi ang dagundong ng t***k ng puso ko? May lahi ba kami ng sakit sa puso? Tatanungin ko nalang si mama mamaya.'
" Rain???"
Halos tumilapon palabas ng katawan ko ang kaluluwa ko nang bigla siyang nagsalita at tumingala sa akin kaya dali-dali akong naglakad ng mabilis palayo sakanya sa sobrang pagkataranta. Dinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.
' Tae. Anong kabaklaan 'tong nararamdaman ko ngayon?!'
End of flashback...
Inamin niya sa akin na sa puntong yon na nahuli ko siyang nakatingin sa akin sa ilalim ng puno ng mangga ay may nararamdaman na pala siya para akin. Pero ayaw niyang aminin sa sarili niya daw dahil dapat maghihiganti siya sakin. Pft! Naalala ko kung paano ako kiligin ng mga oras na yun. Haha. Nakakatuwa lang isipin na yung crush mo na akala mo one- sided lang paghanga eh ikaw din pala ang gusto. Haha! Napabili tuloy kami ng mangga ng wala sa oras dahil sa memories ng puno ng mangga.
Flashback...
JASMINE'S POV:
"Problema nun.Tss." inis kong sabi sa sarili ko nang nilayasan ako bigla ng mokong na yun.
Itinuon ko nalang muli ang atensyon ko sa pagbabasa dahil baka ikabagsak ko pa kung iisipin ko na naman siya.
Pagbalik ko sa classroom ay nasa harap si Ma'am Zantua kaya't dali-dali akong naupo dahil baka mapag- initan ako pagnagkataon.
'Teka bakit siya nandito hindi naman schedule ng Homeroom Class ah.'
Nagsimula siyang magsalita,
"Class marahil nagtataka kayo kunh bakit nandito ako ngayon. This is because of some negative observations sa klase na ito ng mga subject teachers niyo. We decided to assign a permanent seating arrangement starting today. Sa subject ko at ni Mrs. Alvi tahimik kayo pero sa ibang subjects daig niyo pa mga nasa palengke. Nagrereklamo na ang mga teachers niyo sa akin. Naturingan kayong star section pero hindi kayo nagpapakita ng magandang pag- uugali. Lalo na yung mga magkakaibigan diyan na walang ginawa kundi magdaldalan ng magdaldalan. Just make sure na may mga isasagot kayo sa exam! Everyone stand up and bring all your things at tumayo ang lahat sa wall! As I call your name take your seat starting from the left side first row sunod- sunod na. Maliwanag ba?!"
Biglang napuno ng kaliwa't kanang mahihinang bulungan ang classroom at maging kaming tatlo nila Aemie ay nagulat sa announcement ni Ma'am Zantua.
Alam niyo yung last year pa kayo na magkakatabi ng mga tropa mo tapos bigla kayong paghihiwa- hiwalayin. It really hurts besh!!!
Wala naman kaming nagawa kundi ang sumunod kahit mabigat sa loob namin ang utos niya.
Maya maya pa ay,"m
alapit kana tawagin Jas letter D na," pabulong na sabi ni Aemie.
Kanina pa kasi tahimik ang kanina'y mala palengke sa ingay na classroom na klase at tanging maririnig lang ay ang langitngit ng paa ng upuan sa semento kapag uupo na at boses ni Ma'am na isa isa kaming tinatawag.
"Ms. De Mesa."
At ayun na nga natawag na ako. Bale ang pwesto ko na ngayon ay second row pa din pero sa may bandang right na second seat. Bitbit ang bag and notebooks ko ay tinungo ko na ang seat na nai- assign sa akin.
Tila naman huminto ang oras ng tawagin na ang magiging katabi ko sa buong taon namin sa 4th year high.
"Mr. Castro".
Hindi ko maintindihan kung bakit parang nag slowmo ang eksena na parang sa mga typical na palabas sa TV na nakikita natin kapag lalapit na ang leading man sa leading lady nung naglakad na si Rain papunta sa tabi ko.
Ang tagal...
Ang bagal ng paglalakad niya...
Papalapit na siya ng papalapit...
Hinahawi ng hangin galing sa ceiling fan ang kanyang buhok...
Para akong mahihimatay sa sobrang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko...
Di ko namalayan nakaupo na pala siya sa tabi ko samantalang ako'y nakatulala pala at kanina pa pinagtatawanan ng mga kaklase ko dahil sa pagkakatitig ko kay Rain.
"Tss." Yang signature expression ni Rain ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Luminga- linga ako at lahat nga ay nakatingin na sa gawi namin. Si Rain naman ay hindi maipinta ang mukha sa sobrang inis.
Okay Jasmine way to go. Maghukay 'kana at ilibing ang sarili mo dahil sa kahihiyan.')
"Wha.. sh*t!" pabulong kong sabi sabay yuko nalang. Gusto kong lumiit ngayon ng kasing liit ni Tinkerbell at magtago sa loob ng bag ko forever.
"QUIEEEEEEEEET!!!!!!!" Sigaw ni Ma'am. Para kaming lahat binuhusan ng yelo sa sobrang bagsik ng boses niya.
Naglalakad yata kami sa plaza that time nang mapagkwentuhan namin itong eksena na ito. Para daw akong na nuno nang naglalakad siya palapit sa inuupuan ko. Ang yabang sabi pa niya guwapong guwapo daw ako 'nun sakanya. Pero tama naman siya. Ayun tawa lang ng tawa tapos pacute ng pacute sa harap ko. Haay. Nakakamiss din yung favorite namin puntahan na plaza malapit sa school. Mula kasi 'nung nag break kami hindi na ulit ako pumunta doon.
Natapos na ang pag arrange ni Ma'am ng mga seats at nagsimula siya ulit magsalita.
At kung akala niyo tapos na ang kalbaryo ko ay nagkakamali kayo.
"We will have an activity next week. I want you to partner up with your seatmate and think of something na pwede niyong i- present sa klase about being a student. It can be in a form of dance, song, acting, poem basta kahit ano na nagpapakita ng buhay ng isang estudyante. This activity will be graded at malaki ang bearing nito sa magiging grade niyo sa Homeroom."
Sa isang row ay may six na upuan kaya kapag pinag partner partner alam niyo na resulta.
'I'm sooo dead.'
Paano ako makikipag partner kay Rain dahil sa tulaley eksena ko kanina?!
'Sooo dead.'
Lumunok muna ako at humugot ng isang malalim na hininga bago humarap sakanya pero naunahan niya ako magsalita.
"Taga saan ka?"
"H..hha?" nautal pa ako punyemas yan. Biglain ba naman ako ng ganyang tanong sinong hindi magtataka 'diba?
"Taga saan ka. Simple question lang di mo masagot. Tss."
'Aba eto na naman ang kayabangan ng taong toh.'
Okay kanina mukha siyang leading man sa mata ko ngayon mukha na ulit siyang kontrabida.
" Aba sobra ka ah. Bawal bang magulat??!" galit kong sagot.
Mukhang napalakas ata ang pagkakasabi ko kasi biglang nagsalita si Ma'am, "Ms. De Mesa may problema na naman ba??! Sunod pang pag iingay mo I'll kick you out of the class!" mataray na tanong ni ma'am kasunod nang sabay- sabay na naman ng paglingon ng mga kaklase namin sa kinauupuan namin. Napayuko nalang ako dahil dun.
'So kelan matatapos ang mga ganitong kahihiyang eksena sa buhay ko ngayong araw na toh.Haaay.'
Muli na naman umingay ang classroom at dahil na naman sa akin. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang ako napapahiya at involve lagi si Rain. Siya yata ang malas sa buhay ko.
'Jasmine umayos ka. Bibingo kana isa nalang.'
Dahil hindi ko na matiis ang kayabangan ng isang 'to ay sinulatan ko siya. Itinapon ko din sa harap niya yung note gaya ng ginawa niya dati sa akin1.
MAG- USAP TAYO SA GARDEN MAMAYA.
Caps lock yan para dama.
Ang hirap nung time namin kasi wala pang cellphone kaya ang way of texting namin ay sa papel. Haha! Grabe yung gigil ko sakanya ng time na sinulatan ko siya. Kamuntikan na mabutas ang notebook sa pagkakadiin ng ballpen. Paano naman kasi sinong hindi magugulat out of nowhere biglang itatanong address mo pagkatapos kang yabangan ng yabangan at ipahiya sa klase! Sabi niya nagulat din daw siya that time at nataranta. Akala niya kasi nakahalata na daw ako sa maitim na balak niya. Muntik pa ngang hindi siya sumipot kasi natagalan sila mag ayos ng project nila sa T.L.E. Nakailang pukpok daw siya ng martilyo sa daliri niya sa kakamadali. Pfft! Haha! Ang laking g*go talaga eh oh.
Nagulat siya at napatingin sakin. Pinandilatan ko siya ng mata and gave him a look na mag-usap-tayo-mamaya-lagot-ka-sakin saka ibinalik ang tingin sa unahan.
5:00 pm ( Class Dismissal )
" Besh may powder ka penge naman phuleaase!" May pag puppy- eye look pa yan si Aemie manghihingi lang ng pulbos.
" Naku ka talaga Aemie dapat ata pulbos ang hingiin mong regalo sa mga nanliligaw sayo." si Belle yan na nagsusuklay.
Ganito ang eksena lagi tuwing uwian sa classroom ng mga girls. Kanya- kanyang retouch pero hiraman naman ng beauty supplies.
Iniabot ko kay Aemie yung pulbos ko pagkatapos kong maglagay ng lipgloss. Don't get me wrong ritwal na namin 'toh noh at hindi ako nagpapaganda para kay Rain. Pake ko sa mokong na yun.
" Ah beshies, mauna na kayo ulit ha. May kailangan pa pala akong daanan sa library," sambit ko habang inililigpit mga gamit ko.
Tumigil naman bigla si Belle sa pagsusuklay at iniharap ako sakanya.
" At ano naman gagawin mo sa library??Kelan ka pa tumambay dun?", dudang tanong niya.
Napalunok ako sa taranta dahil sa biglang pagtatanong nitong si Belle. Malakas pa naman 'toh makaramdam.
Naku Jas isip ng palusot quick!!!
Naalala ko bigla yung activity na binanggit kanina ni Ma'am Zantua.
" Ah..ano.. para sa.. activity ni Ma'am Zantua. Tama yun nga!" excited kong paliwanag.
Galing mo talaga mag- isip Jas! Haha!
Binitawan niya na ako at mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko.
"Sige mauuna na kami. See you nalang bukas besh!"
" Bayiiiie besh!!"
Bineso muna nila akong dalawa saka lumabas na ng classroom.
Nang ako nalang ang nasa loob ng classroom ay sinigurado ko munang wala nang makakakita sakin na classmates ko saka ko tinungo ang garden.
Pagdating ko sa garden ay nandun na siya. Nakasandal sa puno ng mangga. Nakapamulsa ang kanang kamay at nakatingin sa ulap.
Whew. Buti naman at hindi ako nito naisipang indiyanin.
Padabog akong lumapit sakanya at nakapameywang na tumayo sa harapan niya.
"Ano ba talagang problema mo sakin?! Bakit mo ako lagi sinusungitan? Mula nung first day of school hanggang ngayon ang yabang yabang mo! What the hell is wrong with you?!", halos walang preno kong singhal sakanya.
'Whoa. Saan ko hinugot yung lakas ng loob kong yun??'
"At bakit mo tinatanong kung taga saan ako. Stalker kaba? May masama kabang balak?! Ano sumag--"
Hindi ko natapos ang sinasabe ko ng hatakin niya ako sa magkabilaang balikat dahilan para ako na ngayon ang nakasandal sa puno ng mangga at halos ilang pulgada nalang ang pagitan ng mukha niya sakin.
Ngayon ko lang napansin ang mga mata niya. Malamlam at tila pagod. Marahil dahil na din sa salamin niya kaya ganun pero yung mga titig niya ay tila tumatagos sa kaluluwa ko.
"Pag di ka tumahimik hahalikan kita!" madiin ang kanyang pagkakasabi. Yung boses niya ay parang galing sa ilalim ng lupa na nakapagpatindig ng balahibo ko.
'Okay what the freak is happening.'
Nag panic ang buong katawan ko at napatigil ako sa pagsasalita dahil sa sinabi niya.
Napalunok nalang ako dahil parang nanunuyo na ang lalamunan ko sa pagkakatakip niya ng palad niya sa bibig ko at sa distansya namin ngayon na halos magkadikit na ang mga katawan namin dahil sa pagdiin niya sakin sa puno.
'Jusko anu ba 'tong napasok ko...'–
Isang maikling hinga ang ginawa niya bago siya ulit magsalita.
" Maingay ka. Ayoko ng maingay. Your address? For the freaking activity. Ayokong makita nila tayo sa campus magkasama. Okay na?"
Tila nagpantig ang tenga ko sa una niyang sinabi. Tinabig ko ng buong lakas ang dalawang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.
"Ako maingay?! Anong gusto mo hindi ako magsalita?! Shunga kaba eh di napanis laway ko nun!"
Eh gago pala toh kung ayaw niyang maingay dun siya sa sementeryo dapat nag- aral! Psh!!
Akala ko'y magagalit siya sa sinabi ko pero ang tanging sagot niya ay isa na namang nakakainsultong ngisi.
"Tss.."
Napasabunot nalang ako sa sarili ko sa inis. Ang hirap kausap ng taong ito!
" Your address. Bilis." ma awtoridad niyang sabi pagkatapos manahimik ng ilang segundo.
"At bakit ko sasabihin sayo mamaya gawan mo pa ako ng masama. Di pa naman katiwa- tiwala ang mukha at ugali mo," sagot ko na magkasalubong na ang magkabilang kilay.
Bigla na naman niya akong hinatak sa magkabilang balikat at isinandal sa puno. Naramdaman ko ang pwersa na yun at kumirot ang likot ko sa pagkakatama nito sa kahoy.
RAIN'S POV:
"Sasabihin mo ba o hahalikan na talaga kita?!" Isinandal ko siya sa puno nang maramdaman kong may nakatingin sa amin.
Binitiwan ko ang kaliwang balikat niya at hinugot ang isang ballpen sa bulsa ko saka ko tinutok sa mukha niya.
She felt defeated. Maige na ito kesa kanina na sobrang ingay niya. Nakatulong din kahit papaano yung kung sino man ang nakatingin sa amin para mapabilis ang pagkuha ko ng address niya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya nang kunin niya ang ballpen ko dahil sa labis na nerbyos.
Tuluyan ko siyang binitiwan at nilahad ang palad ko. Hindi ko na naisip na maglabas ng notebook dahil gusto ko na din makaalis kami sa lugar na 'yon.
JASMINE'S POV:
Pagkasulat ko ng address namin ay muli na naman akong naiwan na mag isa sa ilalim ng puno ng mangga na nakatulala at magulo ang isip pilit na iniiintindi ang mga nangyari dahil lumayas na naman bigla ang kumag na yun na wala man lang paalam.
Ba't ba King of Walkout yung lalaking yun?! Aiiish!!!