Chapter 16

1387 Words
Nagtinginan muna silang muli ni T-Ross sabay tango sa isa't isa bago sabay na nagpatihulog sa building habang bumabaril sa mga kalaban. Nang makabawi ay agad silang humawak sa lubid at nag-rappelling pababa ngunit tila kinapos ang lubid at tila nasa 20th floor pa sila! Napatingin sila sa itaas at mukhang gumagawa ng paraan ang mga hinayupak na kalaban para putulin ang lubid at malaglag sila. "Ano ba naman 'tong lubid mo, Dinosaur? Mukhang mas mahaba pa ang pasensiya ko rito eh!" Reklamo niya rito. Tumingin siya sa ibaba at wala naman silang ibang babasagkan kundi ang malamig na semento ng kalsada. Let's break one of the glass walls, $ekerim. We have no choice," turan nito habang sinisipat ang bawat salamin na dingding ng mataas na building. "Push! Gora Pandora!" sigaw niya rito. Inaaliw na lamang ang sarili dahil tila gustong-gusto ng humimlay ng pagod na katawan niya. Idagdag pa na may espiritu ng alak sa katawan niya at kumikirot ang kaniyang braso. Whew! Buhay parang life! May mga putok pa rin ng baril na nagmumula sa condo ni T-Ross kung kaya't nagmadali sila na makapasok muli sa isa sa mga unit bago pa maputol ang lubid na pinaglalambitinan nila. Itinutok ni T-Ross ang baril sa napili nitong unit at sa isang putok ay nabasag ang salamin nito. "Swing yourself inside, $ekerim!" sigaw nito. Mabilis siyang nagbwelo, napatingin pa siya sa itaas dahil ramdam niya ang vibration ng tali niya. Isang malakas na buwelo at tumalon na siya papasok sa loob ng binasag na salamin. Nilingon niya si T-Ross. Sakto lang na nakatalon din ito papasok sa loob ay naputol ang lubid nito. "F*ck! That was close!" bulalas nito. Pumihit na sila at sabay natigilan sa nakita. "Ohemgee!" mahinang sambit niya. Ang nasa harap nila ay dalawang nilalang na tila bagong panganak lang dahil wala ni isang saplot ang nagtatago sa ilalim ng kumot sa ibabaw ng kama. Ang babae ay nasa ilalim habang ang lalaki ay nasa ibabaw. Ang mga mukha ay namumutla sa gulat at bakas din ang takot. "Uhmm.. Sorry sa istorbo. Huwag mo na hugutin, aalis na rin kami. Napadaan lang talaga kami. Tuloy ang ligaya!" sigaw niya pa at itinaas ang dalawang kamay. Hinatak naman siya ni T-Ross habang pinipigilan ang matawa. Ngunit muli niyang nilingon ang mga ito." Uhm, scorer kailangan n'yo? Baka hindi ninyo mabilang ang rounds," Sambit niya ngunit mga kamay ni T-Ross ang pumulupot sa beywang niya at halos buhatin na siya palabas ng pinto ng kwarto na iyon. "I didn't know na ganiyan ka kakulit kapag nalagyan ka ng espiritu ng alak," natatawang turan nito habang tila nagsasayaw ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Sumilip pa ito sa peephole ng pinto para icheck kung maaari na silang lumabas. "Hoy, hindi ako nalasing. Naka-bullseye pa nga 'ko kanina eh. Kahit ikaw nga kaya kita ibullseye eh!" irap na turan niya. Naningkit ang mga mata nito at inilapit ang mukha sa kanya kung kaya't napalayo siya ng bahagya. "Don't start what you can't finish, $ekerim. I'm warning you!" Napalunok siya sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. "Edi don't!" pabalang na sagot niya rito sabay layo. Natakot din siya sa kahihinatnan nila kung sakaling hindi pa siya tumigil. Walang sabi-sabi na binuksan niya ang pinto at naglakad sa hallway. Nagpakendeng-kendeng pa siya na akala mo walang humahabol sa kanila. "What do you think you're doing, Elix?" paanas na turan ni T-Ross sa iritableng tono. "Walking?" painosenteng sagot niya. Napapikit ng mariin ang lalaki. Hindi na alam ang gagawin para tumino ito. Tila kasi wala itong pakialam sa panganib na nakaamba sa kanila. Ilang saglit pa ay nakarinig sila ng mga yabag na pababa sa fire exit na hagdan. Panigurado ay sinusuyod ng mga ito ang bawat floors ng gusali sa paghahanap sa kanila. Mabilis na inamba ni T-Ross ang baril sa may pinto ng fire exit at umalerto. "$ekerim, knock on the door. Kailangan natin makapagtago!" mahinang utos nito sa kanya. Tumango naman siya at kumatok sa pinakamalapit na pinto ng tatlong beses at inilapat ang kaliwang tainga roon. "Who's there?" Tila bata ang may-ari ng boses sa loob. "Elsa?" sagot niya na nagpalingon ng nakakunot noo kay T-Ross. Lalong nalukot ang mukha ng dinosaur ng magsimula siyang kantahin ang sikat na lyrics ng isang disney movie. "Do you wanna build a snowman?" "Dammit, $ekerim! Magseryoso ka muna! Kung ayaw mong sabay tayong paglamayan at hindi mailigtas ang kuya mo!" angil nito. Pigil na pigil ang sarili na mapasigaw. Bumuntong-hininga siya at umalis sa pinto sabay sambit muli ng kanta. "Okay, bye." "Mababaliw ako sa 'yo, babae ka!" gigil na talaga ito sa mga kalokohan na pinaggagawa niya. Mukha nga yatang tinamaan siya ng espiritu ng alak. O sadyang pumitik nanaman ang kaabnormalan niya. Muli silang naglakad. Paliko na sila sa pasilyo para maghanap ng ibang exit ng mabulaga ng mga kulto na humahabol sa kanila. Napaatras pa siya sa gulat. Mabilis niyang binunot ang baril at pinaputukan ang dalawang lalaki. Bulagta ang mga ito na kapwa sa noo ang tama. "Nanggugulat naman kasi kayo!" sermon niya pa sa dalawang nakahandusay. Si T-Ross naman ay nasa likod niya at doon nakaharap sa kabilang hallway. Lumingon siya sa gawing salamin at nakita ang gondola lift na ginagamit at sinasakyan ng mga naglilinis ng salamin ng building sa labas. "T-Ross, may gondola. Pwede natin sakyan pababa," wika niya habang nakaturo sa gawi ng equipment. "Thank goodness!" bulalas nito sabay takbo sa may gondola at inasinta ang salamin. Ngunit paglingon niya ay may tatlo muling mga nakaitim na pasugod sa gawi nila. Si T-Ross ay nakasakay na sa gondola at hinihintay na lamang siya na makasakay. Hawak na rin nito ang lubid. Binunot niya ang isa pang baril at sabay na pinaputok sa mga ito. Magkakasunod na sumadsad sa sahig ang tatlo habang ang dulo ng dalawang baril niya ay umuusok pa. "Enemies has been slain!" sigaw niya pa sabay suksok pabalik ng isang baril niya. "Hurry up, $ekerim!" tawag nito sa kanya. "Oo na, eto na! Mamadali? May lakad ka ba?" iritable niyang sagot. Mabilis siyang sumampa sa gondola at mabilis na hinatak ni T-Ross ang lubid para bumaba ang sinasakyan nila. Nang makababa ay agad silang tumakbo papunta sa parking lot. Kapwa sila butil-butil na ang pawis. Nanlalagkit na rin ang pakiramdam niya. Noon lamang niya napagtanto na makailang beses bumuntong-hininga ang dinosaur habang hawak ang cellphone nito. Noong unang tumunog ito at binasa ang kung anong laman niyon ay bigla na lamang itong tila tinulos sa kinatatayuan. Matapos nito ay dalawang magkasunod na tunog pa muli ang narinig niya tanda na may natanggap muli itong mensahe. Kita niya ang paghigpit ng hawak nito sa cellphone na halos ikabasag nito. "T-Ross, are you okay?" tanong niya. Isang pilit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya bago mabilis na may idinial sa cellphone. "Yes, Sir. Can we do it now?" wika nito sa kabilang linya. "Sorry, I know it's already late but this can't really wait." "Yeah. We're on our way," huling turan nito sa kausap bago pinatay ang tawag at bumaling sa kanya. "Let's go, $ekerim!" Sabay lakad papunta sa isang nakaparadang big bike at nilingon siya. "You drive, Elix. I need to make sure na walang nakasunod sa atin." Sabay hagis ng susi sa kanya. Sumakay na siya sa motor at pinadyakan para i-start. Mabilis din naman na sumakay si T-Ross pero bigla siyang natigilan dahil nakapulupot ang dalawang braso nito sa beywang niya. " 'Yong totoo, dinosaur? Sisiguraduhin na walang makakasunod sa atin o sisiguraduhin na makaka-tsansing?" angil niya rito habang pilit na binabaklas ang pagkakasalikop ng mga daliri nito sa may tiyan niya. Isang malakas na halakhak naman ang sinagot nito. "Makatawa ka ngayon, samantalang kanina para kang pinagsakluban ng buong universe!" "Just drive now, $ekerim."Relax na ang boses nito. "Saan ba tayo? Ano drive lang walang direksyon? Sungalngalin kaya kita ngayon?" angil niyang muli. "Sa Laguna tayo. Eton Villas," sagot nito sabay yakap muli sa likod niya at inihilig pa ang ulo. "Ang layo n'on ah? Peste ka ginawa mo pa akong rider!" angil niya pero mabilis din pinasibad ang motor matapos mamataan ang mga humahabol sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD