"Hey... you okay?" Nagtatakang nakatitig sa mukha niya si Fletcher. Napakurap si Ataska at nahihimasmasang tumango-tango. "O-Oo... bakit ka nga pala nandito?" Ano bang nangyayari sa kaniya at natutulala pa siya? Gosh! Hindi na siya teenager! "I... just wanna check up on you and Frida. Is she asleep?" "Oo... kanina pa." Bahagya itong sumilip sa loob ng silid at bumaling sa kaniya. "Do you mind if come in? Gusto... ko lang sanang malapitan si Frida kahit sandali." Niluwangan ni Ataska ang bukas sa pintuan at gumilid upang bigyan daan ang lalaki. She knew how much he wanted to get near to their daughter. Pero mas pinipili nitong huwag lapitan si Frida. Sa pangambang lalong matakot ang bata dito. Nakikita ni Fletcher ang trauma na dinulot ng mga paninigaw nito sa bata. Whenever he's a

