Chapter 4

2512 Words
Tila natatauhan na tinanggal ni Fletcher ang salamin sa mata nito saka sumandal sa swival chair. He looks so tired yet still manage to look good. Hindi na magtataka si Ataska kung kaliwa't kanan ang nababaliw sa lalaking 'to. Oh, baka nga dala-dalawa pa ang girlfriend nito. Pero wala namang balitang na may nobya ang batang propesor, sa university pa ba? ang tsismis laging double time. Hindi na niya matandaan kung kailan nagsimula ang sintang pururot niya para sa lalaki. She just saw him one day walking across the hallway, then boom! Cupid hit her hard. At simula noon humanga na siya dito. Tulad ng ibang kababaihan sa university. Timaan siya ng Fletcher syndrome. Okay, ang korni na niya, enough na. Pasimpleng huminga ng malalim si Ataska at kinalma ang sarili. Kung anu-ano na namang kabaliwan ang pumapasok sa isip niya. "A-ah, Sir... kung dahil po sa late ko kanina kaya niyo ako pinatawag. S-sorry po talaga, sorry.. n-na stranded po kasi ako sa girls bathroom. nagka-LBM po kasi ako. S-sana po huwag niyo akong ibagsak. May mga grades po kasi akong hinahabol para sa sponsorship ko at ulilang lubos na ako wala pong magpapaaral sa'kin. Paano na lang ang kinabukasan ko-" "Ms. Milan," awat nito sa paglilintanya niya. "Hindi kita pinatawag dahil sa late mo." "P-po? Eh, T-tungkol po ba saan?" nauutal na tanong niya. Bakit ba kasi ang daldal niya? "It's about my brother, Finn." Binuksan nito ang drawer sa likuran nito at nilabas ang isang folder. Nagulat at natigilan si Ataska. Anong kinalaman ng lalaking 'yon? Hindi siya umimik at nanatiling nakatitig kay Fletcher. Binuklat-buklat iyon saka muling bumalik ang atensyon sa kaniya "I've read your records and I'm very impressed with your grades and attendance." "W-what do you mean, Sir?" Naguguluhang tanong niya. "Sa tingin ko magiging magandang impluwensya ka sa kapatid ko, kaya ikaw ang naisipan kong ipareha sa kaniya." Literal na umawang ang bibig niya. Seriously? Planado na pa lang siya ang makapartner ng lalaking 'yon sa buong sem? "If it's not too much to ask, Ms. Milan. I just you want to help him out." Siya? Tutulungan ang kampon ng kadiliman? "Set a good example to him. Hindi ko hinihiling na tumaas ang mga grado niya. Mahalaga lang araw-araw lang pumasok sa klase." Napatitig si Ataska kay Fletcher na bakas sa anyo na seryoso ito sa mga sinasabi sa kaniya. Ewan niya pero umaandar na naman yata ang pagiging malambot niya. Imbes kasi na mainis dahil unfair ang ginawa nitong pagpareha sa kaniya sa kapatid nitong salot sa university- nakaramdam pa yata siya ng paghanga at pang-unawa para sa lalaki. Hindi rin kasi biro ang mga nababalitang trouble sa university na kinasangkutan ni Finn, tuwina laging si Fletcher ang umaareglo ng mga gusot nito. Puro sakit sa ulo at kahihiyan din ang dulot dito ng nakababatang kapatid. But still concerned at nagpapaka-kuya pa rin ito para kay Finn. Something that she wished no'ng panahong mamatay ang mga magulang niya. Na kung sana may kapatid siya, hindi sana siya mag-isa ngayon... siguro mas magiging madali kahit paano ang pagharap sa mga pagsubok sa buhay.. Gusto man niya itong tulungan. Pero paano? Kahit yata magyelo ang impyerno walang papakinggan at susundin ang lalaking 'yon. "Ms. Milan, I just need someone that I can trust to look after him ng hindi niya nalalaman..." muling usal nito ng hindi siya umimik. Nag-aalalang nakatitig lang siya dito habang nagtatalo pa din ang isipan. Kabaliwan na yata ang naiisip niyang... siguro chance na ito para kahit paano mas masilayan at makausap ng madalas ang batang propesor. At kailan pa ba siya natutong tumanggi kapag may taong nangangailang ng tulong niya? Inborn na kasi kay Ataska ang pagiging matulungin at selfless na madalas kainisan ni Margaux sa kaniya. Hindi kasi siya marunong tumanggi. Bumuntong hininga siya tsaka tumango-tango. Bahala na nga... "I'll help you, Sir... k-kung saan makakaya ko.." Hindi nito ipinahalata ngunit bumakas ang relief sa mukha ng lalaki sa ginawa niyang pagpayag sa hinihingi nitong pabor. Tumayo ito at naupo sa katapat niyang silya na bahagya pang inilapit sa kaniya. Ilang beses tuloy napalunok si Ataska. "I owe you big time, Ataska..." anito. "If you need anything...don't hesitate to ask me, anything.." Bakit may diin ang huling salitang binitiwan nito. Wala sa sariling napatango-tango na lang tuloy siya. Magsasalita pa sana ang lalaki ng tumunog ang cellphone nito na nakapatong sa table. Sumensya pa ito sa kaniya na tinanguhan lang ni Ataska bago sinagot ang tawag. "Hello, Seth..." Habang nakikipag usap si Fletcher napapaisip siya sa sinabi nito. Ano namang kapalit ang hihilingin niya? × × × PAGLABAS sa dean's office dumiretso si Ataska sa canteen kung saan naghihintay sina Margaux at Elena. Paano bang ang tahimik na buhay niya at pagiging simpleng estudyante sa university. Magiging kumplikado pa yata. "Huy, Aska!!" Lumibot ang tingin niya sa canteen ng marinig ang malakas na boses ni Elena. At natagpuang nakaupo sa dulong bahagi ng malawak at air conditioned na canteen ang dalawa, kumakain ng eggpie. Naglakad siya patungo sa mga ito at nanghihinang napaupo sa katapat na silya ni Margaux. "Anong nangyari sa'yo? Parang end of the world na, ah?" kunot noong tanong sa kaniya ni Margaux. "Oo nga, anong pinag-usapan niyo ni Sir?" Usisa ni Elena na kumagat sa pie nito. Naglipat-lipat ang tingin niya sa dalawa tsaka malakas na bumuntong hininga. "Don't tell me..." mabilis na nilunok ni Elena ang kinakain na pie. "Pinagsamantalahan ka ni Sir!!" Pinamulahan siya ng mukha. Siya? Pagsasamantalahan ni Fletcher? Baka kahit sa paniginip tanggihan siya ng lalaki. Ngunit may hindi maalis sa isipan... 'di niya alam kung guni-guni ba... pero tuwing nagsasalita siya nahuhuli niyang nakatitig ito sa mga labi niya at pagkatapos ay agad na iiwas. Ang ending puro stutter tuloy ang nangyari sa kaniya hanggang matapos sila mag-usap. "Uy, bakit namumula ang mukha mo? Don't tell me totoo nga--" "H-Hindi 'no..." tanggi niya. Sinapo ng mga kamay ang pisngi. "As if naman... I mean hindi gano'n si, Sir. Matinong tao siya..." Tumaas ang isang kilay ni Margaux. "We never know... remember the scandal four years ago with the slutty Savannah Hidalgo?" Nagkatinginan sila ni Elena at sabay na tumango-tango. Although hindi na nila naabutan ang babae at ang professor na sangkot sa scandal usap-usapan pa din kung minsan ang topic na 'yon. May iba pa ngang naka-save sa cellphone ang walang kwentang video. At kung mas may nakakaalam ng mga nakaraang tsismis sa university si Margaux iyon dahil may kapatid itong nasa higher batch. Kaya sagap na sagap nito ang maiinit na balita. "That put him to where he is right now..." patuloy nito. "I mean, after kumalat ng video 'di ba? Bigla siya naging dean si Fletcher. Eh, bagong professor pa lang naman siya no'n time na 'yon..." "So?" nakangusong tanong ni Elena. "Hindi ba kayo nagtataka? He was just teaching two years that time... and then? Promotion agad na maging dean? Ang pinaka pala-isipan pa... siya ang nakapag shutdown ng site kung saan unang pumutok ang video." "Eh, ang sabi... nag-aral din si Sir ng related sa computer course kaya may alam siya sa gano'n?" Komento ni Ataska. "Hindi natin alam..." makahulugang ani Margaux. "Teka nga, teka. Bat ba napunta diyan ang usapan?" Ani Elena at pinaglipat ang tingin sa kanila. "Ang pag-usapan natin anong sinabi ni Sir kay Ataska, ang layo na ng topic natin, eh." Napapakamot sa pisngi na usal nito. "Si Margaux kasi eh.." si Elena. Umirap ang babae sa kanila at humalukipkip. "Kayo naman napaisip lang ako, eh! Okay back to the main topic. Ano nga bang sinabi sa'yo ni Sir, parang end of the world na ang mukha mo kanina?" Napabuntong haninga ulit siya bigla at sumalong baba. "He wants me to look after Finn..." "WHAT?!" panabay pa na bulaslas ng dalawa. "Teka, teka! Pa'no?" naguguluhang tanong ni Elena. "Magiging baby sitter ka ng bad boy na 'yon?" Nalukot ang ilong niya. "Hindi naman baby sitter, grabe naman 'yon...gusto lang niya na ano... uhm.. I'll make sure na you know papasok si Finn sa klase... Tulungan ko siya sa mga paper works and to be a good example to him.. parang learning buddies?" Inosenteng sagot niya. Nagtawanan ang dalawang kaibigan na ipinagtaka niya Anong nakakatawa sa sinabi niya? "Ni sa panaginip walang makakaisip na mag-aaral at magpapakatino si Finn! And as if papakinggan ka no'n, Aska. Mga professor nga walang palag pa sa kaniya ikaw pa kaya? Dont tell me pumayag ka sa sinabi ni Sir?" Naiiling na usal ni Margaux. "Si Aska pa ba? malamang pumayag 'yan kailan ba natutong tumanggi 'yan sa mga humihingi ng pabor sa kaniya?" Sagot ni Elena na tulad ni Margaux ay iiling-iling din. Bumuntong hininga siya. Ano pa bang magagawa alangan bawiin pa niya naka-oo na siya. "Guys, tulungan niyo na lang, oh... kung paano ba gagawin ko sa lalaking 'yon na kahit atleast pumasok thrice a week... 'yon lang naman ang sinabi ni Sir sa'kin, eh. nakikiusap na usal niya. "Ano pa nga bang magagawa namin?" ani Margaux bago uminom sa softdrinks nito. "Not bad na din... mapapalapit ka sa dalawang Wolfhard! sheeeet!" Impit na tili ni Elena. "'Yan pa talaga ang inisip mo..." Naiiling na sagot ni Ataska. "Aba syempre, dapat naman may mapala ka sa pagpapakabayani mo. You have atleast sleep with one of them!"ngisi nito. "ELENA!" "EWW!" panabay na bulaslas pa nila ni Margaux na ikinatawa lang ng babae. "Ang boring niyo talagang dalawa." "Alam mo, 'di mo kami katulad ni, Aska," irap ni Margaux dito at muling bumaling sa kaniya. "Tss!" "Teka nga, bakit ba kasi kailangan ikaw pa ang tumingin d'yan sa Finn na yan? bat hindi mismo si Sir? I mean kapatid niya 'yon.." Nagkibit balikat siya. "Hindi siguro sila close? kita niyo naman din paano sumagot si Finn kay Sir na halata namang nagtitimpi... wala din naman siyang sinabi sa'kin about doon at hindi rin ako nagtanong." "Eh, what if may gawin na 'di maganda sa'yo si Finn? alam naman niya reputasyon ng kapatid niya." "Sabihin ko daw sa kaniya... If Finn, do something na hindi ko magustuhan." Tumango-tango ang dalawang babae. "Nakakapagtaka lang si Sir, Mr. Perfect while the young wolfhard is total opposite.. ano kayang dahilan? Hmm.." "Ayan ka naman, Margaux. Masyado kang advanced mag-isip iba-iba lang talaga naka-wired ang utak ng mga tao!" sabat ni Elena. "Eh, bakit ba, anong pakialam m---" "Guys, please..." napahilot siya sa sintido. Ngayon pa ba magtatalo ang dalawang 'to. Sumasakit na ulo niya kakaisip sa gagawin niya. "Just help me na lang please?" Nag-irapan pa ang dalawa bago siya hinatak ng mga ito at inakbayan halos mag-untugan ang noo nila sa lapit ng mga pagmumukha nila. "Here's what you gonna do first..." mahinang usal ni Margaux. Mataman na nakinig lang siya sa sinasabi ng mga kaibigan.. × × × KINAUMAGAHAN pumasok si Ataska ng mas maaga sa daily routine na nakasanayang pagpasok sa university. Ang napag-usapan kasi nila kahapon ang first step, daanin sa mabuting usapan. Well, expected nila sa ugali ni Finn 'di ito nadadaan sa matinong usapan pero mabuti na ring subukan, malay niya biglang maghimala at mapakiusapan ang lalaki. Kipkip ang dalawang piraso ng libro at sukbit ang maliit na back pack. Sumandal si Ataska sa posteng bakal na haligi ng bubong sa pathway. Pasilip-silip kunwari sa binabasang libro. Kagabi pa siya nagdadasal na sana pumasok ang kumag. Hindi pa naman niya alam kung saang lupalop pa ito naglalagi kapag nag-sskip ng class. Sa muling pagsulyap ni Ataska sa gate. Agad na isinara niya ang hawak na libro. Nang makitang naglalakad na si Finn kasama ang mga kaibigan nito na mukhang back up ng lalaki. Gustong tumaas ng mga kilay niya. Paano ba namang hindi? Daig pa nito ang nilatagan ng red carpet at animo naglalakad na santo papa. Humahawi kasi sa pathway at natataranta ang mga taong nadadaanan ng mga ito, kulang na magbigay pugay at yumuko. Nang malapit na ito sa kinatatayuan niya pilit ang ngiting humarang si Ataska sa daraanan ng mga ito. Napansin niyang nagbulungan at nagngisihan ang mga kaibigan nito. Hindi pa yata niya nakakalimutan ang pagsasabwatan ng mga salot na 'to! Huminto sa paglalakad si Finn sa tapat niya. Nag-angat naman siya ng mukha. Sa liit niyang 5'2 halos sa dibdib lang nito umabot ang height niya. Kapag nagkataon walang kahirap-hirap na maihagis siya ng lalaking 'to. Muntik na siya mapangiwi sa naisip ngunit agad niyang nahamig ang sarili. "Can I talk to you?" Diretso ang tingin sa mga mata nitong usal niya. "Uyyyy!" "Bro, iba ka talaga pati si snow white nilalapitan ka na ngayon!" pang-iinis ng mga kasamahan nito. Nagkibit balikat lang si Finn. "Talk." Anito Gustong maghuramentado ng kilay niya pero nagpigil pa din siya. Aska... aska... calm down.. "Tungkol sa Gen. Psych since tayo ang magka-buddy, tingin ko maganda pag-usapan natin---" "Have s*x with me.." putol nito sa sasabihin niya na ikinabigla ni Ataska. Napa-awang pa ang bibig niya sa kagaspangan ng pananalita nito. "What did you say?" "Are you deaf? I said have s*x with me. Kung gusto mong mag compromise tayo sa buddy s**t na 'yan," "Ohhh! Ahhh! Finnn!" "Ang sarap! Sige pa!" "Sige pa ibaon mooooo!" Ungol ng mga kaibigan nitong inimmitate ang boses ng isang babae pagkatapos ay nagtawanan ng malakas. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga estudyanteng dumadaan at nakikiusyoso. Umangat ang sulok ng labi ni Finn. "Ano? Hindi mo kaya?" Namumula ang mukhang hindi na napigilan ni Ataska ang sarili. "Bastos!" Sabay sampal niya ng ubod ng lakas at kumaripas ng takbo. "f**k!!!" malakas na sigaw ni Finn. Ngunit nagpatuloy lang sa mabilis na pagtakbo si Ataska hanggang sa makarating sa classroom na wala pa ni isang estudyante. Nanlalambot at hinihingal na wala sa sariling naglakad siya papasok sa loob ng silid. Naitukod ang mga kamay sa teachers table, nagpapalpitate ang puso siya sa bilis ng pagtakbo sabayan pa ng pagkulo ng dugo para sa lalaking 'yon! Hindi pa man nakakabawi si Ataska nang may magsalita mula sa likuran niya. "Are you okay?" Sa pagkabigla napapihit siya agad paharap only to find out that Fletcher is an inch away from her. Ngayon lang siya naging ganito kalapit sa isang lalaki. 'Yung amoy na amoy niya pinaghalong pabango at bodywash na ginamit nito pangligo... napasandal tuloy siya sa table ng wala sa oras. Ngunit... 'di niya alam kung minamalas ba siya o sinuswerte. Bigla kasi iyon umurong at bago pa siya tuluyang mapaupo sa sahig maagap na hinapit siya ni Fletcher sa beywang "Careful..." bulong nito sa ulunan niya. Hindi na talaga nagfufunction ng maayos ang utak ni Ataska. Nagawa pa niyang tumingala sa lalaki. And it was huge a mistake. Dahil na nakayuko pala ito sa kaniya. Sobrang lapit ng mukha nila. Oh, gosh! Nagdoble yata ang pagpalpitate ng puso niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD