Akmang tatayo si Ataska subalit naunahan siyang dinaganan ng lalaki.
"Hindi ka makakawa---" natigilan ang lalaki sa akmang paghawak sa kamay niya nang tumama sa mukha nito ang heels na ibinato ni Elena. Pumulot din ng maliliit na bato si Margaux at pinagtatapon din iyon sa lalaki..
"Ouch! s**t! s**t!" Nasasakatan salag nito.
Sinamantala niya ang pagkakataon. Inipon niya ang pwersa at lakas saka tinuhod ito ng napaka-lakas sa balls na ikinasigaw at ikinapilipit ng lalaki.
"A-AWW!!! F-f**k!"
"Aska, Lets go!!!" Sigaw ng mga kaibigan niya.
Walang sinayang ng pagkakataon si Ataska nagmamadali siyang tumayo at sumunod kina Elena at Margaux.
"HABULIN NIYO!!!" Narinig niyang sigaw ni Finn.
Nang marating nila ang nakaparadang kotse ni Margaux. Nanginginig ang kamay na pilit nitong isinusuot sa keyhole ang susi.
"S-s**t!"
"Bilis, Marg! Nandiyan na sila!" Sigaw ni Elena.
"WE' RE HERE!!! WE'RE GONNA GET YOU!!" Pakantang sigaw ng mga lalaki.
"MARG! BILIS!"
"Wait lang!!! f**k!"
Halos maiyak at kagat-kagat naman ni Ataska ang mga daliri. Natatarantang nakatingin sa mga lalaking naglalakad papunta sa kanila. Bago pa man makalapit ang mga ito...
"Yes!!!" Malakas na sigaw ni Margaux. Sabay sakay sa kotse nito. In-unlock ang mga pinto para makasakay sila ni Elena sa backseat. Tsaka pinaharurot ang sasakyan palayo.
Muntikan pa ngang masagasaan ang isa sa mga kasamahan ni Finn na sinubukang humarang sa dadaraanan nila.
~♡♡♡~
Kahit malayo-layo na rin ang bin'yhe nila. Panay pa rin ang lingon ni Ataska sa likuran ng sasakyan. Nag-aalalang baka nasundan sila ng mga salot.
"Ghadddd!" Pagal na sumandal si Elena. At hinilot-hilot ang paa na nagka-paltos yata. "Bagong bili ko pa naman 'yon heels na 'yon!" inis na ungol nito. "Bakit ba kasi pinatulan mo pa si Finn, we all know he's a devil!"
Margaux tsked. "Agree! Dapat 'di mo na lang pinansin, Aska! Or atleast we try talk to them calmly. Baka sakaling nakinig."
'Yung mga yon magkikinig? Huh, sisigaw ulit si Nora Aunor ng himala kung mangyari 'yon!
"Ano kayang gagawin sa'tin ng mga 'yon sakaling naabutan tayo?" ani Elena. Bumaling sa kaniya. "At muntik kana kanina, gurl. Pasalamat ka sa heels ko. Diyos ko! Baka ngayon hinihimay ka na ni, Finn!"
Iling-iling naman si Marguax. "I can't believed it. Nasabi mo 'yon ang mga bagay na 'yon, Aska. Knowing you... eh, miminsan ka lang sa isang buwan magalit. Hindi nga yata, eh."
Hindi rin talaga niya maintindihan ang sarili. Kung bakit nakakaya niyang maging matapang sa Finn na 'yon. Oh, baka naman kasi naipon na rin ang kimkim na pagkabwiset niya para sa lalaking 'yon.
"Pero diyos ko, Aska! Sa dami ng pwedeng mong patulan si Finn pa! Mahirap kalaban 'yon!"
"Agree!" Sang-ayon ni Margaux kay Elena. "Mag-sorry ka na lang kay Finn, sa pananampal mo sa kaniya at sa mga sinabi mo kanina. Para hindi ka na gantihan at matapos na lang ang lahat. Malay mo naman tanggapin niya... ikaw din kasi ang mahihirapan, siguradong araw-araw hu-hunting-in ka nun. Tsaka wala naman kasi sa plano 'yon. Ang napag-usapan natin malumanay mo siyang kakausapin!"
Si Ataska naman ang nanlalambot na sumandal sa upuan. "Alukin ba naman kasi ako ng s*x. Sinong hindi makakasampal sa gano'n?"
"REALLY!! Edi sana tinanggap mo na lang! Kung ako sa 'yo-"
"ELENA!!" Sabay na saway sa babae.
"Okay, okay... sorry naman. Nag-susuggest lang, eh..." bubulong-bulong nito.
Naiiling na bumuntong hininga ulit si Ataska. "Tsaka narinig niyo naman mga pinagsasabi niya sa'kin kanina. Kaya hindi ako mag-sosorry. Mali ang mga ginawa niya at kapag nag-sorry ako... lalo lang tataas ang tingin ng lalaking 'yon sa sarili niya. There should be someone that will stand against him."
Taas ang kilay na sumulyap sa kaniya si Margaux mula sa rear view mirror. Maging si Elena.
"And you think, thats you?" Sabay na tanong ng dalawa.
Napangiwi siya. "M-maybe..."
Nagtawanan ang mga ito. Ano naman ba nakakatawa sa sinabi niya?
"Ataska, Ataska... sa lambot mong 'yan at weak na personality, tingin mo susunod sa 'yo si Finn?" ani Marguax.
"True... baka kainin ka niya ng buhay, Friend... careful, careful.. " makahulugang segunda ni Elena.
~♡♡♡~
Sa bar kung saan nagtatrabaho sa gabi. Nagpahatid si Ataska, on the way na din naman kasi at delikado kung siya lang mag-isa. Paano kung nakasunod pala sina Finn.
"Ataska..." kalalabas lang niya ng mula sa locker matapos magpalit uniporme nang lapitan siya ng isang katrabahong lalaki.
"Oh, Tristan?" nakangiting bati niya sa lalaki. May bitbit itong tray na may lamang iba't ibang inumin na order ng mga costumer. Tulad niya isang working student si Tristan. Sabay lang halos sila nagsimula sa bar, mag-iisang taon na ang nakakaraan. Maliit lang naman ang resto na may dalawang palapag. Mura ang mga inumin kaya't madalas kabataan at college student ang costumer nila.
"Nandiyan na naman 'yung costumer mo," nguso nito sa bar counter.
Kumunot ang noo niya't sinundan ng tingin ang sinasabi nito't makita ang tinutukoy ng lalaki.
Si Mr. Sandoval.
Ewan ba niya. Ngunit mas nanaig na naman ang awa niya para sa matandang propesor na nasangkot sa eskandalo four years ago. Ang kwento ng matanda sa kaniya ay natanggalan ito ng lisensya. Maging ang sariling pamilya ay kinamuhian daw ito. Kaya madalas nasa bar. Wala nga siyang pinagsabihan ni isa kay Elena at Margaux na regular costumer niya sa bar ang kontrobersyal na propesor.
"Mag-iingat ka d'yan, manyak daw ang matandang 'yan..." iiling-iling na babala ni Tristan.
Ngumiti siya kay Tristan. "Thank you sa paalala, Tris. But I can take care of myself."
"Basta kung may gawing masama sa'yo 'yan tawagin mo lang ako."
Pilit siyang ngumiti saka tumango-tango. Wala silang bouncer dagdag gastos pa daw sabi ng amo nilang kuripot. Kapag may trouble sa bar mga waiter na lang din ang taga-awat.
"Paano mag-serve muna ako..."
"Go ahead. Baka inaatay na yan ng mga costumer." Nasundan pa niya ng tingin si Tristan bago dumiretso sa bar counter.
Agad nagliwanag ang mukha ng matanda nang makita siyang papasok sa loob ng bar counter.
"Iha! Akala ko'y hindi ka na darating..." nakangiting bati nito sa kaniya.
"Pwede ba naman po iyon? Eh, alam ko pong ganitong araw ay nagpupunta kayo rito," ganting bati niya.
"Marami akong kwento sa'yo, Hija! Alam mo ba yung librong sinabi mo sa'kin noong nakaraang linggo?"
Nakangiting tumango-tango siya. Habang naglalagay na ng alak sa shotglass. "Nabasa na po ninyo?"
"Nabasa ko na... at napaganda nga! Alam mo bang dahil sa librong iyon nalinawan ang namimigat kong kalooban."
"Talaga po? Nakakatuwa naman at may maganda akong naibahagi sa inyo."
"Oo, maraming salamat, iha, ha?" Usal nitong ginagap ang kaniyang kamay. "Kun'di dahil sa'yo baka nalulong na ako ng tuluyan sa depresyon. Napaka-buti mong pagtyagaan na kausapin ako gabi-gabi. Bigyan ng mga payo sa buhay at higit sa lahat hindi mo ako hinusgahan. Tulad ng mga taong nakapaligid sa'kin. Pero naintindihan ko naman iyon dahil napalaking kasalanan ang nagawa ko."
Alam ni Ataska ang mga issue na naugnay sa matanda. Ang mga estudyanteng minolestya nito at ang pagiging womanizer. Ngunit bakit gano'n? Wala siyang maramdaman na malisya sa paghawak nito sa kamay niya. Ang nararamdaman niya'y isang taos pusong pasasalamat mula sa kaibigan.
Ipinatanong niya ang isang kamay sa ibabaw ng kamay. "Wala po 'yon. Lahat tayo nagkakamali, nadadapa at alam kong sa pagkakamaling iyon ay marami po kayong natutunan. At sino ako para humusga? Ang d'yos nga hindi tayo hinuhusgahan instead, nagagawa niya magpatawad."
Pinunasan nito ang sulok ng mga mata.
"Sana'y lahat ng tao katulad mo. At sana'y katulad mo ang mga anak at asawa ko. Napakabuti ng puso at kalooban mo, Ataska. I hope someday mapatawad rin ako ng mga taong nagawan ko ng kasalanan."
Kumuha siya ng tissue at inabot iyon sa matanda tsaka ngumiti. "Nothing is impossible with god, Sir." she tapped his shoulder. "Have faith in him and forgive yourself too. Time will come mapapatawad rin nila kayo."
At tulad nang normal na gabi ni Ataska sa bar. Nag-seserve sa mga costumer ng drinks at kung maluwag ang oras ay kinakausap ang matandang routine na yatang antayin siyang magkapag-out at masigurong safe siyang makakauwi. Kaya minsan hindi niya maisip na nagawa nitong manamantala ng mga estudyante sa university 'cause he does nothing but be a good friend to her.
~♡♡♡~
Nag-aalalang palingon-lingon si Ataska sa mahabang hallway ng psychology building kinaumagahan. Nagdarasal na huwag makasalubong ang grupo ng mga kalalakihang naka-engkwentro kahapon. Medyo nagpatanghali nga siya ng pasok, e. Para masigurong marami nang estudyante pagdating niya sa university. Sakali mang may gawing masama si Finn ay may mga sasaklolo sa kaniya.
Nabutunan ng tinik at nakahinga ng maluwag si Ataska nang makarating siya sa classroom. Iilang piraso pa lang ang estudyante doon. Nakangiti pa siyang pumasok at binati ang mga naroon saka dumiretso sa kaniyang pwesto.Prenteng umupo at pinagmasdan ang silid na unti-unti ng nang napupuno sa pagdating ng mga kaklase.
Mayamaya may kakaiba naramdaman si Ataska sa kaniyang kinauupuan. Pilit niya iyong inignora at nginitian ang kadarating na sina Elena at Margaux.
"Anong nangyari sa'yo? Bat ganyan mukha mo?" tanong ni Elena na isinasabit ang maliit sa back pack nito sa katapat na silya.
Nag-aalalang pinagsalitan niya ang tingin sa mga kaibigan. "G-guys... may problema ako."
"Huh?" Si Margaux
"'Y-yung i-inuupuan ko." She tried to move but got more stuck instead.
Nabitin ang sasabihin ni Elena. Nang pumasok sa classroom ang grupo nina Finn. Nagsisipagsipol na naupo sa pwesto ng mga ito sa kabilang hilera na mga silya.
"s**t! Mukhang may gagawing kalokohan mga 'yan ah? Mag-ingat tayo," mahinang bulong ni Margaux. "Anyway anong problema sinasabi mo?"
"May kalokohan ngang ginawa ang lalaking 'yan!!" ngitngit na bulong niya.
"Ha ano?" sabay na tanong ng dalawa.
Pilit siyang gumalaw ngunit hindi niya ma-i-galaw ang pang-upo. Nakadikit na siya doon!!
"Uy, Aska anong nangyayari sa'yo?"
"They put glue on my chair!!! Di ako makagalaw!" mahinang bulaslas niya sa dalawa.
"WHAT!!!"
Sumulyap siya sa kinaroroonan ng mga alagad ng kadiliman at kitang-kita niya ang malapad na ngisi ng mga ito. Mga salot talaga! Bago siya sumagot sa mga kaibigan. Natuon ang atensyon nila sa kadarating lang na si Fletcher.
"Good morning, Class." Bati nito. Inilapag ang laptop sa table at sumenyas na huwag na silang bumati. "We have graded recitation today. Ang unang pangalan na tatawagin ko ay kailangang tumayo at sagutin ang tanong na aking ibibigay. Malinawag?"
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Aska paano siya tatayo?
Lumibot ulit ang mga mata nito at tumigil sa kaniya. "Ms. Milan, Ataska," anito na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Stand up."
Napangiwi siya. "S-sir..." nag-aalangang sumulyap siya sa mga kaklaseng na ang mga mata'y nagtatakang nakatingin sa kaniya. Dahil sa pananatili niyang nakaupo.
"Uy, Stand up daw!" sigaw ng grupo nina Finn at di nakaligtas sa kaniya ang mahinang natawanan ng mga ito.
Talagang gusto siyang ipahiya.
"Ataska..." nag-aalalang bulong ni Elena at Margaux.
"Ms. Milan, is there something wrong?" Tanong ni Fletcher na inayos ang suot nitong salamin.
Huminga siya malalim tsaka sinubukang tumayo. Ngunit sumama upuan na nakadikit sa pwetan niya, na siyang naging dahilan ng tawanan ng mga kaklase at pinakamalakas ay ang grupo nina Finn.
Pulang-pula tuloy ang mukhang naupo ulit siya. Sa buong buhay niya bukod sa pagkakakita niya sa malaswang tagpo ni Finn sa locker room ngayon lang siya napahiya ng ganito. Pakiramdam niya nanliliit siya at nanlalambot. Nahiling na sana bumuka ang lupa at lamunin na lang siya!
"Whoooa! May separation anxiety yata sila ng upuan niya!" Nagtawanan ulit ang buong klase sa tinuran ng katabi ni Finn.
Sinaway ni Fletcher ang mga estudyante. "Anito saka tumayo at naglakad patungo sa kinauupuan niya. Tahimik na sinundan naman ito ng tingin ng mga kaklase niya.
"What happened?"
Namumula ang mukhang nag-angat niya tingin."S-someone put glue on my chair... I can't get out of this..." nahihiyang sagot niya.
Naiiling na bumaling ito sa nakatanga at naka-awang ang bibig na si Margaux. "Excuse me," ang pwesto nito'y sa tabi ng aisle.
"Huy! Excuse daw!" Mahinang tapik ni Elena sa balikat nito. Natauhan naman si Margaux at nagmamadaling umalis.
Inalayo ni Fletcher ang silya na inupuan ni Margaux at muntik umawang ang mga labi ni Ataska, nang mag-squat ang lalaki sa tabi niya. "I'll hold the chair and you try to stand up again," mahinang usal nito.
Wala sa sariling sunod-sunod na lang siyang napatango. Kahit halos malunod ang sistema niya sa mabangong amoy nito
Nag-angat ito ng mukha. "In the count of three," he grasp on the middle rear and front leg of the metal armchair. "One... two... three..."
Sa pagtayo niya tumunog ang suot niya plits skirt na para bang may napunit na parte at kasunod niyon tumalsik ang butones na nakakabit sa beywang kung nasan naka-squat si Fletcher, mabuti di namaan ang lalaki. Unti-unti naramdaman niya ang pagbaba ng zipper niyon hanggang sa hita niya. Dahilan upang makita ng propesor ang na-exposed na gilid ng maputi niya legs at pink underwear.
Agad siya nitong pinaupo ulit. Umiling-iling. "Sit down."
Masisira kasi ng tuluyan ang suot niyang skirt kung ipipilit niya. Hindi lang 'yon makikitaan pa siya ng buong klase.
"P-paano po, Sir..." naiiyak na usal niya.
Paano ba siya uuwi nito? Wala na yata siya sa sarili. Dahil si Fletcher pa ang nag-angat ng zipper niya bago tumayo at bumaling sa mga kaklase niya.
"All boys go outside." Utos nito. Sumunod naman ang mga kalalakihan. Pero bago lumabas ang grupo nina Finn blanko ang ekspresyong sinulyapan siya ng lalaki.
Sa mga babaeng kaklase naman nalipat ang atensyon ni Fletcher. "Girls, help Ataska removes her skirt." Nagsitanguhan naman ang mga kaklase pagkatapos ay lumipat sa kaniya ang tingin nito.
"I'll get any clothes na pwede mong magamit."
Tumango-tango siya. "T-Thank you, Sir."
Hindi na umimik si Fletcher bago ito umalis.
Nang maiwan silang nga mga kaklaseng babae. Agad siyang tinulungan ng mga itong umalis sa silya. Panty na lang ang natira niyang suot pang-ibaba. Kahit hiyang-hiya, wala magawa si Ataska kundi magkubli sa likuran ng mga kaklaseng babae habang inaatay si Fletcher. Masisira lang kasi ang skirt niya kung pipiliting alisin iyon sa silya. Matindi ang pandikit na ginamit at mukhang matindi rin ang galit sa kaniya ng kung sinoman ang gumawa nun.
Kun'di rin kasi siya tanga bakit hindi niya man lang niya napansin? Sabagay, sinong may matinong pag-iisip ang gagawa ng ganun. Nagngitngit na gumitaw sa isipan niya ang nakangising grupo nina Finn.
Walang ibang gagawa nito sa kaniya. Kundi ang mga salot na 'yon. Dapat maging handa siya. Malamang hindi lang ito ang kalokohan na maaring gawin ng lalaking 'yon.
ILANG sandali pa ang inantay nila bago ipinaabot ni Fletcher sa isang kaklase ang pants na mabuti ay kumasya sa kaniya.
Nang magsibalik na ang lahat sa classroom. Win-arning-an nito buong klase. Kapag ka raw naulit pa iyon at malaman nito kung sinong may kagagawan ay magkakaroon daw karampatang parusa.
Kahit kilala na ni Ataska ang tunay na salarin. Pinili niyang manahimik na lang. Mahirap na kasi wala pa silang pruweba.
~♡♡♡~
"Grabeeeee!!" Exaggerated na tili ni Elena.
Hinampas ito ni Margaux sa braso. "Ang OA mo!"
Naglalakad sila papuntang sa auditorium. Nagkaroon kasi ng annoucement pagkatapos klase ay magkakaroon daw ng meeting para sa nalalapit na biggest school charity event. At ang departamento nila ang napiling mag-organize.
"Ikaw ba naman, luhuran ni Sir!!! Pucha!" muling tili. "Kung ako yun! Baka himatayin ako!" Sabay yugyog sa braso niya. Kinikilig.
Nangingiting napa-iling na lang si Ataska. Hindi niya masisisi si Elena, siya nga akala niya magcocollapse siya. Lalo na no'ng noong itinaas nito ang zipper ng plitz skirt niya at hindi sadyang dumaiti ang balat sa legs niya. She felt a heat run down her body.
"Tsss!" Irap dito ni Marguax."
Natatawang umirap din si Elena sa babae. "Tss, ka d'yan! Inggit siya, eh!"
Umawat na si Ataska bago pa mauwi sa away ang dalawa. "Guys, ayan na naman kayo, mauuwi na naman sa away yan-"
Hindi niya naituloy ang nais sabihin nang sabay-sabay silang matigilan sa paglalakad. Para silang nakakita ng multo.
Paano ba naman kasi naglalakad palapit sa kanila si Finn, mag-isa lang ang lalaki at may nakapaskil na friendly smile sa mga labi.
"Anong nangyari diyan?" bulong ni Margaux.
"Baka nakainom ng holy water at magbabagong buhay na?" segunda ni Elena.
Naglipat-lipat ang tingin niya sa dalawang kaibigan at bumalik kay Finn. Iba ang sinasabi ng instinct niya, eh.
Ano naman kayang binabalak ng lalaking 'to?