MABILIS na nakapag-adjust si Ataska sa trabaho niya sa bar. Sa totoo lang, sanay naman siya sa ganitong night life, sa puyat, maingay at mausok na paligid maging ang pagtimpla ng simpleng mga inumin ay kabisado na niya dahil na rin sa dating trabaho. Madalas ngang sabihin ni Savannah at ng mga katrabahong fast learner daw siya at very attentive. Something that she's happy with dahil nagugustuhan ng mga ito yung pinapakita niyang effort. Ngayon lang din niya na-feel yung at 'home feeling'. Sobrang nakakasundo niya ang mga ka-trabaho at parang mga ate at kuya ang dating sa kaniya. Napaka-bait din ng owner, dahil alam nitong working student siya. Maaga sa takdang oras ang out ni Ataska para daw makatulog pa siya bago pumasok sa unang subject. Hindi niya alam kung ibinilin ba siya dito ni Fl

