"What? No way!" Diyos ko po! Para lang silang mga batang magbabahay-bahayan. Hindi niya tuloy alam kung sinasakyan lang siya ng kumag na 'to! "No way?" Umangat ang sulok ng labi nito at bumaba ang tingin sa batang karga. "Little Moana needs a daddy!" Tumirik ang mata ni Ataska. Kanina lang nilalait nito ang mga disney princess niya. "Now look who's talking, huh? Kanina lang sinasabi mo.. f**k disney, f*uck perfect prince—" "Say that again.." putol nito sa sinasabi niya. "Alin?" "That F word... I liked it how you said it..." Namula ang pisngi ni Ataska. Pinagdiinan pa talaga niya ang F word na yun! "A-alam mo ang BI mo!" "What did I do?" maang-maangan nito. Halata ang pagpipigil na matawa. "Tinuturuan mo lang naman akong—" "Cassie, baby!!!" Sabay silang napalingon sa kanilang li

