"Halina't pumasok na nga muna kayo sa loob at nagluto ako ng pananghalian!" anyaya ng matanda na sumunod kay Fletcher at sa babaeng nakakuyapit dito papanhik sa loob ng beach house. Kahit nakakaramdam ng kurot sa dibdib dahil sa masamang tanawin. Hindi napigilang humanga ni Ataska habang inililibot ang paningin sa paligid. Kung maganda iyon sa labas, 'di hamak na mas maganda sa loob ang beach house. Malawak at mahaba ang salas na may naglalakihang glass window. Nakabukas ang iyon kaya't malayang nakakapasok ang sariwang simoy ng hanging tinatangay ang maninipis na puting kurtinang at mula sa kinatatayuan nila'y tanaw ang napakagandang dalampasigan at karagatan. Ang mga dingding at pader ay napipinturahan ng kulay krema habang ang kisame naman ay puti, nakadagdag aliwalas sa paligid. M

