SA ISANG PIZZA PARLOR dinala ni Fletcher si Ataska. Unang beses niyang makapasok doon. Nagkakasya lang kasi sa food stab na galing sa part time sa university at alam niyang may kamahalan ang mga pagkain sa naturang pizza parlor, wala siyang pambili. Hindi na nga niya matandaan kung kailan pa siya huling nakakain ng pizza. Sa bakanteng mesa sa sulok na bahagi ng restaurant sila pumwesto. Nakangiting lumapit ang waiter na nakasuot ng red and white checkered long sleeve. Nakatupi hanggang siko ang manggas at may pulang apron. "Sir, Ma'am, here's our menu." Kinuha nila ang inaabot nitong na menu book bago nagpaalam na umalis. It feels cozy inside the restaurant. 80's retro style a with touch of vintage ang themed. From ceiling to wall ay gawa sa retro red brick. Ang flooring ay checkered o

