TUMINGALA si Fletcher kay Ataska na nakatayo sa ulunan nito. Ngitian niya ang babae at hinaplos sa binti. "Come here. Sit beside me." Sumunod ang dalaga at nag-indian sit sa tabi ng binata. Nakahiga ito sa batuhan. Hubad baro ang pang-itaas, nakaunan sa isang braso habang natunghay sa asul at maaliwalas na kalangitan. Matapos ang mainit na pagtatalik. Agad nagbihis ang dalawa. Dahil basa na ang suot na dress ni Ataska ang puting tshirt ni Fletcher ang ipinagamit sa kaniya ng lalaki. Pribadong pag-aari man kasi iyon. Hindi malayong mangyari na maaring may maligaw na tauhan doon. Lalo't tapos na ang pananghalian baka hinahanap na sila nina Tata Nanding. Lalo't umalis sila ng walang paalam. Katahimikan ang namagitan sa paligid. Tanging ang lumalasgas na tubig mula sa talon, mga huni ng

