PAGBUKAS ni Ataska ng pintuan. Nagulat at nagtaka siya ng mabungaran sa labas niyon si Ginger at Fletcher. Anong ginagawa ng dalawang 'to sa apartment niya? At bakit sila magkasama. Lumipad ang tingin ni Fletcher sa likod niya ng maramdaman niya doon ang presensya ni Finn. Tumiim ang titig nito sa kapatid bago bumalik sa kaniya. Naiilang na nag-iwas naman ng tingin si Ataska. Sa paraan ng pagtitig nito parang inuusig siya, na akala mo may ginawa siyang kasalanan dito. "Wait.. did we interupt something?" nakangising tanong ni Ginger, pinaglilipat ang tingin sa kanila ni Finn. Fletcher is just standing beside Ginger, unemotional. Umiling-iling si Ataska. "No. O-of course not—" "Tsss.. what are you doing here?" putol ni Finn sa sinasabi niya. Saglit na sinulyapan ang nakatatandang kapat

