A Woman in Disguise

1289 Words
"Ah..saan ba ako puwedeng maligo?" "Sa may batis. Kumain ka na muna. Mamaya pagbalik ko sasamahan kita doon. Kailangan ko din maligo," ani Quiero. Sasabay sa akin, ganoon? Hindi na siya nakapagreklamo dahil tinalikuran na siya ng binata. Bubulong-bulong na pumasok siya ng tent. Bumulaga sa kanya ang maraming pagkain sa mesa. Kahit isang linggo siyang kumain hindi mauubos iyon sa dami. Noon naalalang magparamdam ng tiyan niya. Not wasting any second, she dug in. Nakailang dighay din si Cara nang matapos. Pero mukhang walang bawas ang pagkain. Ang kaninang buong manok na binawasan niya ay buo na ulit. Napamulagat siya. Kumuha siya ng isang pakpak. Pagtingin niya ay may panibagong pakpak siyang nakita ulit. Tinubuan ng bago? "Mahiwaga ang mesang 'yan. Hindi nauubusan ng pagkain," ani Quiero. Isa-isang hinubad ng binata ang suot na armor. Hanggang sa damit na lang nito ang natira. Hindi siya nagkamali, well-built si Quiero sa ilalim ng baluti. "Ah. Ang galing naman." Pabagsak na nahiga ang binata sa higaan. Nakalaylay ang binti nito sa sahig. Kapagkuwa'y bumangon at tinitigan siya. "Malaki itong higaan, kasya tayong dalawa. Iidlip na muna ako. Kapag handa ka nang maligo, pakigising ako." Ano raw? Share kami sa higaan? Nooooo! Tiningnan niya ang sinasabing higaan. Kahit malaking tao si Quiero ay hindi nito nasakop lahat. Malaki pa ang lugar. Puwede. Isa pa, lalaki siya sa tingin ng binata. Hindi siya manganganib o ano pa man. Mamaya na lang siya maliligo. Busog na busog pa siya. Hihintayin na muna niyang bumaba ang kinain. Inilabas niya ang damit mula sa backpack niya. Napasulyap siya sa diary ng ama. Paulit-ulit ang bilin sa kanya ni Cadmus bago umalis. Huwag siyang magtitiwala kahit kanino maliban kay Aletha o Horgrem. Pero wala siyang pagpipilian. It's either lapain siya ng mababangis na hayop sa gubat o makipagsapalaran sa company ni Quiero. Pagsulpot na pagsulpot niya sa Plera ay may nakaabang na sa kanya. Hindi niya alam kung paano nilang nasiguro na doon siya dadalhin ng portal ng ama. Masuwerte pa rin siya dahil nakatagpo niya sina Quiero at Yael. It's the devil or the deep blue sea. She chose the devil that is Quiero. Handa na siyang maligo kaya ginising na niya si Quiero. Pupungas-pungas na bumangon ang binata. Pagkatapos ng tatlong inat at walang katapusang hikab ay umalis na sila. Ang ipinagtataka niya ay hindi niya dinig ang ingay ng batis. "Nahaharang ng mga bato ang ingay. Malaman mo kung bakit 'pag narating natin ang lugar," ani Quiero. Gaya ng sinabi ni Quiero, napapalibutan ng mga bato ang batis. Itim ang kulay ng mga iyon. Maingay ang lagaslas ng tubig pero hindi masyado. Ayon sa binata ay ang katangian ng mga bato ang dahilan noon. "Soundproofing quality? Ang galing!" "Ano 'yung soundproofing?" "Naku paano ba 'to, ang hirap ipaliwanag. Ano, gaya ng mga batong 'yan. 'Yung tipong parang pinipigilan nila na makalabas o kumalat ang tunog." "Ah." "Kuha mo?" paniniyak ni Cara. Umiling si Quiero. "Ako rin hindi eh." "Maligo ka na. Bahala kang pumili ng puwesto mo hindi naman malalim d'yan." "Pero wala akong makita," reklamo niya. "Nakalimutan kong mortal ka pala." "Ay sori naman kamahalan, wala po akong mahika kagaya ninyo," patuyang sabi ni Cara. Hindi siya pinatulan ni Quiero. Sa halip ay pumikit ito at ibinuka ang kanang kamay. May kung anong inusal ang binata. Hindi nagtagal ay nabuhay ang isang bola ng apoy sa palad ng lalaki. Kulay lila din iyon kagaya ng apoy sa tent. Kasinglaki lang ng kamao niya ang mga bola. Sunod-sunod ang paglitawan ng mga iyon. Apat na bolang apoy ang ginawa ni Quiero. Nagsayaw sa hangin ang apoy, waring naghihintay ng utos. Itinaboy ng kamay ng binata ang mga bola. Nagsikalat ang mga iyon, kanya-kanyang talilis. ********** "Puwede na ba 'yan?" tanong niya sa kasama. Tango ang isinagot ng bihag. "Maligo ka na. Dito na ako pupwesto." "Salamat." Tumalikod na ang bihag nang may maalala siya. "Ano nga pala ang pangalan mo? "Ha? Ah...C-Carl. Carl ang pangalan ko." "Carl. Kakaibang pangalan. Sige na," taboy niya kay Carl. Ilang minuto rin siyang nagbabad sa maligamgam na tubig. Nang muli niyang lingunin si Carl ay nakatago ito sa likod ng bato. Kumunot ang noo ni Quiero. Hindi kaya tama ang hinala niyang binabae si Carl? Kung magkikilos ito ay parang babae. Idagdag pa na maliit ang lalaki. Sa haba ng buhok mapagkakamalan mong babae 'pag nakatalikod. Naipilig ni Quiero ang ulo. Hindi na niya problema kung ano man ang kasarian ni Carl. Mas marami siyang dapat pagtuunan ng pansin. Partikular ang babae sa kanyang pangitain. Kailangan niyang mahanap ang babaeng iyon. Para sa ikatatahimik ng kalooban niya. Para na rin matanggap niya ang napipintong kamatayan. Gusto niyang malaman kung karapat-dapat bang pagbuwisan niya iyon ng buhay. Sinabihan na siya ng ina na tigilan ang paghahanap. Ngunit hindi niya magawa. Lagi na lang siyang dinadalaw ng mukha ng babaeng iyon. Kaya siya madalas na umaalis ay para hanapin ang misteryosang babae. Hindi niya ginustong magkaroon ng ganoong kakayahan. Kung puwedeng ipamigay, nagawa na niya noon pa. Dati rati'y hindi siya nababagabag sa anumang nakikita. Ngunit nang makita niya ang sariling kamatayan ay inalipin na siya ng takot. Wala siyang pinagsabihan sa kakayahan maliban sa Sibilla. Akala niya matutulungan siya nito. Ang tanging sinabi ni Piedra ay yakapin ang kakayahan. Ayaw niya. Hindi siya para sa buhay na iyon. Tama na ang kanyang ina. Ayaw niyang maging susunod na Sibilla. Kuntento na siya bilang Quiero Draknos, tagapagmana ni Lemurion Draknos sa trono ng Iv. Nagpasya siyang sapat na ang itinagal nila sa batis. Umahon siya para tawagin si Carl. Para lang matigilan sa nakita. Wala si Carl sa likod ng bato, ang naroroon ay isang babae. Kinusot ni Quiero ang mga mata. Gusto niyang makasiguro na hindi siya nagkamali ng tingin. Bilugan ang balakang, malantik ang hubad na baywang. Babae talaga ang nakita niya. Ngunit paanong nangyari 'yon? Si Carl ang nakapuwesto sa likod ng bato. Isa lang ang paraan para makasiguro. "Carl?" Napaupo si Carl sa tubig. Lubog na ngayon ang buong katawan, ulo na lang ang nakalitaw. Lumingon ang lalaki sa kanya. "A-ano 'yon?" Saglit na hindi nakasagot si Quiero. Boses lalaki ang sumagot sa kanya. Ibig sabihin nagkamali siya. Sa hindi malamang dahilan ay nakahinga siya ng maluwag. "Kailangan na nating bumalik sa kampo." "S-sige. Paahon na'ko." Sabay nilang tinalunton ang daan pabalik sa kampo. Hindi na muna pinatay ni Quiero ang apat na bolang apoy. Mangangapa si Carl sa daan kung wala iyon. Habang naghahandang matulog ay panay ang sulyap niya kay Carl. Sigurado siyang babae ang nakita niya kanina sa batis. Pero nang muli siyang kumurap ay lalaki na ulit. May itinatagong mahika ba ang kasama? Nasa ganoon siyang pag-iisip nang tumikhim si Carl. "Puwede bang patayin ang apoy mamaya? Hindi kasi ako makatulog 'pag may ilaw." "Puwedeng walang ilaw dito sa loob. Pero sa labas ay kailangang nakasindi. Maraming mababangis na mga hayop sa bahaging ito. Makakatulong ang apoy para iwasan nila itong kampo," paliwanag niya. "Sige. Salamat." Umayos na siya para mahiga. Pinatay na niya ang ilaw. Ganoon pa man, bahagyang maliwanag pa rin. Biling-baliktad naman si Carl sa higaan. Naninibago marahil ang mortal. Pumikit na rin siya. Ngayon na niya nararamdaman ang paghabol ng pagod sa kanyang katawan. "Umpph!" Isang katawan ang bumagsak sa ibabaw niya. Pakiramdam ni Quiero ay sinikmuraan siya. "Naku sori! Nabuhol sa kumot 'yung paa ko. Iinom sana ako ng tubig," paliwanag ni Carl. Nakangiwing tumango si Quiero. Hindi sinasadyang napahawak siya sa tagiliran ni Carl. Ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang maramdaman ang dalawang umbok sa kanyang dibdib. Babae. May dibdib, bilugang balakang, malalantik na pilik-mata. Nandidilat ang mga matang nagkatinginan silang dalawa. "Babae ka?!" bulalas ni Quiero. Nakangiwing niyuko ni Carl ang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD