ELEVATOR

556 Words
ELEVATOR BY. msziah11 Kasalukuyan naglalaro ng mobile legends ang boyfriend kong si Matt. "Mahal ko?" Umupo ako sa tabi nya tsaka sumimangot. "Bakit mahal? May problema ba?" Alalang sabi nya tsaka hinome ang cellphone nya. "O diba on game ka? Bakit mo naman hinome-- "Kase malungkot yung mahal ko" sabi nya na di manlang ako pinatapos sa sasabihin ko. "E pano ung game mo?" Takang tanong ko sakanya. "Ano kaba Mahal? Mas mahalaga ka kesa sa laro ko okay?" Sabi pa nya tsaka pinisil pisil ang ilong ko. Ganyan kasweet ang Boyfriend kong si Matt. Lagi nyang pinaparamdam sakin na sobrang halaga ko. "Eileen ? May game kame mamaya ng basketball ha? Dapat nandun ka tapos dapat ichicheer moko." Nakangiting sabi ni Matt sakin. Tinignan ko sya na parang nagtataka. "Huh? Bakit naman--- "Syempre ikaw ung energy ko. Pano ko naman mapapanalo ung laro kung wala dun ung lakas ko? Mahal manghihina ako." Sabi pa nya tsaka humawak sa dibdib nya na parang may masakit doon. Naramdaman ko ang unti unting pag init ng pisngi ko kaya nagiwas ako ng tingin. Pambihira tong lalaking ito. Papatayin yata ko sa sobrang kilig e. "Oo. Ichicheer kita dun." Sabi ko tsaka tumingin ulit sakanya tsaka ngumiti. Hinawakan nya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay nya tsaka tinitignan ako sa mata. "Mahal na mahal na mahal kita Eileen ." Sabi nya habang nakatingin padin sa mata ko. Kinikilig ako omaygad. "Mas mahal na mahal na mahal na mahal kita." Tinitigan ko sya sa mata habang sinasabi yon. Then suddenly he kissed me. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Damn it. Im so damn inlove with this man. Days Months And years have passed. Unti unti kong nararamdaman ang pagbabago ni Matt. Unti unting nanlamig ang pakikitungo nya saken. To the point na hinahayaan na nyang lumipas ang isang araw na di kame naguusap. Next week na ang 3rd anniversary namin ni Matt pero halos mag iisang linggo na kaming di nag kikita at hindi nag uusap. Days passed. Today is our 3rd anniversary so nag decide ako na isurprice sya sa condo nya. 'magpo propose ako sakanya' Well, I guess di lang naman lalaki ang pwede mag propose. Dali dali akong bumaba ng condo ko dala dala ang singsing. "TAXI." Sabi ko habang pinapara ang taxi na padaan sa harap ko. Huminto ito sa harap ko kaya pumasok ako at umupo sa backseat. "Kuya sa may block 3 po." Sabi ko na tinanguan naman nung manong. Nilabas ko ang singsing mula sa bag ko tsaka tinitigan. 'ano kayang reaksyon nya' "Ah kuya sa tabi nalang ho, salamat" sabi ko tsaka inabot ang bayad. Bumaba ako ng taxi tsaka naglakad papunta sa condo ni matt. Sa 5th floor ung condo nya and nasa 2nd floor palang ako kaya napagdesisyonan kong gumamit ng elevator. Pinindot ko yon tsaka hinintay na bumukas. Dahan dahan itong bumukas kasabay nang dahan dahang pagkadurog ko. I thought sya ung susorpresahin ko pero ako ung nasurpresa nya. I saw him kissing someone passionately. Damn that hurts. Parang bumagal ang oras sa paligid. "Matt.." Ang tanging sambit ko na nakakuha ng atensyon ni Matt. Mabilis na naghiwalay ang mga labi nila. "Eileen , let me explain-- Di ko na pinatapos ang sasabihin nya. "Happy 3rd anniversary Matt" Kasabay non ay ang muling pagsara ng elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD