Masama ang tingin ko sa kanya habang nagdadrive. Salungat naman ang kanyang ekspresyon dahil ang laki ng ngisi nito. Nakahalukipkip ako sa aking upuan. Siya naman ay hawak ang manibela sa kaliwang kamay at ang kanan naman ay nakapatong sa may bintana habang pinaglalaruan ang kanyang ibabang labi. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ikaw ba ang nagsira ng sasakyan ko?" Tumawa siya. "Baby, what are you saying? Tinulungan ko pa nga si Manong Roy na ayusin ang sasakyan mo." Pinaningkitan ko siya ng mata dahil hindi pa ako naniniwala. Something's not right. He looks guilty right now. "Hmm, nakakapagtaka lang na kung kailan papasok na tayo ay biglang nasira ang sasakyan ko. Isa pa ay alagang alaga ni Manong Roy iyon." "Baby, don't think too much. Ayaw mo bang magkasama tayo ngayong pumasok?" Kin

