Lumabas kami ng reastaurant na magkahawak ang kamay na may ngiti sa aming mga labi. Hawak niya ang bulaklak na binigay niya sa akin dahil nahihiya akong bibitin ito. Dahil maaga pa ay nag ikot ikot muna kami. Kinulit ko siya kanina pagtapos ko siyang sagutin. Gusto ko sana siyang bilhan din ng regalo pero ang sabi niya ay huwag na. "Please, Ali. Let me buy you a gift." "No, baby. Huwag mo na akong bilhan ng ibang bagay. Sapat na, na sinagot mo ako." Tinitigan niya ako at hinigpiran ang hawak sa aking kamay. Napanguso ako dahil sa kakornihan niya. Para siyang matanda sa mga banat niya. Bumili na lang ako ng pasalubong ni Mang Boy dahil siya lang ang naiiwan sa bahay tuwing linggo. Nagtalo pa kami ni Ali dahil gusto niya na siya ang magbayad. Sa huli ay ako naman ang nanalo. Pauwi na

