Chapter 1

959 Words
"Ouch!" Sinipa ko ulit siya. "f**k!" Tumama ang heels ko sa tuhod niya at napatawa ako ng malakas. Tinakpan ko ang bibig ko ng mapalingon samin si daddy. Si mommy naman ang nagreact at sinigawan kaming dalawa. "Ali and Seleena! Stop both of you!" Napanguso ako. Hmp! Hindi pa ako nakakabawi ng mas malakas. Mamaya ka sa akin. Kasalukuyan kaming kumakain sa aming dining at hindi namin napigilan ang magsipaan. Kahit tingin pa lang ay alam mo nang hindi kami magkasundo. Nainis ako sa sama ng tingin niya sa akin kaya hayun, sinipa ko sa ilalim ng lamesa at sinipa naman niya ako pabalik! I stared him again with my almond brown eyes. Ipapakita ko sa kanya ang galit ko araw araw. Oo! Galit na galit ako sa kanya! Hindi ko alam pero kapag may kausap lang siya na babae parang gusto ko ng magwala. Oo alam ko! 18 na ako at siya lang ang naging crush ko. Kaya inis na inis ako sa kanya. Kahit anong gawin kong magkagusto sa iba ay walang effect. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng atraksyon. Kinakabahan ako kapag tinititigan niya ako at nawawala naman ako sa focus kapag hinahawakan niya. "What?" Mahina pero nangigigil niyang tanong para hindi mapansin nina mommy at daddy na palihim kaming nag aaway. Tinignan ko pa rin siya ng masama habang kumakain ako. Naiinis pa rin ako sa kanya! Nakita ko sila nong classmate niya sa may library at tinuturuan niya "daw" sa assignment nila. With matching akbay pa! Hmp! Kapag ako naman ang magpapatulong e ayaw niya. Ayaw niyang lumapit sa akin na parang nandidiri. Tapos na akong kumain at humalukipkip ako sa aking upuan. Naiinip na ako at gusto ko ng umakyat. Ang tagal nilang matapos kumain. Nakakabastos naman sa kanila kapag umalis na ako ng hindi pa sila dapos, baka tuluyan na akong masabunutan ni mommy. "Seleena, are you done?" Tanong ni daddy ng mapansing bored na bored na ako. Tumango ako sa kanya at humikab. "Both of you." Turo niya sa aming dalawa ni Ali. "Go upstairs and clean yourself. We'll meet at the library in one hour." "What? Dad para san naman 'yan? I'm tired, can you please spare me with that. I wanna sleep so bad." Palabi at pagpapacute ko kay daddy kasi puyat na puyat ako kagabi kaka-stalk sa mga babae ni Ali. "No Seleena. I'll meet you both in the library in an hour." Padiin at paulit na sagot ni daddy "And, that's final." Sabay tayo niya sa upuan at umalis. Napasimangot ako dahil wala akong magagawa kung hindi sumunod. Lumapit sakin si mom and she kissed my hair. "Don't be too hard headed anak, mabilis lang 'yon." Hinalikan niya din sa buhok si Ali at malungkot na ngumiti sa akin bago sumunod kay dad. Naiwan kaming dalawa ni Ali. Inirapan ko siya at iniwan ko sa hapag mag isa. Nagsimula ng maglakad papunta sa aking kwarto. "Ano nanaman bang problema ni daddy. May problema nanaman ba sila sa work nila?" Pabulong na tanong ko sa sarili ko habang paakyat ng hagdan. "Don't think too much. Your brain would shut down." Nakangisi niyang lulan sa akin habang sinasabayan ako sa paag akyat. "Excuse me. I'm not talking to you." Sinuntok ko siya sa braso niya at sabay takbo papasok sa kwarto ko. Napangisi ako nung narealize ko na nakaisa ako sa kanya. Yes! Dumiretso ako sa cr at nagshower. Pero hanggang ngayon abot pa rin ang ngiti ko kasi nahampas ko siya sa braso. Pero wait lang, may muscles ang braso niya? Bakit ang tigas? Nag g-gym ba siya? Basketball player siya, talaga bang nagkakaroon sila ng mga muscles? Bigla akong namula sa iniisip ko. "Oh my gosh, Seleena! Stop it." Bulong ko sa aking sarili habang umiiling. Napakawak ako sa pisngi ko kasi bigla itong nag init. Pinagpatuloy ko lang ang pagkuskos sa katawan ko. Sa sobrang inis hindi ko namalayan sobrang pula na pala ng aking balat. "Damn you Ali! Kahit ba naman sa pagligo nandito ka sa isip ko!" Pumikit na lang ako ng mariin at mabilis na tinapos ang pagligo. Habang pinapatuyo ko ang aking buhok ay bigla akong natulala at naisip, kelan ba nag umpisa ang paghanga ko kay Ali? Ali became part of our family when I was 8 years old and he was 13. I don't know the whole story but Mom, Dad and his nanay were best friend when they in were college. That's it, hindi ko na alam. They kept me in the dark. Basta na lang pinaampon ng nanay ni Ali dito. Tama bang ipaampon ang anak niya dito? One time I asked dad about this but, he told me I was still young and I wouldn't understand. Mahina ako sa school pero hindi naman siguro ako bobo sa parteng 'yan. Kaya tumindi lalo ang galit ko sa kanya, kasi ano? Hindi ako kasama sa secret nila? Nasa kanya na nga ang lahat ng atensyon ng mga magulang ko. Kaya hindi talaga kami magkasundo kasi malalim at may hugot talaga ang galit ko sa kanya. He tried to get close to me but I always hissed at him. May maliit lang siya magawang mali ay galit na galit na ako. Pero yung galit kong ito, natuloy sa paghanga. Napabuntong hininga na lang ako. Maya maya lamang ay nakarinig na ako ng katok. "Seleena, quit daydreaming. You're father wants us to go to the library now!" Sigaw niya sa likod ng pinto at narinig ko ang mga bagsak ng paa niya na mabilis nagmartsa paalis. I look up at time and it's already quarter to 8. What? It's been an hour? Tumunganga ako sa banyo ng isang oras? Napamura na lang ako sa isip ko at mabilis na nag ayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD