Pagkababa ko ay naabutan ko siyang hinahanda ang pagkakainan namin. Umupo na kami at sinandukan niya ako ng fried rice. Tumayo ulit siya para kumuha ng tubig. Napangiti ako dahil maasikaso talaga siya. Araw-araw akong naiinlove sa kanya. "Malapit na pala ang midterms. Humabol tayo mamaya sa lesson mo para makapag review." Tumango ako habang kumakain. Naalala ko na isang beses ay tamad na akong magpatuloy sa pagrereview namin. Nagtatampo pa rin ako sa mga magulang ko at ayaw ko na silang sundin. Pero pinagsabihan niya lang ako. Gawin ko daw ito para sa sarili ko at huwag sa ibang daon. It's a very good thing that we gotten so close. Good influence siya sa pag-aaral ko at gusto niya na magfocus talaga ako. "Seleena?" Tawag ni Mang Roy habang papasok sa kusina galing sa garahe. "Yes po,

