Buong gabi ako hindi nakatulog. I miss this feeling na 'yong sobrang saya, bawat t***k ng puso ko ay ramdam na ramdam ko. Excited akong makita siya kaya maaga akong nagluto para sa kaniya. I am proud to tell her na marunong na akong magluto. Hindi na siya mapapagod sa 'kin. Pagkatapos kong magluto ng breakfast naligo ako. Gusto kong maging mabango para sa kaniya. Inayos ko ang buhok ko ng mabuti at ngumiwi ng sobrang sama talaga ng mukha ko. May pasa ako sa pisngi, sa gilid ng labi, ang kilay ko na pumutok at tiningnan ko kanina ang nasa bandang tiyan ko, dahil meron din. "Gawa lang 'yan ng pagmamahal mo sa kaniya, Anton," bulong ko sa sarili at ngumiti. Pinapagaan ko lang ang sarili ko, "Pero baka hindi niya ako magustuhan ulit. Ang pangit ko na," I cupped my face, groaning. Umiling

