“’Wag kang lumabas ng bahay, Carmelita,” sabi niya na may diin. Napalabi naman ako, “Naiintindihan mo?” tanong niya. “Oo, ilang ulit mo ba ‘yan sasabihin sa ‘kin?” tanong ko na may inis sa tinig. “Hanggang pumasok sa kukute mo ang sinabi ko. Dahil the last time I told you not to go out, lumabas ka pa rin,” sabi niya. I heard him gritting his teeth. I rolled my eyes, “Edi ‘wag kang magdala ng babae dito,” tugon ko. Sumama ang tingin niya sa ‘kin. Mabilis kong kinuha ang nakasampay na coat sa kaniyang braso. Tumalikod naman siya sa ‘kin para suotin ito. “Kapag nalaman ko pang lumabas ka sa bahay na ‘to na hindi ko sinasabi ay bubugbugin ko ang lalaking nakatira sa kabilang unit,” wika niya. Umismid naman ako. “’Wag ka ngang mandamay ng ibang tao, nandadamay ka hindi ko nga kilala ‘y

