IBINIGAY ni Nicholo kay Lawin ang tangan na mini bottle na mayroong laman na sample ng gatas na tinimpla ni Berna para ipainom sana kay Gracie. Umupo siya sa isa pang swivel chair at hinanap ang recording ng CCTV na naka-monitor sa hallway ng second floor. Mula sa kinalalagyan ng camera ay kitang-kita ang bahagi ng pinagtataguan ng aninong nakita niya sa kaniyang peripheral view kanina. Napailing na lang siya nang makumpirma ang hinala. “Save this feed. Make sure na naka-record ang lahat ng video feeds from day one natin dito sa mansyon,” utos niya kay Lawin. “Inside job ‘to, Stealth. Masyadong delikado para sa magtiya na manatili sila rito sa mansyon maliban na lang kung dadalhin mo sa presinto ang mga kasama nila rito para imbestigahan,” nakakunot-noong pahayag ni Lawin habang isinisi

