HALOS kababa lang ni Nicholo ng telepono nang marinig niya ang malakas na pagtawag ni Gracie sa pangalan niya. Lalo pang napakuno ang noo niya nang makita ang paghangos nito papalabas ng bahay para siguro hanapin siya. "Daddy Cole! Daddy Cole!" patuloy na pagtawag nito sa kaniya. Mabilis niya itong sinalubong hanggang sa magtagpo sila sa may front porch. "What's wrong?" kaagad niyang tanong paglapit dito. "My mom!" anito saka siya hinaltak pabalik sa loob ng bahay. "What happened?" Agad siyang nilukob ng kaba habang binabagtas nila ang daan patungo sa kusina. "She's bleeding!" tugon ni Gracie. "What?" Lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya sa sinabi ng bata. "Kata! What happened?" agad niyang tanong pagdating nila sa bungad ng kusina. Nadatnan nilang nakaharap sa lababo si Katari

