Mabilis kong tinungga yung baso na may lamang alak, naramdaman ko ang pagguhit ng pait sa lalamunan ko s**t!
Pakiramdam ko bumalik lahat sa alaala ko yung mga nangyari last time na malasing ako.
Mabilis kong pinilig ang ulo ko para maalis sa isip ko yun, tama na zy, nasa nakaraan na.
"Dahan-dahan sa pag-inom" lumingon ako kay Carl saka ngumiti.
"Minsan lang to HAHAHAHA!"
"Hahatid kita mamaya" tumango naman ako saka uminom uli.
Ramdam ko ang pag-ikot ng paningin ko nung tumayo ako kaya mabilis akong inalalayan ni carl.
"San ka pupunta?" Bulong ni Carl habang nakayapos sa bewang ko.
I unconsciously parted my lips.
Kitang kita ko kung pano nya tinitigan yung mga labi ko bago ako tiningnan sa mata, napalunok ako, mabilis akong humiwalay sa kanya ng maalala kung anong posisyon namin.
"C-cr" mahinang sabi ko, tumango naman sya.
"uuwi na kita pagtapos, bilisan mo" seryosong sabi nya.
Pumasok ako sa loob pero nakita ko dun si Chloe.
Dumiretso ako sa sink saka naghilamos
"Are you ok?" Napatingala naman ako saka tiningnan sya.
Tingin mo okay ako?
"Y-yes, okay lang" sagot ko bago nagmumog.
"Here some tissue!" Tiningnan ko ang inabot nya bago kinuha saka pinunas sa muka ko "you're very gorgeous even without make-up"
"A-ah, t-thanks? Hehe" awkward kong sabi. Ano bang dapat kong sabihin?
Nailang naman ako dahil nakatitig sya sakin.
"Gano na kayo katagal ni Carl?" Nakangiti kong tanong masokista ka te?
"Nearly 1 year na" napatango naman ako.
"Tapos ngayon ka lang nya pinakilala sakin? What kind of bestfrieeeeennndd he is!!" Parang tangang sabi ko, natawa naman sya.
"He always talk about you, ang sipag Daw ng bestfriend nya" she said while smiling, she's nice huh?, "kaya naman nacurious ako, I told him that I want to meet you"
Kaya naman pala.
"Yung lalaking yun talaga, oy hahaha, wag mo sasaktan yon ah? Kingina non, kahit abnormal yon mahal ko yon, sya yung kaisa-isa kong kaibigan lalaki Na hindi ako iniwan,yung isa kasi lumipad paibang bansa! tinutulungan pa nga! Hahaha" kung ano-anong sabi ko.
"Of course, I love him, don't worry, I won't hurt your bestfriend, he's safe with me" napangiti ako sa kanya swerte mo dzai.
naunang lumabas si Chloe kaya naman umihi muna ako, naghugas pa muna ako ng kamay bago lumabas.
"Ayan na pala sya hon"
Natigilan ako ng makita si Chloe at Carl, tangina, oo nga pala, parehas C, bagay! Hahaha.
Pwede bang gawing cyline name ko? Yak! Mas maganda zyline.
"Halika na zy, hatid na kita" aya ni Carl pero tiningnan ko lang sya.
"Ha? Hahaha"
"You're drunk, let's go" nagpumiglas ako.
"Teka! T-teka, pano jowa mo?" Tumingin ako kay Chloe na nakangiti sakin.
"I have my own car naman, ayos lang, at least mapagkakatiwalaan yung maghahatid sayo. Sige na hon," I saw her kissed him...
That should be me feelin' your kiss..
Habang nasa kotse ay nakapikit ako hanggang sa maramdaman kong huminto ang kotse.
"We're here" unti unti akong dumilat, nasa harap na nga kami ng bahay.
"A-anong oras na?"tamad na tanong ko.
"5:04" pakiramdam ko ay nabuhay ang mga kung anong parts sa katawan ko dahil sa sinabi nya.
"Fudge! Yari ako k-kay mama" mabilis kong tinanggal yung seatbelt at binuksan yung pinto.
"Hey!" Rinig kong sigaw nya.
Pagewang-gewang akong naglakad,binuksan ko yung gate.
"Zyline! Ano ba! Matutumba ka!" Pumasok ako sa loob ng gate saka tumalon talon.
"S-sharla?? Andito na ako! A-ate is here na.. Na.. Na..!"
"Zyline ano ba?!" Hinatak ako ni Carl kaya napasubsob ako sa dibdib nya.
"Zyline ano ba" I mocked him, hinayaan ko naman syang alalayan ako pero nagulat ako ng bigla nya akong buhatin.
"Mama!! r**e!!"hiyaw ko.
"Gago! Anong r**e? Tumigil ka zyline! Madaling araw na!" Gulantang na sabi nya kaya napatawa ako.
"Ano ba yang--ate?!" Gulat na sabi ni shiela bago papalit-palit nya kaming tiningnan ni carl "k-kuya Carl"
"Hello there my love-- L-lovely sisters!"
"Sister lang te," lumapit ito, ibinaba ako ni Carl kaya inalalayan din ako ni shiela "thank you kuya Carl"
"Shiela wag mo ng papasukin yan si ate mo mamaya sa trabaho, sabihin mo magpahinga na lang at bukas na pumasok, una nako" bilin nya.
"Nyenye" natatawang sabi ko.
Pagkapasok namin ay agad akong binatukan ni shiela.
"Aray ko! Gago ka ba?!" Inis na sabi ko, sinandal ko yung ulo ko dun sa may sandalan.
Nahihilo ako, lechugas na alak yan.
"Ate.. Kayo na ni.. ni Kuya Carl?" Alanganing tanong nya. Nanlaki ang mga mata ko bago tumawa .
"Tanga hindi! May.. May j-jowa na, m-magwawanyir! Ayaw sa three years! HAHAHAHA" f**k this! Kung ano ano lang ang mga nasasabi ko!
"Hala ka" hindi makapaniwalang sabi ni shiela ng makita kung paanong sunod-sunod na luha yung tumulo galing sa mata ko "a-ate"
"Putanginang buhay to oh" umiiyak na sabi ko " bat ang hirap? Pocha! Nagtatrabaho ako.. Pero hindi tayo makaalis sa hirap! Kingina! Kasalanan to nung gagong Alfred na yon!"
"Ate! Ano ba?" Awat nya, lumapit sya sakin at inayos ang buhok ko.
"Oh baket? Tanga samahan moko! Pupunta tayong sementeryo!" Biglang aya ko.
"Anong gagawin natin don?" Takang tanong nya.
"Dadalawin yung namatay na puso ko" humihikbing nilingon ko si shiela "beh.. Ang hirap hirap na.. Ang sakit sakit"
"Akala ko ba.. hindi mo sya m-mahal?"
Akala ko din.
Hindi ako nakapagsalita.
"Ate naman.. Diba andito kami? Kasama mo kami, andito ako.. Si kuya si mama...si sharla" pag-aalo nya.
"Gusto ko na lang mamatay"bulong ko,mabilis na yumakap sakin si Shiela.
"Kung mamamatay ka, sasama kami nila mama! Alam mong ayaw naming nagkakaganyan ka ate! M-mahal na mahal ka namin"
Suminghap ako ng hangin "tangina... Gago talaga.."
"Ate tama na.. Pahinga ka na please" umiiyak na sabi nya, hinawakan nya magkabilang balikat ko at awang awang nakatingin sakin.
"Pahinga? Oo.. Gusto ko magpahinga.. Gusto ko na magpahinga"
Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sakin, unti-unti akong nagmulat, ng masanay sa liwanag ang mga mata ko ay umupo ako.
"Ma!" Gulat na sabi ko.
"Kumusta nak? Ayos na ba?" Malumanay na tanong nya,Naguguluhan ko itong tiningnan ng mapansin ko ang pamumula ng mga mata nya.
"U-umiyak ka ba ma?" Tanong ko, umiling naman ito.
"Sa shampoo yan" palusot nya pero alam kong hindi.
"May.. P-problema po ba?" Mahinang tanong ko, umupo naman ito sa may tabi ko saka hinaplos ang buhok ko.
"K-kaya mo pa ba nak?" Napabuka ang labi ko, kaya ko pa.
"M-ma"
"Magsabi ka kay mama ha? Kapag.. S-suko ka na, andito kami.. Hindi ka namin iiwan" yumakap ako kay mama.
"Ma... Hirap na hirap na po ako.. Bakit ba nagkaganto buhay natin?"naiiyak na tanong ko.
"Shh.. Magdodoble kayod ako nak.. Wag ka mang-alala, makakapag-aral ka uli," hinagod nito ang likod ko.
"Ma.." Humiwalay ako kay mama. Tiningnan naman ako nito saka hinaplos ang pisngi ko.
"Nasabi sakin ng kapatid mo zyline, may kinalaman ba si Carl kung bakit ka nagkaganyan?" Umiling ako para iparating na hindi. Kung alam nya..
"Hindi ma, labas dito si Carl"
"Kelan ka aamin sa kanya?" Ngumiti naman ako kay mama ng may halong pait.
"May.. G-girlfriend na ma" nakayukong sabi ko, "m-maganda sya.. Mayaman.. Bagay na bagay sila"
"Pero anak alam mong meron kang--"
"Ma, hayaan na natin ok? Mas maganda ng.. Hanggang magkaibigan na lang kami" tipid ngiting sabi ko, ayon lang naman talaga kami kahit noon pa.
Tinitigan ako ni mama na akala mo sinusuri kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.
Tumayo ako saka nagtali ng buhok.
"Pano si sharla?" Nahinto ako sa paglakad ng bigla yung sabihin ni mama, nakangiti ko syang nilingon.
"Anong meron kay sharla ma?" Tanong ko.
"Akala ko ba igagala mo kapatid mo? Hindi ka naman papasok ngayon" tumango naman ako saka binuksan ang cabinet, kinuha ko doon ang Pink shirt ko at maong na short.
"Paliguan mo nalang muna ma, maliligo na din muna ako, sasama ko sya dun sa may bayad center, dun na lang ako magbabayad ng bill ng kuryente at tubig, nung nakaraan pa yung due date, baka pag lumagpas pa eh maputulan na tayo" natawa ako saglit.
Tinapik pako ni mama sa balikat bago lumabas ng kwarto namin..
Nanghihina akong napaupo dun sa may dulo ng kama.
"Ano bang nangyari?" Naguguluhang tanong ko sa sarili ko.
Katatapos lang naming manggaling sa bayad center at iginala ko na lang si sharla dito sa may parke.
Nagulat ako ng Biglang nagsalita si Sharla.
"Ate! Kendi!" Turo ni sharla dun sa may cotton candy.
Eto na naman kami, candy na naman.
"Sharla" I said in a warning tone, ngumuso naman ito,"masyadong matamis yun be, bawal sayo"
"A-ate, usto ko" nagpacute naman to.
"Naknang" mahinang bulong ko, "oy sharla, wag matigas ulo, aba, kakabayad lang natin ng mag bills, kita mo na? 300 na lang pera ni ate, wala nakong ipon"
"No money?" Inosenteng sabi nito ngumiti naman ako saka pinanggigilan ang pisngi nya.
"No money and no baby, kaya Tara na, bawal sayo yan" mabilis kong hinawakan ang kamay nya saka kami naglakad lakad.
Nang mabagalan ako sa lakad namin ay mabilis ko syang kinarga.
Mabuti na lang at naka short ako at shirt kaya kumportable namang makagalaw, hindi naman sobrang ikli ng short ko, hindi bastusin tingnan.
"Linsey!" Sigaw ko nung makita ko ito, napalingon naman sya samin at mabilis na lumapit lalo na ng makita si Sharla.
"Uy zy! Hala! Si kulit!" kinuha nya sakin si sharla at sya na ang kumarga.
"Ita!" Masayang sabi ni Sharla.
Nanggigil naman si linsey dito "hanggang ngayon bulol ka pa din, tita at hindi ita" bumaling naman sakin si linsey "buti naisipan mong lumabas kayong dalawa nito?"
Ngumiti naman ako "walang bantay eh, saka, wala naman akong pasok ngayon, dahil bukas pako magtatrabaho uli" napatango naman ito.
"Teka" sabi ko ng may maalala ako, "anong ginagawa mo rito? May trabaho ka diba? Nyaay! Manager ka nyan ah"
"Hoy hoy hoy, nagsabi ako kay carl ano! Sabi ko may kailangan akong puntahan"
Naintriga naman ako sa sinabi nya dahil minsan lang talaga sya umabsent.
"Saan ka naman galing?"
Lumapit ito sa tainga ko para makabulong.
"Nakipag kita ako sa kapatid ko" sabi nya saka dumistansya, gulat akong napatingin sa kanya.
"Seriously?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko, tumango na lang sya, baka ayaw ng pag-usapan, owkeey.
"Libre mo nga kami" nakangusong sabi ko, napangiwi naman sya.
"Sabi ko nga" binalik nito sakin si sharla "sandali at bibili ako pagkain nating tatlo"
Kinuha ko si sharla sa kanya saka inupo don sa may upuang kahoy at lumuhod sa harap nya.
Inayos ko yung sandals nya saka tumayo uli.
"Zyline!" Natigilan ako ng may Biglang sumigaw ng pangalan ko.
Famous ko talaga, dami ko ba namang pinagkakautangan at pinagraraketan, panong hindi ako makikilala?
Hinanap ng paningin ko yung taong nagtawag sakin
"C-chloe" gulat na usal ko.
"Sabi ko na nga ba! What are you doing here?" Nakangiting tanong nito,ikaw dapat ang tinatanong ko nyan, hindi naman taga rito si Carl at malayo to sa restaurant, kaya anong ginagawa mo rito?
Hindi ako nakapagsalita agad, nilingon ko yung pwesto ni sharla pero agad akong kinabahan ng wala sya doon!
"O-oh God!"Kabang usaln ko, nagtaka naman si Chloe.
" something's wrong?" Nagtatakang tanong nya.
Hindi ko pinansin yung sinabi nya saka nagsimulang hanapin si sharla gamit ang mata, nang makita ko sya ay agad nanlaki ang mata ko ng makitang may nagb-bike papunta sa kanya!
"Sharla!!" Tumakbo ako papunta sa kanya at mabilis syang kinarga "leche!"
"Ate.." Takot na tawag ni Sharla
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Saan? Sabihin mo kay ma--sabihin mo kay ate" umiling naman ito kaya hinalikan ko sya sa noo, sobrang kaba ang naramdaman ko kanina.. Akala ko mapapahamak sya.
Nakalimutan ko na may kausap pala ako kaya natigilan ako ng magtanong sya mula sa likod ko.
"Anak mo?"
■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■