𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 3

1809 Words
Enjoy reading! ~ "Sharla!" Masayang bati ko sa kanya,mabilis ko itong kinuha kay mama saka kinarga Namayat sya... "Ate" nakangusong sabi nito kaya naman natawa ako "Naku! Ang baby namin nakauwi na" tukso ko, "miss mo si ate?" Kung kanina ay nakanguso ito ngayon ay ngumiti na, "Opo! Miss po kita" "Kanina ka pa ba nakauwi nak?" Tanong ni mama habang inaayos yung mga gamit "Kauuwi lang po" sagot ko habang inaayos ang buhok ni sharla "Asan si Carl?" Natigilan ako sa tanong nya anong kailangan ni mama sa mokong nayon? "Ma.." tiningnan ko sya na parang natatawa "Matagal-tagal na din mula ng napunta yon dito, ano na bang lagay nung kababata mo? Aba'y lalong gumwapo" nakangiting sabi ni mama Napairap ako, gwapo? Edi wow "Hayaan mo na yon" inis kunwari na sabi ko bago ibinaba si sharla "Zyline wag ganyan anak" banta ni mama kaya napabuntong hininga ako, Binalingan ko si sharla na ngayon ay yakap yung stuffed toy na bigay ko sa kanya "Na--ay ma!" Mabilis kong sabi "Oh?!" Gulat na baling sakin ni mama "A-ah.. Wala po! Hahahaha!" Parang ewan na sabi ko "Aba't, nasisiraan ka ata ng bait zyline" umiling-iling pa sya Ngumuso ako "nalimutan ko sasabihin ko" Pumasok naman si shiela, "Ma, may bill na ng kuryente"tamad na sabi ni shie "Akin na shie, ako na titingin" inabot naman nito, pagkabukas ko ay agad nanlaki ang mga mata ko! "Depungal! May nakiki-jumper ata sa kuryente natin eh!" "Ano?! Bakit? Patingin nga!" Kinuha ni mama yung bill, gaya ng reaksyon ko ay ganon din ang kanya "ang laki nito! San naman tayo kukuha ng ganto?! Kakalabas lang ni sharla sa hospital pero parang ako ang papalit!" "Mama naman!" Shiela and I said in unison "A-ako bahala ma" mahinang sabi ko,"may balance pa pala tayo kaya naging ganto kalaki" "Pero anak" nahihiyang sabi ni mama kaya ngumiti ako sa kanya "Ma, ako na, gagawa ako ng paraan bago tayo maputulan okay? Sige na, wag nyo ng problemahin" sabi ko sa kanya para mapanatag ang kalooban ni mama, "Ate.." Lumingon ako kay shiela, andito ako sa may likod ng bahay buti na lang at hindi masyadong mainit ngayon "May kailangan ka?" Sabi ko habang nakatitig sa medyo kumukulimlim ng langit "Kumusta na kaya si papa?" Mabilis ko itong nilingon, pero gaya ko ay nakatitig din ito sa langit, "Hmm? Siguro.. Masaya na sya, payapa na, wala ng problema." Tipid na sagot ko para hindi na sya magtanong pa "Para mo namang--" i cut her off "Bakit hindi ba?" Natatawang sabi ko pero may pait sa tinig, "patay na sya" "Ate.." "Tanggapin mo na yon shiela, matagal na syang wala" Mariin kong sabi "Pero.. Masaya kaya sya para satin? Sayo?" Umaasang tanong nya "Masaya yon tanga HAHA, hayaan mo na nga. Si sharla nasan ba?" Pag-iiba ko ng topic Nakita ko namang ngumisi sya kaya inambahan ko ng suntok "Kasama ni kuya, may binili" nakangisi paring ulat nya,gulat akong napatingin sa kanya "Baka mabinat--" "Don't worry ate, hindi naman pinaglakad ni kuya yung pa--paa HAHAHAHA, yari yon kay mama" tatawa-tawang sabi nya Inirapan ko ito saka tumayo," pasok na nga tayo, ang daldal mo, 16 ka na't lahat" "So what if I'm 16?" Nakangusong sabi nya "So what your face shiela" pang-aasar ko "Oh my face is pretty paniguradong pag nagkaanak ako--" "Syempre kapag magkakaanak ka, tapos ka na sa lahat, pag may stable ka ng trabaho. nagkakaintindihan tayo?" I strictly said "Oo ate, jowa nga wala ako" nakanguso pa ring sabi nya "Dapat lang" pabiro ko itong inirapan Pagkapasok ay uminom ako ng juice na nandon, aba, himala may juice? Uso pala to dito sa bahay? "Ate pupunta ba dito so kuya Carl?" Biglang tanong ni shiela "Ughk!" Napaubo ako ng malakas dahil nasamid ako, "taragis naman shie! Bigla bigla kang nagsasalita dyan!" "Weehh?? Crush mo si kuya Carl no?" Pang-aasar nya "LOL, crush ka dyan, boss ko lang yon" umiwas ako ng tingin "Boss daw pero..." binitin nya pa "Subukan mo, susungalngalin ko yang bibig mo" pananakot ko, nagkibit balikat naman ito "Ate laro!" Tiningnan ko naman si sharla "Next time baby okay?"nakangiting sabi ko "B..baby?" Ulit nya, ngumiti naman ako "Yes, baby ka ni ate.. Kapatid kita eh, saka ikaw lang nag-iisa naming baby nila mama"nakangiti pa ding paliwanag ko "Laro.." Ngumiti naman ako saka tumingin kay mama na nakamasid samin "Sharla.. May pasok na si ate, dun ka muna kay mama, pasalubong na lang mamaya bigay ko sayo, ayos lang ba?" Mahinahong Sabi ko Mabilis na nangilid ang gilid ng mga mata nito dahilan para manikip ang dibdib ko "Ayaw! Gusto ko laro" sumisinghot-singhot na maktol nya "Shh, don't cry na, mamaya pag-uwi ni ate maglalaro tayo, ayos ba iyon? Tapos paliliguan ka ni ate" pag-aalo ko "Ma" tawag ko kay mama, lumapit naman ito saka kinarga Si sharla. "Tama na nak, may trabaho si ate, lalaro kayo mamaya ni ate zyzy mo okay?" Tumigil naman sa iyak si sharla kaya ngumiti ako "Ma una na po ako" paalam ko Pagod akong sumalampak sa maliit na upuan, kakatapos ko lang magpabalik balik dahil sa mga orders, hindi naman ako nag-iisa ditong waitress pero pakiramdam ko ako lang ang gumagawa! "Hoy! Aba! Makita ka dyan ni boss sige ka" pananakot ni linsey "Di yan, hindi naman yon basta basta lumalabas ng lungga nya dyan" kampanteng sabi ko "Ay alam?" Kunwari'y gulat na sabi nya "Edi wow, tanga observation lang" malditang sabi ko kaya naman natawa sya "Kumusta na pala si kulit?" Tanong uli nito, ngumiti ako ng tipid "Medyo bumabalik na uli yung sigla, nagkukulit na eh" naala ko yung kanina "Eh bat parang hindi ka ganon kasaya?" Naka kunot noong tanong nya "Andami pang bayarin, pano makukuhang magsaya?"nakasimangot na sabi ko "Hys, ano ba yang buhay mo! Asan ba tatay nyang si sharla ha?" Nanlaki ang mga mata ko kapagkuwan ay sumagot,"halika, puntah--" "--Patay na" simpleng sagot ko "Hoy!" Natatawang sita nya "Oh bakit? Alam mo namang patay na tatay Namin hahanapin mo pa tsk!" Nakangusong sabi ko "Joke lang eh" nakanguso ding sabi nya "Haha, ayan nakakatawa" inirapan ko sya Bumalik na kami sa kanya-kanyang gawain dahil dumagsa na naman ang mga customer "Zyline" napatalon ako sa gulat ng may nagsalita "B-boss!" Gulat na sabi ko "Are you busy?" Tiningnan ko ito saka napatingin sa mga ginagawa ko "Oo boss, busy, madami order" ngumiti ako dito saka sinerve na yung mga order Ngiti dito, ngiti doon, kailangan ko yung gawin para hindi naman masabihan na ang attitude ng mga waitress dito Waitress na nga lang, maattitude pa! "Zy, Table 7" mabilis kong kinuha yung order saka dinala yung order don Nakita ko namang nagtaas ng kamay yung isang customer kaya agad akong lumapit since ako ang pinakamalapit "Yes ma'am? What's your order?" Magalang na sabi ko, "I want to order this, this and this" mabilis kong sinulat yung mga yon saka ngumiti uli, "copy ma'am, yun lang po ba? Anything else?"umiling naman ang kaharap " just wait for it ma'am" Nang makarating sa bahay ay pagod na pagod ako, andami kong trabaho! Pero hindi naman umaasenso! Napatitig ako kay shiela na ngayon ay natutulog na, Sorry shie.. Hindi ka mapag-enjoy tulad ng ibang teenager dahil kumakayod ka din para sa sarili mo.. Wag ka mag-aalala, gagawin ko lahat para mairaos lang ang pamilya Natin sa hirap "6,432" bulong ko habang tinitingnan yung pera ko.. "Kung ilalagay ko yung lahat ng ipon ko.." Mabilis kong cinalcue yon "11,578" mahinang sabi ko, tumingin ako sa bill ng kuryente at tubig saka napatingin uli sa pera..may bayarin pa kami para sa ibang utang "Tangina.. Kulang" Lumabas ako para magpahangin, pakiramdam ko hindi ako makakahinga, "Nak.." Mabilis na nangilid ang mga luha ko sa paligid ng mga mata ko kaya mabilis ko iyong pinunasan "M-ma!" Pilit Kong pinasigla yung boses ko saka ngumiti "Ayos ka lang ba?" Napatitig ako kay mama.. "Opo, ano ba kayo? Ayos lang ako" pinilit kong ngumiti "Zyline--" "Ma, ayos lang po ako, wag kayong mag-alala" pangungumbinsi ko "Panong hindi ako mag-aalala anak kita?" Napangiti ako sa sinabi nya "Tulog na po si sharla?" Tanong ko "Oo, hinihintay ka, maglalaro pa daw kayo, yung kapatid mo talaga na yon" bahagyang nakangiting sabi nya "Pag nagtanong po uli, sabihin nyo, aalis kami sa linggo," sabi ko kay mama "San mo naman dadalhin?" Bigla'y tanong nya Napatawa ako sa tanong ni mama "maglalakad-lakad lang ma, walang pera HAHAHAHA" Huminga si mama ng malalim bago nagsalita, "pasensya na nak" natigilan ako, bahagya ko syang nilingon, "dapat nakapag-aral ka, dapat architect ka na, dapat natupad mo na pangarap mo..pero.. Mas pinili mong magpaubaya" Nalaglag ang Ilang butil ng luha sa pisngi ko kaya mabilis ko iyong pinunasan "M-ma.. That was my choice po, huminto ako para kay arman, mas gugustuhin kong paunahin ang mga kapatid ko bago ako"nakangiting paliwanag ko "Pero ang laki na ng sinakripisyo mo" nakokonsensyang sabi ni mama pero umiling ako "Mas malaki ang sakripisyo mo ma" makahulugang tugon ko, "Wala po akong pake kung ganito yung kinalabasan, basta masaya ako sa naging desisyon ko"pilit ko,wala akong pagsisisihan Tulala akong naghuhugas dito sa loob ng kusina, Rinig pa hanggang dito ang mga tugtog galing sa labas, "Huy zy! Ayos ka lang?" Tanong ng isa kong katrabaho, Napatango naman ako saka bumalik sa ginagawa Hindi ko namalayang tapos na pala "Hey" agad akong natigilan ng marinig ko ang boses na yon, pakiramdam ko ang lapit lapit lang nya kaya hindi ako lumingon Gaga ka zy! Kaibigan mo yan tanga! Kababata mo! Boss mo! "H-hey" Ilang na sabi ko,pinunasan ko muna ang kamay ko bago dumistansya "Tara?"aya nya, Napatingin naman ako sa kanya. "San tayo pupunta?" Takang tanong ko "sandali at magbibihis ako" Mabilis akong nagbihis at lumabas na, "Arat, saan ba?" Nakangiting tanong ko "May papakilala ako sayo" alanganing sabi nya,sumunod lang ako kung saan sya pumupunta at nagulat ako ng huminto kami sa isa sa pinto for VIP Anong meron? Pumasok naman kaming dalawa don at nakita ko yung mga tao don, magbabarkada sila? Akala ko pa naman kami lang yung kaibigan nya! Hindi pala! "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko ng hindi na ako makatiis "U-uhm.. wait andito na sya" "Sino?" Tanong ko "Hon!" Sabay kaming Napalingon dun sa babaeng bagong dating, nalaglag ang panga ko ng halikan nito si mark sa labi! What the fudge? Kumalas din yung babae pero yung braso ni mark ay nakapulupot sa bewang nung babae, tinitigan ko iyon bago nag angat ng tingin sa kanila "Ahm, zyline, this is chloe my g-girlfriend, and Chloe, this is zyline, my bestfriend" seryosong pakilala nya, pilit akong ngumiti sa kanila kahit na may kakaiba akong nararamdaman sa dibdib ko. Am I f*****g jealous? No! Of course not! Girlfriend? Wow, sanaol. ■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD