This story is just made by fiction, every names, places,business,locations and all other things here in my story are all made by my fictitious mind. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental ^-^
-----------------
"Table number 4 zy!" Agad kong kinuha yung order non saka hinatid yung order sa table 4
"Here's your order po" nilapag ko na yung mga order nila saka yumuko, "enjoy your stay po" ngumiti ako sa kanila saka tumalikod na,
Masyadong Maraming mga customer ngayon kaya nakakapagod magpaikot-ikot!
"Aish!"
"Hala sorry po! Eto po t-tissue!" Agad ko itong binigyan ng tissue saka tinulungan sa pagpunas sa polo nung lalaki pero tinabig naman nito yung kamay ko,
"I can handle this Miss, bumalik ka na sa trabaho mo"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko, nakakahiya!
"I'm so sorry po uli" yumuko ako ng katamtaman saka pumunta na don sa kusina
"Oh zyline! Ikaw dishwasher?" Ngumiti ako saka tumango
"Absent daw si Linda kaya sabi ko ako muna palit sa kanya, pumayag naman si boss extra income na din"
Napailing naman to "masyado ka pang bata para sa mga ganyan! Aba'y, dise-nuebe ka pa lang ah?"
Napatawa ako saka sinuot yung gloves, "magbi-bente na rin naman po sa sunod na buwan kaya ayos na rin"
Hindi nako Kinausap ni nay kora dahil abala na din sya,
Pakiramdam ko hindi nababawasan ang mga hinuhugasan ko dahil kada tapos ko ay nadadagdagan pa uli!
"Oh eto na zyline yung parte mo dun bilang dishwasher" nakangiting inabot ko yung bayad saka binilang, hindi na din masama.
Sa lahat ng nagtatrabaho dito ay ako lang ang kumukuha ng sahod ko araw-araw, alam yun ng iba at hindi naman sila naiinggit dahil kumpara sa kanila, mas nangangailangan talaga ako
"O san ka na nyan? Wag mo sabihing may raket ka pa?" Umiling naman ako kay linsey,
"Ano ka ba, sabi ko kay mama uuwi ako ng maaga kasi walang magbabantay dun sa mga kapatid ko, si arman naman, mali-late ng uwi, tapos si shiela paniguradong may assignment, aalagaan ko pa si sharla" napailing naman si linsey sa sinabi ko
"Maaga kang tatanda nyan eh, alam mo, dapat sa edad mong yan? Nag-aaral ka pa! Sayang! Architect!"
Napangiwi ako sa reaksyon nya
"Babalik din naman ako eh! Oa mo, nag-iipon naman ako para makapag aral uli,alam mo naman" nakangiting tugon ko,
I stopped when I was in my first semester in college, hindi talaga kaya ng budget kaya naman huminto na lang ako at nagtrabaho, linsey offered some help but I refuse it. Kahit na magkaibigan kami, nakakahiya pa rin
Tinutulungan ko si mama sa pagpapaaral kay arman at shiela, mabuti nalang at may raket din yung si arman kaya maayos naman
"Pero sayang no? Malapit ka na sanang maging architect, kung ganon, malaking sahod!" Tinapik ko yung balikat nito,
"eh ikaw? Kelan mo balak umuwi sa inyo?"
Literal na nanlaki ang mga mata nya kaya naman natawa ako
"Gaga ka! No way! Bahala sila! Pinalayas nila ako tapos uuwi ako? No way high way" mataray na sagot nya
Naningkit ang mga mata ko
"Pinalayas ka? As far as I know lins, ikaw ang naglayas" I stated, napanguso naman sya
"Oo nga pala"
"Oo na, mauna nako, ingat pauwi!" Nakangiti ko itong kinawayan saka binuksan yung gate.
"Ateeee!!"
"Sharla!" Mabilis ko itong binuhat saka inikot, "bat wala kang slippers ha?"
Ngumuso naman ito "tapon.. Ate.. gutom na po" napatawa naman ako saka kinurot yung pisngi nya gamit ang kaliwang kamay ko,
"Mag t-three ka na, dapat hindi ka na masyadong bulol okay?" Malambing na sabi ko habang papasok sa bahay, medyo maayos naman syang magsalita kumpara dun sa ibang 3 years old na bata
Napanganga ako ng makita kung gano kakalat ang loob!mabilis kong binaba si sharla pati yung bag ko,
"Shiela!" Inis na sigaw ko habang pinagdadampot yung mga tiklupin, kinuha ko yung walis saka nagwalis na, inis kong pinahid yung pawis na tumulo at tinali pataas yung buhok ko,
Putakteng buhay to! Pagod ka galing sa trabaho tapos ganto bubungad sayo?
Nang matapos ay pumunta ako sa kusina, at nandun nakatambak lahat ng hugasin!
Inis kong pinuntahan yon ng makarinig ako ng iyak, s**t si sharla!
Mabilis akong tumakbo palabas at nakita ko syang nakitang nakikipag agawan ng lollipop dun sa anak ni ate pres
"Sharla! Hindi yan sayo ano ba!" Inis na sabi ko
Umiiyak na tumingin to sakin "ate ako gutom" Napapikit ako saka sya kinarga papasok ng bahay,
Inupo ko sya dun sa may mahabang kahoy na upuan saka kinuha yung box sa bag ko,
"Eto, kainin mo na lang okay? busog pa naman si ate, hindi ka pa ba pinakain ni ate shiela mo?" Umiling naman ito kaya napabuntong hininga ako, "sige na kain na, may gagawin pa si ate"
Hinalikan ko ito sa noo bago ako bumalik sa loob ng kusina saka nagsimula ng maglinis don, pagkatapos ko sa mga hugasin ay nagsaing na din ako para sa hapunan. Pagkatapos kong magsalang ay nakarinig ako ng ingay sa sala kaya pumunta ako don,
"Shiela" seryosong tawag ko, gulat naman itong tumingin sakin, bahagyang tumagilid ang mukha ko para pagmasdan ang postura nya
"A-ate"
"San ka nanggaling? 5:30 na"
"A-ano.. Dyan lang"
"Saang dyan? Dyan sa tapat, dyan sa likod, dyan sa gilid, saang dyan?" Kunot noong tingin ko
"Basta ate, hayaan mo na ako okay?" Inis na sabi nito
"Ano?!" Singhal ko! Anak ka ng!
"Sharla pasok sa kwarto!" Mabilis itong tumakbo papunta sa loob ng kwarto nila ni mama
Mabilis akong lumapit kay shiela at pinitik ang noo nito
"Aray ko ate, ano ba!"
"Anong ano ba?! Iniwan mo si sharla dito sa loob ng bahay habang ikaw nasa galaan?! Anong klaseng ate ka! Ang gulo gulo ng bahay--"
"Hindi ko na naman sinabing linisin mo eh"
"Hindi mo sinabi pero ginawa ko! Malamang dahil wala ka dito! Lechugas naman shiela! Wala sila mama! Pano pag may nangyari kay sharla? Sige nga? Pano kapag may nangyari sa kanya habang wala tayo dito? Hindi ka ba nag-iisip? Hindi ako palaging nakakauwi ng maaga galing trabaho!" Gigil na sermon ko
"Sorry na, okay na ba? Ate pagod ako"
" San ka napagod? Sa galaan mo? Naka make up ka na ang ikli pa ng suot mo!" Tinuro ko sya
"Galing akong birthday okay?"
"Tigilan moko sa birthday shiela! Ano? Imbes na mag-aral ka kung saan saan ka pumupunta!"nangilid ang mga luha ko kaya umupo ako
" a-ate"
"Lechugas naman Sheila, atupagin mo na lang pag-aaral mo para naman may napupuntahan pinagtatrabahuan ko"
"S-sorry ate"
"Tingnan mo yung sinaing ko dun, Hindi kita isusumbong kay mama, pero wag ka ng uulit shiela" banta ko, tumango naman to sakin saka pumunta sa kusina
Mabilis kong pinahid yung mga namuong luha at pumikit
Doon ko naramdaman lahat ng pagod, mula kaninang umaga hanggang ngayon,
"Ate!" Napadilat ako ng may pumasok
"Ang aga ng uwi mo ah?Akala ko gagabihin ka kaya sumabay nako dun kay linsey na mag early out" Nakangiting sabi ko kay arman,
"Maagang nagdismiss, nga pala ate..." Tumabi naman to sakin, "m-may.. Project k-kami.." Nahihiyang sabi nito
"Magkano ba?" Nakangiti paring tanong ko, ate ako kaya kailangan kong isantabi ang sarili ko para sa mga kapatid ko
"May naitabi naman ako, papadagdagan ko lang sana sayo"
Napatango ako saka kinuha yung 300 sa wallet ko, "yan lang extra ko, baka bukas magbiga--"
"Ayos na to te! Punta nako sa kwarto" sinundan ko ito ng tingin, napabuntong hininga ako saka tinitigan mga kamay ko
"Lintik na buhay oh" mahinang sabi ko
Ako ang katuwang ni mama dito sa bahay, magkasama naming tinataguyod yung buhay namin, mabuti nalang at nasa 3rd year na si arman, malapit na ding makatulong dito
Napabuntong hininga ako saka kinuha yung bag ko at dumiretso na sa kwarto namin ni shiela
Humiga ako sa kama saka tumitig sa kisame
Ano kayang pakiramdam na ipinanganak ka ng mayaman ka na? Yung pakiramdam na hindi mo kailangang mag kayod kalabaw may mapambili ka lang ng kakain nyo...
Hindi naman ganto buhay namin dati..
Napangiti ako ng mapait, kulang na kulang pa din ang pera namin, may dalawa akong pinag-aaral na kapatid, kung hindi ako huminto edi sana magiging architect nako?
Napabuntong-hininga ako bago bumulong
"Makakaraos din tayo"
■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■