Chapter 10

3259 Words
Chapter 10 "Oh my! Let's go there, Ate!" Wala akong nagawa kundi ang magpatianod kay Claudia nang hilahin niya ang braso ko at pumasok sa isang botique rito sa mall. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan siyang pumili ng damit doon. "Claudia, ang paalam lang natin ay bibili tayo ng phone at gamit sa school," paalala ko sa kanya. Nilingon niya ako. Dala ang isang hanger na may dilaw na cropped top, itinapat niya iyon sa harapan ako. "This looks good on you, Ate Aisa. Let's buy this," aniya. Tiningnan ko ang price ng hawak niya. Five hundred pesos para lang doon? "Baka magkulang ang budget natin-" "Hala! Ang cute ng jacket, Ate! Pastel pink! 'Di ba paborito mo ang pink?" Sabay turo niya sa isang banda kung saan nakasabit iyon. Naghugis puso na siguro ang mga mata ko nang makita ang tinuturo niya. Nauna pa akong pumunta roon at pinakuha sa saleslady ang jacket dahil nasa itaas pa nakasabit. "Cute!" I smiled widely when I held the hoodie. "Ang lambot ng tela! Gusto ko nito. Teka..." Tiningnan ko ang price. Mahigit isang libo. Dad gave me more than enough, I think, for a brand new phone. Siguro naman... aabot pa para sa hoodie na 'to? I really love the color and texture of this hoodie. "Let's buy that, Ate Aisa! I want the purple, too." Nevermind the budget. Bibilhin ko talaga ito. "Kunin niyo na po, Ma'am?" Nakangiti ang saleslady na nasa harap namin. Dinala na iyon agad sa counter noong tumango si Claudia. Kinuha ko na ang dalang wallet matapos i-punch ang binili namin. Wait... ako ba dapat ang magbayad lahat? O KKB? Hindi ko madukot ang dalawang libo sa wallet ko! "Ako na ang magbabayad, Ate," sabi ni Claudia. "Huh? Hindi. Ako na," pilit ko. "Ako na lang, Ate. May pera namang binigay si Mommy kanina pang-shopping." Sa huli, siya na nga ang nagbayad ng binili namin. We went to cyberzone to finally buy a brand new android phone. I bought one that costs almost twenty thousand pesos. Bumili na rin kami sa bookstore ng mga gamit sa school. Ako na ang nagbayad ng mga pinamili namin maliban na lang sa binili ni Claudia na libro para sa kanyang kurso. They were thick for real. Itinaas ni Claudia ang mga braso sa kanyang ulo nang makalabas kami. "Ah! Nagugutom na ako, Ate. Where do you wanna eat?" Nilingon niya ako at binaba na ang mga braso. "I'm craving for pizza..." "Domino's? Shakey's? Yellow Cab?" Lumingon-lingon ako sa paligid at baka sakaling makahanap ng makakainan. Greenwich is find with me. "Is there a Greenwich here? I want their lasagna and carbonara," I told her. Ngumuso siya at tila nag-isip muna bago tumango. I bit my lip when I realized I was holding more paperbags than she had. Sumunod ako na parang isang alalay sa kanya nang maglakad siya papunta sa escalator. She was quiet while I was following her. Nang tumigil siya ay tumigil din ako. Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan siya. "What's wrong?" I asked. "Naisip ko lang si Xayvion." Mas lalong nagdikit ang kilay ko. Xayvion na naman? Ano bang meron sa lalaking iyon at parang hindi siya mawala sa isip ng kapatid kong 'to? "Kapag gumagala kami at kakain, sa Greenwich niya lagi gustong kumain." I shrugged my shoulders. "So? Wala sa mga binanggit mo kanina ang makikita sa mall na pinupuntahan namin sa Pangasinan. Greenwich lang. Nasanay lang ako." "There's the Greenwich!" Tinuro niya ang hindi kalayuan sa bandang kanan namin. "But... we can try to Domino's if you want?" maingat kong tanong. She glanced at me as she smiled. "Greenwich na lang, Ate. Ayos lang." "No, I insist-" Humalakhak siya kaya natigilan ako. "Ate, kung magpipilitan pa tayo rito, baka hindi na tayo makakain. Isa pa, sagot mo naman kaya tara na sa Greenwich!" Ikinawit niya ang braso sa akin at hinila na ako papunta sa kainan. Ngumuso ako at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Next time, I'll be the one to adjust. I don't want her to adjust all the time for me. Pagkapasok namin sa loob ay pinahanap ko na siya ng puwesto habang dala ang pinamili namin para ako ang um-order. Nagpasalamat ako sa kahera matapos ibigay ang resibo at ang number bago ko hinanap si Claudia. "Ate! Here!" Nilingon ko ang kumakaway sa akin. Nasa 4-seater siya nakaupo. Lumapit ako agad at naupo sa harapan niya. "I ordered one set. Kasya na siguro sa atin iyon." "Oh? Claudia?" rinig kong banggit ng kung sino. Sabay naming nilingon ang tumawag kay Claudia. Wearing a fitted maroon v-neck shirt and faded pants, Xayvion was already walking towards our table. I shifted uncomfortably on my seat as he got nearer. "Oh, Xayvion... Mag-isa ka lang? Dito ka na umupo sa puwesto namin," ani Claudia. The brute was already smiling from ear to ear when his gaze get through me. Hinila niya ang upuan sa tabi ni Claudia at doon naupo. "Gumala pala kayo. Sana sinabihan niyo ako. I was bored in the house, you know?" he said. Umikot ang bilog sa mga mata ko. "Bakit ka naman namin isasama? Kapatid ka namin?" "Hindi. Pero kaibigan ako ni Claudia. Saka... future boyfriend, right?" Kinindatan niya ako at ngumisi. "F-future b-boyfriend?" nauutal na tanong ni Claudia, kulay mansanas agad ang mukha. Humarap sa kanya si Xayvion, nakangisi. "Yup, Clau. Bawal ba?" Nanlaki ang mata ng kapatid ko pati ang butas ng kanyang ilong. "Huh? Hindi... I mean..." Tumawa si Xayvion at ginulo ang buhok ni Claudia. Yumuko ang kapatid ko at mukhang sasabog na ng parang bulkan sa sobrang pula niya. Napailing ako at sinamaan ng tingin ang bruho habang hindi sila nakatingin. Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. I watched them talk as if I wasn't here. Nakaangat ang sulok ng labi ni Xayvion habang kausap ang kambal ko. "Kuya!" someone called. Tumigil sila sa pag-uusap. Nawalan ng kulay ang mukha ni Claudia nang may naglapag ng number stand sa mesa namin. "What's the meaning of this, Kuya?" maarteng tanong ng babae. "O-Odie!" Claudia's eyes widened. "Ugh! Will you stop calling me Odie? We're not even close to close friends to call me that way!" Odie? Tiningala ko ang babaeng tinawag niya at naningkit ang mga mata. Payat, may mahabang kulay tsokolateng buhok, maputi, at maganda. She's short, too. Siya kaya ang kapatid ni Xayvion? She called him Kuya earlier. And Odie... Odette! "Excuse miss, but who are you?" I asked nonetheless to confirm. "Odie, calm down and sit-" Xayvion interfered but was cut off. "Oh... my... gosh. How the hell there's two Claudia b***h here?!" Claudia b***h? Did she just call my sister a f*****g b***h? How dare her! Kahit hindi kami magkasundo ni Claudia, kahit kailanman ay hindi ko siya tinawag na ganoon! Tapos itong batang 'to, kung tawagin siyang ganoon ay parang nickname niya lang? Kumuyom ang kamao ko at akmang tatayo na nang unahan ako ni Xayvion. "Odette, that's enough!" Umigting ang panga ni Xayvion at hinawakan ang braso ng kapatid. "Ouch, Kuya!" Humaba ang nguso ni Odette. "How many times have I told you not to call her that way?" malalim ngunit mababakas ang galit sa boses ni Xayvion nang sabihin iyon. "Xayvion, hayaan mo na," Claudia told him softly. I smirked irritatingly. This is why I don't want to hang out with her ever since with other people. She's too kind and delicate that she would let other people step down on her. Okay lang na siya ang masaktan, huwag lang ang iba. Tingin niya naman, kapag nagpakabait siya sa lahat ng tao ay magiging mabait din sa kanya? Not all people would have the same heart as hers. Some are going to use that as an advantage to use her. And I won't let that to happen... now that I'm here. Tumayo ako at hinarap ang babaeng maganda nga pero pangit naman ang ugali. Tiningala niya ako at bahagyang nanlaki ang namumula at nanunubig niyang mga mata. "b***h, huh?" Ngumisi ako at nilapitan siya. This little girl talks ill even though she's a crybaby! "Ate!" nag-aalalang tawag ni Claudia sabay tayo. Tumili si Odette at agad na kumalas sa hawak ng kapatid bago kumaripas ng takbo palabas ng kainan. Ngumiwi ako. Wala pa akong ginagawa, tumakbo na siya? Bumuntong hininga ako at naupo na nang mapansin ang tinginan ng ibang customer sa amin. Tss. That girl even created a scene before she left her brother alone with us? Nakatayo pa rin si Xayvion at Claudia habang tinitingnan ako. Nagkibit ako ng balikat at kinuha na lang ang paper bag na may lamang phone. "Ate, hindi mo na sana pinatulan. She's just a kid." Umupo na rin siya ulit sa tapat ko. Pinatulan ko ba 'yon? Wala nga akong ginawa kundi ang tumayo, e. Hindi ko na lang siya pinansin dahil abala ako sa pagtingin sa bagong phone. Narinig ko ang mahabang buntong hininga niya sa harap ko. "Bakit hindi mo sundan ang kapatid mo?" tanong ko kay Xayvion nang mapansing nakatayo pa rin siya. Natigilan ako sa ginagawa nang makitang nagtagal ang titig niya sa hawak ko. Kinagat ko ang ibabang labi at mabilis na binalik iyon sa box bago itinago ulit sa paper bag. "Alright, then. I'll just wait for the take out then I'll follow her. Isa pa, may number naman ako ng kapatid ko kaya madali lang siyang mahahanap," he said and took his seat. Hindi ko siya sinagot. "You know, it's really convenient to have someone's phone digits. Right?" he added with that knowing smirk on his face. Pakialam ko? Nagpaparinig lang 'to, e. If he wants my number now, then he should ask politely! "By the way, Xayvion," singit ni Claudia sabay kalabit sa katabi. "About sa sinabi mo kanina na... f-future b-boyfriend..." "Oh? Ah, that..." Tumawa si Xayvion at napakamot sa tainga. "I don't know how will I tell your parents about that." Kulang na lang ay umusok ang dalawang tainga ni Claudia nang sabihin iyon ng kaibigan niya. "Hindi naman siguro magagalit si Mommy," she informed him shyly. Tumaas ang kaliwang kilay ko sa pinag-uusapan ng dalawa. Ang ibig bang sabihin ni Xayvion ay magpapaalam na siya sa parents namin para manligaw sa kapatid ko? And my sister thinks our mother would go easy on him just because he was her 'baby boy'? "I should've done this long time ago," tila bigong sinabi ni Xayvion bago ngumisi. "Pero hindi pa naman huli ang lahat, 'di ba?" He winked at her. Umaliwalas ang mukha ng kambal ko. "Yeah. I guess." Oh, my. Napailing na lang ako sa kalandian ng dalawa sa harap ko. Sige lang. Magpapanggap na lang ako na isa akong kaluluwa na hindi matahimik. Kunwari wala silang kasama. Ilang minuto bago pagkatapos dumating ng order namin ay dumating na rin ang order ni Xayvion at umalis. That was the day I realized that Claudia likes him the way I've never really imagined. Buong akala ko, si Zain at Claudia ang may namamagitan pero mukhang nagkamali ako. Zain likes Claudia while she likes Xayvion! Poor, Zain. Mukhang hindi pa nakakaporma ay basted na. Hindi ko maitago ang kaba ngayong Lunes na at unang araw ng pasukan. Siguradong wala akong kilala ngayon doon hindi tulad sa unibersidad na papasukan ko sana sa Pangasinan. But I'll get used to it. Kaya ko naman. No one knows me here. "You sure you don't want me to go with you? Samahan lang kita kahit sa unang klase mo," ani Kuya habang nasa sasakyan kami. "Kuya, ano ba? Ano ako, nursery? Kinder? Kailangan may chaperone sa unang araw ng pasukan?" "Nakalimutan mo na bang iniyakan mo ako na sumama sa 'yo noong unang araw ng pasukan mo sa Pangasinan?" Uminit ang pisngi ko at napanguso. "Well, at least, I wasn't nursery or kinder when I did that! Kaya ko na ang sarili ko, okay?" Bago pa siya makapagsalita ay binuksan ko na ang pintuan sa aking gilid at lumabas. He rolled down the window on my side and looked up at me. Bahagya akong yumuko at kumaway. "Bye, Kuya! Love you." "Text mo ako kapag magpapasundo ka!" he shouted while I was walking away. Sa labas siya ng RSU nakaparada at kailangan ko pang tumawid sa kabilang kalsada papasok sa loob. Nilingon ko ang sasakyan ni Kuya na hindi pa rin umaalis. Nang makitang wala nang palapit na sasakyan sa direksyon ko ay tumawid na ako. Marami akong kasabayan sa pagpasok. No one knows me here. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang papasok sa may gate nang may humiklat ng braso ko. "Hey!" I turned around only to see a familiar face. Tall, medyo moreno, and lean body. He was wearing a black v-neck shirt and pants. Sinipat ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. May black and white siyang Nike baller band sa pulso. "Oh?" Ngumisi siya at pinasadahan ang buhok na undercut ang gupit. "Ikaw 'yon, 'di ba?" My lips parted and my eyes slightly widened. "'Yong namumundok!" Bahagya siyang tumawa. Damn! Napahawak ako sa dibdib kong kumalabog. I thought he was talking about the... Mabuti na lang at iyong sa unang kita pala namin ang tinutukoy niya. Tumango ako at umiwas ng tingin. "What's your name again?" he asked as he tried to find my gaze. Maitim ang kanyang mga mata at malalim ang bawat titig niya. His eyes were twinkling in hope that I'd tell him my name now. "Sorry, but-" Pinisil niya ang braso ko. "Sige na, Miss. Pangalan mo lang, promise. Gusto kong malaman..." "Bakit ba?" medyo irita kong tanong at binawi ang braso. "Syempre, gusto kita. Ano nga ang pangalan mo?" Nalaglag ang panga ko at bahagyang natawa. Ang bilis, ah? Akala mo naman ay seryoso. Lalong hindi ko sasabihin ang pangalan ko sa kanya kung iyon lang pala ang rason niya. Pero para tumigil... "Fine. My name is..." Lalong lumawak ang ngisi sa labi niya habang hinihintay ang karugtong. Maybe I can use my second name here. "Eona. That's my name," patuloy ko at tumango. Kinagat niya ang kulay pink na labi at tila nag-isip. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Ngayong natititigan ko siyang mabuti ay tila may naaalala ako sa mukha niya. "Eona..." Ngumiti siyang muli. "Ang ganda... parang ikaw." I rolled my eyes. Alam ko naman, sinasabi pa. "Echo nga pala. Inulit ko lang kasi baka kinalimutan mo na ako." He chuckled. "Hindi naman kasi worth remembering ang pangalan mo." "Aray." Humagalpak siya sa tawa at sinapo ang dibdib. "Ang harsh mo naman. Ganyan ba talaga kapag maganda? Mataray?" "Na-offend ba kita? Pasensiya na, ha. God bless." Amba ko na siyang lalagpasan nang humarang siya muli sa harapan ko. Naglahad siya ng kamay. I raised a brow and folded my arms against my chest. "Ano 'yan?" Hinawakan niya ang kamay at tila sinuri. "Ang tawag dito ay kamay. In english, hand. Sa isang kamay ay may limang-" "Dimwit. I'm asking why are you holding out your hand!" Humalakhak siya. "Ang taray mo naman, Eona. Makikipagkamay lang naman ako. Syempre, bagong friend... saka future jowa." "Tss. You got my name. Now, can you please leave me alone? May pasok pa ako. Ang laki mong harang sa daan." Tiningala niya ang direksyon ng RSU. "Dito ka pumapasok?" "Isn't it obvious?" "Oh. Sayang... sa Manila na ako pumapasok, e." "Buti naman." Ngumiti siya at nilingon ako. "Pero ngayong nandito ka, siguro ay mag-uuwian na lang ako." Nagpamulsa siya at sumipol. "Bye, miss mataray..." Sinimangutan ko siya bago tuluyang pumasok sa loob. Hindi naman ganoon kalaki ang unibersidad pero medyo magkakalayo ang mga building. Ilan lang din ang course nilang ino-offer pero mas kilala sa Education at Agriculture. I was alone at the back when I went in for my first subject. Karamihan ay may mga grupo na tila ba matagal na silang magkakilala. I felt so out of place. Noon, kahit saan ako magpunta ay may kasama akong kaibigan o ang buong circle of friends. Circle of friends? I chuckled. Circle of treacherous people, rather. Siguro mas mabuti na ring limitahan ko ang magiging kaibigan kung sakali. One is more than enough. All I want is an honest and loyal friend. Quality of a friend is better than the quantity of friends I may had. Aanhin ko ang maraming kaibigan kung sila rin pala ang manghihila sa akin pababa? They might have broken my trust but they couldn't break me. Pagpasok ng unang prof ay umayos na ang lahat. Nakalabas na ang binder at ballpen ko para handa. Akala ko ay walang papasok dahil unang araw pa lang naman. "Aba, ang fresh naman ng mga estudyante ko," nakangiting bungad ng babaeng propesor. "Good morning, Ma'am!" bati ng iba. Siguro ay nasa mid 30's na siya. Bago pa lang. She's pretty and sexy. Maputi at mahaba ang buhok. Humalukipkip siya at sumandal sa kanyang table. Pinaglaruan ko ang ballpen sa daliri at kinagat ang dulo nito habang pinagmamasdan siya. She smiled. "Gustong-gusto ko talagang pasukan ang first subject ko. Fresh na fresh lagi mga bata ko, e. Mukhang mababait pa." I don't know if she's nang-uuto or what. Naghiyawan ang mga kaklase ko. "Tatandaan ko kayo lagi. Ang mga fresh na mukhang 'yan?" Lumawak lalo ang ngiti niyan. "Ibabagsak ko 'yan." Muling nag-ingay ang mga kaklase ko pero halos mga ungol ng protesta na. "Ma'am Liza naman!" Ngumisi ako at isinulat ang pangalan niya sa notebook: Miss Fresh. Oh, well. I'm not afraid of having failing grades. Try me. "Okay!" Pumalakpak si Miss Fresh. "Bago ang lahat, para sa mga hindi nakakakilala sa akin, ako ang propesor niyo sa subject na ito. Obvious naman siguro. Ang pangalan ko ay Liza Soperano. Puwede niyo akong tawaging Miss Liza, Ma'am Liza, Miss Soperano-whichever suits you better. Huwag lang 'babe' o 'baby', ha? May nahuhuli akong tumatawag sa akin niyan tuwing may recitation. Pasensiya na, ha? Pero hindi ako pumapatol sa mga estudyante ko." Okay? Seryoso ba 'yon? "O kayo? Magpapakilala pa ba kayo?" Hindi ko alam kung sarkastiko ba ang tanong niya o talagang ganoon niya lang i-approach ang mga estudyante niya. She was smiling. Akala mo ay nasa pageant kung makangiti. "Hindi niyo pa po ba kami kilala, Ma'am?" sabi ng isang lalaki. "Sandali, nasaan pala ang mga uniform niyo?" "Miss Liza naman, adjustment period pa nga lang, e. Ba't kasi kayo pumasok agad?" Nagtawanan ang iba. "Mister... kung sino ka man, adjustment period pa lang pala, bakit pumasok ka rin?" Miss Liza was still smiling. "Para sa baon? Sa tropa? O sa crush mong nandito sa campus na hindi ka naman kina-crushback?" "Boom sabog!" Kinantiyawan siya ng mga nakpaligid sa kanya habang tumatawa. Miss Fresh roamed her eyes. Nakipagsagutan pa siya sa iba na para bang madalas niyang ginagawa. When it's our turn to introduce ourselves, I became conscious of what should I say later. Mabuti na lang at huli ako dahil sa harap nagsimula. "Good morning!" I greeted and smiled lightly when it's my turn. Tumahimik lahat kaya mas lalong dumagundong ang dibdib ko. Parang mas okay na nag-iingay na lang sila tulad ng sa mga nauna kaysa tahimik. "Luh, parang may kamukha ka," sabi ng nasa harapan ko at tinitigan pa ako. Can he not do that? Baka ang tinutukoy niya ay si Claudia. Pero dahil hindi ako nakilala agad, ibig sabihin ay posibleng hindi sila kilala ng kapatid ko. "My name is Leona Mercado. You can call me... Eona." Napahampas sa desk ang kanina pang nakatitig sa akin at tinuro ako. "Ikaw nga 'yon! 'Yong nasa video!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD