Chapter 7

4074 Words
Chapter 7 A week had passed since Zain invaded my room which is a very private place for me. Hanggang ngayon, paulit-ulit pa ring bumabalik sa memorya ko ang mga katagang sinambit niya sa akin bago ako tuluyang nawalan ng malay. "Ate, we're planning to hike. Sama ka?" anyaya ni Claudia isang araw. Sobrang bagot na ako sa bahay. Last Tuesday, nakapag-enroll na ako sa papasukan at ganoon din si Claudia sa napiling unibersidad. Hindi na pala siya pwedeng mag-enroll sa state university na papasukan ko dahil hindi naman siya nakapag-exam doon. Wala nang isang buwan bago magpasukan kaya maraming araw pa ang kailangan kong ubusin. I have nothing to do in the house, anyway. Kung hindi manonood, matutulog naman. Minsan nagdidilig kapag nakitang tuyot na ang halaman sa labas dahil walang umaasikaso roon. "Sinong mga kasama?" iyon agad ang tanong ko. She smiled shyly. My eyes narrowed and went back to watching the afternoon series airing right now. "Reah, Toni, Zed, Save and... uh, Zain," she enumerated slowly. Umirap ako at humalukipkip. Himala at sa loob ng isang linggo ay wala sa dalawang nakilala kong lalaki ang pumupunta na rito sa bahay. I was thankful, though. At least, payapa ang mundo ko. "Okay," tamad kong sagot sa kanya. "Okay?" ulit niya. "I'll go with you." Bakas sa kanyang bahagyang nanlalaking mata ang pagkabigla sa sagot ko. Nanatili akong tahimik at bumalik sa panonood pero mula sa gilid ng mga mata ay kita pa rin ang paninitig ni Claudia. "Sure, Ate?" she asked hopefully. Tumango lang ako. Ngumuso ako nang makita siyang napasuntok nang bahagya sa ere. Kahit hindi tinatanong, sinabi niya pa rin sa akin ang itinerary nila simula bukas ng madaling araw hanggang hapon. Kumunot ang noo ko roon. Akala ko ay hiking lang ang gagawin nila pero marami pa palang nakaplano at nalamang pumayag na pala sina Mommy at Daddy tungkol doon. Gusto kong bawiin bigla ang pagpayag pero natatakot akong umiyak na lang siya sa harapan ko. I don't want to disappoint Mommy, too, because she was expecting me to be closed with my twin after everything I've done. Inaantok pa ako bandang alas cuatro nang kumatok si Claudia sa kwarto ko. Nahiya naman ang alarm clock ko sa human clock kong kapatid. Inunahan niya pa talaga para lang masiguradong magigising ako. "Ate, maligo ka na. Ako nang bahala sa gamit mo." "Clau, mind your own things. I don't need your help here. Kaya ko nang mag-isa," mariin kong saad. She pouted her lips but then followed my order. Lumabas na nga siya ng kwarto habang ako ay papunta naman sa banyo para makapag-toothbrush at makaligo na rin. Inabot din siguro ako ng dalawampung minuto sa loob dahil nakipagtitigan at patintero pa ako sa malamig na tubig. Paglabas ko ng banyo, napalingon agad ako sa may bintana. Sinisigurado ko na talaga na naka-lock iyon at hindi na hinahawi pa ang kurtina. Nang masigurong safe ay saka ako nagbihis ng tank top at leggings. Nang matapos ang pag-aayos ng sarili at ng ilang gamit na dadalhin ay may kumatok na naman sa pinto. Hindi ko pa sinasabing pumasok ang kung sino man ay nauna na siya sa pagbukas nito. "Tapos ka na, Ate?" Ngiting-ngiti si Claudia habang nakasukbit ang itim na bag sa dalawang balikat. Nakasuot siya ng jacket, leggings at nakasapatos na rin. Ngumuso siya matapos akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumango ako at kinuha na rin ang bag na dadalhin. Tuwalya, extra clothes at slipper lang naman iyon dahil balak nilang maligo sa isang dam malapit sa bundok. "Ate, may extra jacket ako. Malamig pa ngayon kasi madaling araw. I can lend you mine," she offered. Napatingin ako sa suot ko. Hindi naman na ako masyadong nilalamig pero siguro ay tama siya. Hindi naman ako namumundok, e, kaya anong malay ko kung malamig doon o hindi mamaya. "Uh, may jacket ako. Kukunin ko—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ay may narinig na kaming busina ng sasakyan mula sa baba. Napatalon pa ako sa gulat. "A-ah, si S-Save na yata iyon, Ate. Kanyang sasakyan kasi ang gagamitin." Nagsalubong ang kilay ko at kinagat ang ibabang labi. Hinawakan ko na si Claudia sa pulso dahilan para mapaigtad siya. "May gising na ba kina Mom o Dad?" tanong ko habang hinihila siya palabas ng kwarto. Muli kaming nakarinig ng busina kaya mas nag-init ang ulo ko. Lintek na Xayvion! Humanda sa akin ang lalaking iyon mamaya. Hindi niya man lang ba naisip na baka may natutulog pa sa amin o sa kapitbahay? "Wala pa, Ate. Si Kuya, nasa kusina—" Halos kaladkarin ko na siya pababa. Si Kuya pa ang gising, ah? Magmamadre na lang talaga ako kung hindi pa siya nasa labas ngayon at hinahamon ang taong nagpapaingay sa umaga namin. "Ate? Teka, kukuha muna ako ng jacke—" I shot her a deadly glare. "Kung gusto mong matuloy 'tong plano niyo ngayong araw, lumabas na tayo. Ngayon na." Naguguluhan man ang kanyang itsura, nagpatangay na rin siya sa akin. Diretso akong naglakad palabas sa bukas na gate at naririnig na ang pagtaas ng boses ni Kuya sa kung sino man ang kausap niya. Naabutan naming kinukuwelyuhan ni Kuya Kaius si Xayvion na nakataas ang dalawang kamay, para bang sumusuko. Binitiwan ko si Claudia at hinila sa braso si Kuya para palayuin sa kaibigan ng kapatid namin. "Kuya, that's enough," marahan kong sinabi dahil namumula na ang mukha niya. Salubong ang kilay at mariing nakatikom ang kanyang mata nang tumingin sa akin. "Pagsabihan mo ang gagong 'yan!" mura niya sabay hampas sa hood ng SUV. "Kuya!" Claudia called. "I already said sorry, okay?" singit ni Xayvion. I glared at him. Hindi nagustuhan ni Kuya ang tabas ng kanyang dila kaya sumugod na naman. Pareho na kami ni Claudia ang pumipigil sa kanya ngayon. Napahilamos ako sa mukha dahil sa iritasyon. Hindi ko nga lang alam kung dahil kay Kuya Kaius o kay Xayvion. Mabilis kasing mag-init ang ulo ni Kuya kapag umaga lalo na kung pagod siya galing sa trabaho. Hindi pa nakakatulong na presko pa kung sumagot ang kausap niya. "Kuya, hayaan mo na, please..." ani Claudia. "Balik ka na sa loob, Kuya. Aalis na kami..." "Pinapaalis mo ako?" balik ni Kuya sa mataas pa rin na boses. Ngumuso si Claudia. "Kuya, hindi, kasi kami ang aalis. Sabi ko, pasok ka na po sa loob," parang tutang sabi niya. I saw Xayvion's bit his lower lip, as if stifling a laugh. Nang makita niyang tinitingnan ko siya ay agad na umiwas ng tingin sa akin at bahagyang kumunot ang noo. I then noticed that his hair isn't waxed like Son Goku. Umawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang ngayo'y maikling buhok niya. He cut his hair? Ba't naman kaya? Sayang 'yon, ah! Hindi ko na tuloy siya matatawag sa kanyang nickname na ako lang ang nakakaalam. Lumingon ulit siya sa akin kaya ako naman ang umiwas. Hinawakan ko sa braso si Kuya kaya nasa akin na ang atensyon niya. "What, Aisa?" medyo iritado pa ring tanong niya. "Aalis na kami. Pasok ka na sa loob." "Isa ka pa! Pinapaalis mo rin ako?!" Ano bang problema nito ni Kuya? Anong pinapaalis ang sinasabi niya? Pinapapasok lang siya sa loob dahil aalis na nga kami. Sila yata ni Claudia ang kambal, e. Ang kulit. "Bahala ka riyan, Kuya! Edi 'wag kang pumasok! Manigas ka rito." Umirap ako at tinalikuran siya. Hinila ko na si Claudia para pumasok sa loob ng sasakyan ni Xayvion. "Hadassah!" sigaw ni Kuya na hindi ko pinansin bago kami pumasok sa backseat ng Trailblazer. Sumilip ako sa likuran at nakita roon ang ilang gamit at bag. Binuksan ni Claudia ang bintana at balak na yatang tawagin si Xayvion nang magsalita ang huli. "Kuya—" "Huwag mo akong matawag-tawag na Kuya at hindi kita kapatid, gunggong!" "Pare..." "Nang-aasar ka ba?" Ngumisi ako bago pumikit at humilig sa upuan. Kuya Kaius is just so hot-tempered. Ganoon na siya noon pero parang mas naging mainitin yata ang ulo niya these past few days. Napapadalas na rin yata ang pagsasabi niya ng hindi magandang salita. Mabuti't hindi naririnig ng magulang namin. Mom might have a heart attack if she heard him throwing bad words at someone like a cussing machine. Nang marinig ang pagbukas-sara ng pinto ay dumilat ako. Lumingon sa amin si Xayvion at nagkatinginan kami. Tumikhim siya at binuhay na ang makina. Tahimik naman si Claudia sa aking tabi. "Next time, don't push our brother's mad botton," I lazily informed him. Sumilip siya sa rearview mirrow. "I didn't know he's awake." "Hindi gising sina Mommy kaya si Kuya ang gumising para sa amin," ani Claudia. "Bakit ba kasi bumubusina ka pa? Alam mo namang ang aga-aga pa. Okay na sana ang isa, pero umulit pa talaga?" Umirap ako. He chuckled. "Isa para sa inyo, isa para sa gagong nakatira sa tabi ng bahay niyo." Just as he said those words, someone from the outside knocked the car's window. Bumukas iyong pinto sa tabi ng shotgun seat at pumasok ang amoy bagong ligo na si Zain. "Good morning!" bati ni Claudia, ngiting-ngiti agad. Lumingon sa kanya si Zain. "Morning, Clau... Hadassah," bati niya sabay lingon sa akin. I looked away after slightly nodding my head. Xayvion groaned on his seat. "Bakit ako, walang good morning?" pabiro niyang tanong sabay sulyap ulit sa rearview mirror. "f**k you," mura ni Zain sabay batok sa kaibigan. "Tanga, 'di ikaw kausap ko!" Nagpatuloy sila sa pag-aaway habang nagti-text ang kapatid ko. Sumilip ako sa kanyang cellphone kaya napatingin siya sa akin, bahagyang nakanguso. "Sinong ka-text mo?" I asked curiously. "Si Reah, Ate," sagot niya sabay tingin sa harap. "Save, diretso na raw tayo sa may terminal. Magkakasama na raw ang iba." "Alright!" Higit kinse minutos yata ang inabot ng biyahe namin bago nakarating sa tinutukoy nilang terminal. Aniya'y malapit na iyon sa paanan ng tatlong bundok na aakyatin namin. They called it Trilogy. Magkakatabi iyon at kapag natapos mo akyatin lahat sa isang araw lang, makakakuha pa ng certificate ng pag-akyat mo roon. Iyon ang sabi ni Claudia. May mga tindahan ng mga gamit pang-hike at souvenir doon. Hinigit ako ni Claudia sa isang tindahan kaya naiwan ang dalawang lalaking kasama namin. "Bili tayo gloves, Ate!" she said, smiling. Tumango na lang ako. Nilapitan kami ng tindera para tanungin kung anong bibilhin. Pumili naman ako ng rubber gloves na may butas sa dulo ng mga daliri para kahit paano, makakahinga sila. "Magkano po rito?" "Singkwenta pesos lang iyan," sagot ng tindera. "Dalawa po kunin namin. Magkano po 'yong scarf ninyo?" tanong ni Claudia habang may itinuturo. "Isang daan sa scarf. Ilan ba?" Pinigilan ko nang bumili si Claudia dahil hindi naman masyadong kailangan iyon. Ngumuso na lang siya at binayaran ang gloves na binili. Napatingin ako sa loob ng tindahan nang pumasok ang tindera. May malalaking dream catcher ang naroon na parang ang gandang i-display sa loob ng kwarto. "Tara na, Ate!" Nagpatangay ako kay Claudia pabalik sa puwesto ng SUV. Natigilan lamang nang makita ang isang pamilyar na babae at dalawang hindi pamilyar na mukha. Sa tabi ng SUV ay may dalawang malaking motor na may helmet na nakasabit sa manibela. "Reah!" tawag ni Claudia sa kaibigan. Unti-unti akong lumapit sa grupo. Nakapamulsa si Xayvion at ni hindi man lang lumingon sa direksyon namin. Ang tingin naman ni Zain ay nakatuon lang sa kapatid kong naglalakad palapit sa kanila ngayon. They greeted each other while I remained my distance from them. Nahihiya akong lumapit dahil hindi ko naman sila kilala at ganoon din sila sa akin. Reah was fumbling on her phone while the other girl who has same height beside her was now talking to Xayvion. Nakahalukipkip naman ang isang lalaking kasingtangkad ni Zain at tumatango sa sinasabi ng aking kapatid. Napatalon pa ako sa kinatatayuan nang tinawag ako ni Claudia. Nilapitan niya ako at hinila palapit sa mga kaibigan. "Ate, these are my other friends. Toni..." Nilahad niya ang babaeng katabi ni Reah. "Zed, Zain's cousin..." Ngumiti ako nang tipid sa kanila. Morena, balingkinitan, may hanggang balikat na buhok at maganda iyong Toni. She somehow reminds me of my friends back then because of her skin. Meanwhile, Zed looks rather intimidating than Zain. Matikas din ang pangangatawan, may matangos na ilong, may pagkamestiso, at mapupula ang mga labing hindi man lang ngumingiti. Magpinsan nga. "Toni, Zed, this is Ate Hadassah," patuloy ni Claudia. Bahagyang kumibot ang labi ko. "Aisa na lang. Nice... uh... meeting you." "Hello! Galing naman! Magkamukhang-magkamukha pala talaga kayo, 'no? No wonder..." Ngumiti si Toni at nilingon ang kaibigang bagong tabas ang buhok. Kumunot ang noo ko, hindi nakuha ang sinasabi niya. Zed smirked and looked at me. "Nice to meet you, Aisa," he lazily drawled and offered his hand. Saglit ko iyong tiningnan. At least, he wasn't as rude as his cousin... Tinanggap ko iyon at ngumiti. Matapos iyon ay nag-register na kami para sa aakyating mga bundok. Hindi ko alam kung magkano iyong binayad nila para sa tour guide namin dahil ang mga lalaki ang nag-ambagan para doon. Balak ko sanang mag-ambag din para hindi nakakahiya kaso ay pinigilan na ako ng kaibigan ni Claudia na si Toni. "Let them pay. Minsan lang 'yan manlibre! Mga kuripot." Tumawa siya. Mukhang narinig iyon ni Xayvion dahil lumingon siya sa amin. "Sinasabi mo riyan, Antonnieta?" Natigilan sa pagtawa si Toni at agad binatukan ang kaibigan na siya ngayong tumatawa. "Buwisit ka talaga!" Nagsimula na silang mag-asaran doon habang palabas kami sa hall kung saan nagbayad. Minsan ay sumasali si Reah at pinagtutulungan nila si Xayvion. And ending, lumayo sa kanila si Xayvion at tumabi sa akin. "Kairita mga 'yon!" sabi niya sabay tingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay at hindi na siya pinansin. Nang dumating ang tour guide ay nagkaroon muna ng saglit na introduction. He introduced himself as Mark. Nagsabi rin siya ng impormasyon tungkol sa tatlong bundok na aakyatin namin: Mt. Apunto, Canigin, at Dumagundong. "Mamaya niyo na lang suotin ang gloves kapag nasa mabatong bahagi na tayo. Pwede niyo na ring suotin pero mas maganda kung mamaya na dahil mainit sa kamay." After ng prayer, nagsimula na kaming umakyat sa paanan mismo ng Mt. Apunto. Aniya'y kambal ang bundok na iyon at ang Canigin. Sa gitna ng Apunto, may daan na pwede na kaming umakyat papunta sa Canigin nang hindi na tuluyang bumababa pa para hindi mahirap. Nangunguna sa pag-akyat ang aming tour guide. Sumunod sina Reah at Toni, kaming dalawa ni Claudia at sa likuran namin ay ang tatlong lalaki. Napahimas ako sa magkabilang braso nang umihip ang hangin. Ayan, sleeveless pa more, Aisa! Buti pa ang mga kasama namin, may mga manggas ang suot. E, ako, expose pa pati kili-kili. "Sabi ko sa 'yo, Ate, kumuha tayo ng jacket, e..." "Mamaya mainit na rin kaya ayos na 'to. Ikaw? Wala ka bang damit dyan sa loob ng jacket?" "Sports bra, Ate. Ganito lagi suot ko kapag hiking namin. Para presko." What? Sports bra lang? And here I thought she's very conservative! Hindi naman pala. But... she's got a point so... "Kuya, marami na bang sumubok ng Trilogy? Mga ilang oras ang pinakamabilis na umakyat at bumaba?" rinig kong tanong ni Toni sa guide. "Marami na rin. Hindi lang sigurado kung ano ang pinakamabilis kung sa lahat. Pero sa mga nahawakan ko, dalawa't kalahating oras." Wow! Ganoon kabilis para sa tatlong bundok na ito? I'm sure they were boys! Nang matarik na ang dinadaanan ay pinasuot na sa amin ang gloves. May isang beses pa na muntik madulas si Reah pero mabuti na lang at naroon ang guide para tumulong. Tumigil kami sa unang stopover dahil hinihingal na raw si Reah. May upuang gawa sa kahoy at may ilan ding namamahinga roon. Tumayo ako at pumunta sa tindahan na nandoon para bumili ng binebentang buko pandan. "Mahina! Kahit kailan!" pang-aasar ni Xayvion kay Reah. "Manahimik ka nga at susuntukin ko 'yang mukha mo!" "Weak!" "Tubig, Claudia?" Napatingin ako sa kapatid kong nakaupo at nakikipag-usap sa tour guide. Nasa harapan na nila si Zain at naglalahad ng isang itim na tumbler sa kapatid ko. "Thanks!" Ngumiti si Claudia at tinanggap iyon. Napatingin ako sa buko pandan na binili ko. Malamig iyon. Napagtanto kong hindi muna yata dapat ako uminom ng malamig dahil wala pang laman ang tiyan ko. Unti-unti kong binaba ang hindi pa nagagalaw na inumin. Tumalikod ako at balak sanang bumili na lang ng tubig nang may humawak sa braso ko. Napaigtad ako at halos mapamura nang matapon nang tuluyan ang buko pandan. Iritado kong nilingon si Xayvion. "Ano ba?! Natapon tuloy!" galit kong saad kahit pa wala naman na akong balak inumin ang buko pandan. Hindi ko alam kung bakit hinihingal ako habang tinitingnan siya. Kumunot ang noo niya at napatingin sa lupa kung saan natapon ang inumin. "I'm sorry. Ibibili na lang kita—" "Huwag na! May pera ako para bumili!" Napataas ang boses ko sa irita. Umatras siya at bumuntong hininga. He licked his lips before looking around us. Uminit ang buong mukha ko nang makitang nakatingin na sa amin ang mga tao dahil sa lakas ng sigaw ko. "Alright, then. You don't really have to... shout," marahang sabi niya. "Ate? Anong nangyayari?" Lumapit na si Claudia dala ang tumbler ni Zain. Padabog kong itinapon sa basurahan ang plastic cup. Nagulat pa ang tindero sa akin noong lumapit ako sa maliit niyang tindahan. "Pabili pong tubig. 'Yong hindi malamig!" "Ilan? Maliit o malaki?" "Ate, 'wag ka na bumili. May tubig akong dala. Dalawa iyon," ani Claudia na sumunod pala. Tiningnan ko siya bago dumako sa hawak niyang lagayan ng inumin. May dala pala siyang tubigan, bakit tinanggap niya pa iyong hindi kanya? Umismid ako. "Huwag na at baka kulang pa sa 'yo iyon." Binayaran ko na ang biniling tubig. Nagpatuloy na rin naman kami sa pag-akyat ng bundok. Ngayon, nasa unahan na si Zed kasama ang dalawang babae. Ang babagal kasi nila kaya tumutulong na si Zed sa guide na alalayan sina Reah at Toni. "Ay!" Tumili nang bahagya at tumawa si Claudia nang muntik madulas sa isang bahagi. Mabilis namang dumalo si Zain sa kanya pero lumayo rin agad nang makitang ayos naman na ang kambal ko. "Oh? Ano? Ayos lang kayo riyan, girls?" tanong ni Mark na nasa unahan. "Okay lang po!" Claudia giggled at her own clumsiness. Napailing ako. "Buti pa si Kuya, kahit nauuna, hindi pa rin tuluyang nang-iiwan!" sabi ni Reah sa harapan namin. "Kaya dapat kayong mga babae, maghanap kayo ng tour guide na mamahalin. Makasisiguro kayong hindi namin kayo iiwan." Tumawa si Mark. "Tama!" sang-ayon ni Toni. "Kuya, baka may kakilala ka pang guide din? Reto mo kami!" "Marami akong kilala. Mamaya, sige," patol ni Mark sa sinasabi ng mga babae. "Ako rin! Hanapan mo, Kuya!" si Claudia sabay tawa. "Si Ate Aisa rin!" Nagtawanan sila roon habang nag-uusap. "Bilisan niyo naman! Baka hindi maabutan ang sunrise!" sigaw ni Xayvion sa likuran namin. "Napakaepal nito. Kuya Mark, hanapan mo nga rin ng tour guide iyan! Naiinggit yata," tukso ni Toni. Tumigil kami saglit sa isang maliit na parang kuweba. Nagkayayaan silang mag-picture doon kaya naman si Mark, tatlo-tatlong phone ang hawak habang kinukuhanan ang mga babae. Hindi sana ako sasama kaya lang ay hinigit na ako ni Claudia. "Claudia..." "Ate naman, bawal KJ! Picture lang tayo." Matapos naming mag-picture ay nag-group picture naman kaming lahat. Isang beses lang iyon dahil nauna na umalis ang mga lalaki. "Huy, baka mawala kayo!" sigaw ni Claudia pero mahina naman. "Hindi naman sila mawawala. May mga kasabay naman sila saka titigil din iyan kapag alam nilang sobrang huli na tayo," sabi ko. Wala pang alas sais nang marating namin ang unang peak. Marami nang naroon at inaabangan ang pasikat na araw. Marami ring kumukuha ng buwis-buhay na litrato sa mga bato roon. "Patapusin lang muna natin sila tapos sunod na kayo roon," sabi ni Mark habang tinuturo ang mga nagpapa-picture. Mayroon siyang kinausap na ibang tour guide. Claudia and her girl friends were already taking pictures of the view. Nang matapos ang ibang hikers, isa-isa naman kaming nagpa-picture. Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang magandang tanawin. Kahit mahamog ay nakikita pa rin naman ang pasikat na araw at ang kabilang bundok pati na ang nasa ibaba nito. Makikita sa paanan ang mahabang ilog na mula sa dam na pupuntahan namin mamaya. Medyo masakit na rin ang binti ko pero nang makita ang ganda mula sa tuktok, mabilis iyong napawi. Totoo talaga na matapos ang hirap at sakit, may ginhawang kasunod. "s**t! s**t! Wait lang, Kuya!" nanginginig na sigaw ni Toni habang kapit na kapit sa batong tinutungtungan. I couldn't help but to laugh at her. Panay cheer sa kanya sina Reah at Claudia habang inaasar naman siya ni Xayvion. Inaalalayan naman siya ng guide para hindi magkamali. "Pota ka, Save!" mura ulit niya habang sumusubok tumayo roon sa dulo ng bato. It was actually a challenge by the boys for the girls. Pahiga iyong bato at sa dulo nito ay dapat pumuwesto sila roon at nakatayong mag-pose at picture. Isang maling tapak lang ay paniguradong hulog siya sa napakataas na bundok. "Game na!" sabi niya nang sa wakas ay nakatayo na. Sunud-sunod kaming kinuhanan ng litrato. Hindi ako sanay sa matataas na lugar pero nakayanan ko naman dahil may tumutulong. Mukhang sanay naman na si Claudia sa ganoon habang kinukuhanan siya ni Mark gamit ang kanyang phone. May ilang kuha rin kami na magkakasama. Nang tinanggal ni Claudia ang kanyang jacket at nilapag sa batuhan kung saan nakalagay ang mga bag namin, nagtawanan sila. Umupo muna ako sa isang malaking bato roon na hindi matulis at uminom ng tubig. Pinanood ko si Claudia na hinihila si Zain para mag-picture. Ngumuso ako nang makitang hindi man lang siya ngumingiti sa camera. "Suplado talaga," bulong ko habang tinatali ang buhok kong dumidikit na sa balat ko dahil sa pawis. "Pwedeng makiupo?" Nilingon ko ang lumapit na hindi kilalang hiker. He was brightly smiling at me while pointing the space beside me. Umusog naman ako bago tumango. "Go on. Hindi ko naman pagmamay-ari ito," sabi ko na lang. He chuckled after he sat a few inches away from me. "Kambal mo ba iyong naroon?" Tinuro niya ang puwesto ni Claudia. "Isn't it obvious?" sarkastikong balik ko bago umirap. Tumawa na naman siya. "Hmm... sila ba? Bagay kasi sila." Ano ba 'yan? Bakit ang daming tanong nito? Ni hindi ko nga kilala pero kung makasagap ng tsismis, akala mo friends kami. "They're not together," sagot ko na lang at tumayo para umalis na. "Tapos bagay naman tayo," aniya at kumindat. I looked at him grimly. Guwapo naman pero halatang babaero. "Biro lang. Napansin ko lang, ang sweet ng babae roon sa lalaki, e. Saka 'yong mga tingin at hawak ng lalaking kasama niya sa kanya, halatang may gusto sa kambal mo." "O, tapos?" Ngumisi siya. "Sungit mo naman. Anong pangalan mo?" "Wala kang pakialam." "Ang haba naman. Ako, 'di mo tatanungin?" "Wala akong pakialam." Humagalpak siya sa tawa. "Echo nga pala. Echo Rivera pangalan ko sa f*******: para hindi ka na mahirapan pa." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago tumayo at hinarap ang may pangalang Echo. May sasabihin pa sana ako nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran ko. "Hadassah, let's go. Kanina ka pa tinatawag ng kapatid mo," malamig na sambit ni Xayvion. Echo stood up then laughed. Nanatili ang tingin niya sa akin. "Oh, your boyfriend is here. Sorry, dude." Hinawakan ako ni Xayvion sa braso kaya napatingin ako roon. "Hindi ko siya boyfriend," I told the stranger coldly. He only smirked and looked at the guy who was holding my arm still. "Hindi naman pala boyfriend..." parang nang-aasar niyang sinabi. "What are you trying to say?" Umabante bigla si Xayvion. Hinawakan ko siya sa braso at hinila na palayo roon. Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking iyon pero mas mabuting ilayo na agad si Xayvion bago pa niya masapak iyon. Masyado siyang nagpapabigat kaya hindi ko siya mahila palayo roon. Humakbang ako patalikod para mas mahila siya lalo nang may natapakan akong medyo may kalakihang bato at dumulas. Napabitaw ako sa braso ni Xayvion at napapikit para indahin ang sakit na paparating. Pero bago tuluyang mangyari iyon, may matigas na bagay na ang pumulupot sa baywang ko. At imbes na lupa ang mahalikan ko, sa malambot at mainit na bagay dumampi ang mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD