TW: harassment, explicit language. Chapter 33 "Huh?" I stuttered. "You mean... y-you want us to break up?" Biting his lower lip, he shifted his gaze on my hand that was still in the air. Umiling siya at napahawak sa batok. Mapaklang ngiti ang iginawad niya. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya noong sinabi mong ipakikilala mo na ako sa magulang mo bilang boyfriend mo, Eona." Ibinalik niya ang mapupungay na mata sa akin. Nagbara ang lalamunan ko at hindi makapagsalita. Nakangiti siya kahit ang mga mata ay naluluha. "U-umasa ako, e. Sabi ko... ito na. Sa wakas... magiging legal na tayo sa pamilya mo. Hindi na natin kailangan magtago. Hindi mo na kailangang magsinungaling sa magulang mo. Pero..." Nabasag ang boses niya. Suminghap ako at binasa ang labi. Napayuko ako at agad hinawi ng

