Episode 41 R-18 Dominic `Dona’ Nambria’s POV “Ayos na ba lahat ng gamit namin, Stevan?” tanong ni Paul kay Stevan na nag-aayos ng maleta namin sa likod ng van. “Opo, boss. Maayos namin na inilagay,” sagot nito kay Paul. Hawak ni Paul ang kamay ko. Nakasuot siya ng puting polo na nakabukas ang tatlong butones sa itaas at khaki short. Kita ang kaunti niyang buhok sa dibdib niya kaya gusto ko tuloy takpan ang dibdib niya. Ang suot ko naman ay highwaist na pantalon at long sleeve na off shoulder na kinulang sa tela. Paano ba naman kasi, kitang-kita na ang tiyan ko. Hindi nga sana ito ang susutin ko kaya lang si Francesca nagpunta sa penthouse ni Paul kanina kasama ang boyfriend niya at pilit na pinasuot sa akin ang ganitong damit. “Good,” sambit ni Paul. Ipinalibot niya ang braso niya

