THIRD PERSON'S POV Pagod na nahiga si Voughn sa kama niya matapos niyang ihatid si Synesthea sa kwarto nito. Gusto pa siya doon patulugin ni Synesthea pero tumanggi siya, sa totoo lang ay naaakit siya na pumayag pero sa sama ng tingin ni Vincent sa kanya ay alam niyang ayaw nito ang ideya na makitulog si Voughn sa kanila kaya kahit gusto niya ay wala naman siyang magawa. Napabuntong hininga siya at napangiti ng makita ang message sa kanya ni Synesthea. From: My Wife Are you home? Mag rereply palang sana si Voughn pero agad ng tumunog ang cellphone niya at gustong makipag face time sa kanya si Synesthea. Napailing na lamang si Voughn at agad na sinagot ang tawag, bumungad ang nakangusong si Synesthea sa kanya. "Ang tagal mo sumagot. Are you texting someone?" Napatawa naman si Voughn

