Missing Synesthea VOUGHN'S POV Agad akong naalimpungatan ng maramdaman kong may kumakalikot ng buhok ko. Agad kumunot ang noo ko at napadilat ng mata, agad na bumungad sa akin ang nakangiting si Synesthea. Nakaayos na siya at lahat lahat at sa tingin ko ay late na kami sa school dahil mataas na rin ang araw. "Good morning, my husband." Agad niya akong hinalikan sa labi at hindi ko iyon napigilan dahil dinadaganan niya ang kanang braso ko. Lumapad ang ngiti niya sa akin ng makita ang masama kong tingin. "Hihihi bumangon ka na diyan, we're late." Tumayo ito at nag madaling pumunta sa pintuan at bago niya iyon isinarado ay nag flying kiss pa siya sa akin bago mabilis na isinara sa pinto. Nakasara na ang pinto ng nahagis ko ang unan ko. Napailing na lang ako at nag ayos na rin. Halos isan

