"Damn it! Hanapin n'yo ako papatay sa inyo kapag hindi n'yo nakita ang asawa ko." gigil na gigil na sigaw ni Dwight habang kausap sa phone ang bodyguard ng asawa. Gamit ang chopper ni Sevy na hiniram kahit masama ang panahon ipinilit n'yang bumalik sa Manila, kakauwi lang n'ya ng maka receive ng tawag mula sa isa sa bodyguard ng asawa at sabihin nitong nasa hospital daw ang mga ito nag pasama daw si Hanna. Ang sabi daw ng asawa saglit lang ito kaya nag pahintay na lang ito sa main entrance ng hospital pero kanina pa daw nila hinahanap si Hanna na check na daw ng mga ito ang CCTV at nakitang sa kabilang entrance lumabas ang asawa n'ya at kitang parang wala sa sarili si Hanna na basta na lang daw sumakay ng Bus na biyaheng Lucena. Sinubukan na i-track ni Railey ang asawa pero bag lang nito

