Halos lumipad ang mukha ko sa sampal na sinalubong sa akin ni Lolo sa bungad ng pintuan. Hindi ko alam ang dahilan ng biglaang pag-aasik ni Lolo. Lumapit na lang siya at sinampal ako nang napakalakas. Mangiyak-ngiyak kong hawak ang pisngi sa gulat. Unang beses niya akong pinagbuhatan ng kamay. "Papa!" sigaw ni Mommy sa gulat. Nasa hagdanan siya at nagulat sa ginawa ni Lolo. "Wala kang pinagtulad sa nanay mo! Mas masahol ka pa dahil anak pa ng matinding kalaban ko kinarelasyon mo!" Alam na niya? Makikita mo sa mga mata ni Lolo na ang galit. Nanlilisik at namumula pa ang mga mata niya habang titig na titig sa akin. Umiigting ang kanyang mga panga habang gusto na namang manapal ang nakakuyom niyang mga palad. Paano niya nalaman ang sa amin ni Alfe? Walang ibang tao sa birthday ng d

