Chapter 13

1054 Words
Bella POV Hindi sumagot si Ayah kaya tinignan ko kung naputol ba ang tawag ngunit konektado pa ang tawag. Tinapos ko na ang tawag dahil alam kong wala pa siya sa katinuan ngayon. Pupuntahan ko na lang siguro siya sa hospital paniguradong nag-iisa lang siya roon. Pero saang ospital dinala si Tito Cael? Agad na sumagi sa aking isipan ang isa sa kakilala ko na kapitbahay nila Ayah, agad ko itong tinawagan at makalipas ang ilang ring ay sinagot na nito ang tawag. "Hello, Bella napatawag ka?" "Itatanong ko lang sana kung alam mo ba kung saang ospital dinala si Tito Cael?" "Nabalitaan mo rin pala ang nangyari kay Mang Cael. Sa totoo lang hindi ko alam e, sandali at itatanong ko sa nanay kong chismosa." "Sige, maraming salamat." "Nasa NovaMed General Hospital." "Thank you." Agad akong umalis dala ang aking wallet at cellphone. Pagkarating sa ospital ay kaagad akong nagtanong sa information desk ng ospital. "Kaano-ano niyo ang pasyente?" tanong ng nurse na naka-assign sa information desk. "Kaibigan ako ng anak niya." "Nasa emergency room pa siya ma'am. I suggest maghintay na lang po kayo sa waiting area." "Saan banda ang waiting area?" tanong ko dahil baka maligaw ako kapag hinanap ko ito ng mag-isa o hindi kaya ay matagalan ako sa paghahanap malaki pa naman ang ospital na ito. "Diretsohin niyo na lang po itong kanan tapos kumaliwa kayo pagdating sa gitna katapat na po iyon ng emergency room." turo niya sa direksyon ng waiting area "Thank you, nurse." Pagkarating sa waiting area ay nakita kong nakatulala si Ayah na lumuluha. kaagad ko siyang nilapitan at niyakap para pagaanin ang pakiramdam. “Tahan na, Ayah. Magiging maayos din si Tito. Everything will be alright. Manalig lang tayo sa Panginoon.” Ilang oras ang lumipas na paghihintay ay bumukas ang emergency room. Napatayo naman agad si Ayah at nagtanong sa kalagayan ng kanyang ama. Tahimik na nakaalalay ako sa kanya dahil mukhang hindi maganda ang sa sabihin ng doktor. "Doc, kamusta na po ang lagay ng Papa ko?" nag-aalalang tanong ni Ayah “He’s stable now, ngunit hindi ito nangangahulugang ligtas na siya sa kapahamakan, dahil mukhang may iba pang karamdaman ang ama mo bukod sa sakit sa puso.” seryosong wika ng doktor "W-What do you mean doc?" garalgal na tanong ni Ayah "Tatapatin na kita Ms. Laurel fifty/fifty ang lagay ng iyong ama. Kapag naging mabuti na ang kanyang kalagayan ay magsasagawa kami ng panibagong test para tignan kung ano pang sakit ang meron siya. Sa ngayon ay hindi namin pwedeng isagawa ang surgery sa puso niya." Nanginig ang kanyang mga tuhod dahil sa narinig kamuntik na itong mapaupo kung hindi lang ako nakaalalay. Natuon ang atensyon namin sa nurse na nagmamadaling pumunta sa gawi namin. "Doc, hinahanap po kayo ni Doc buenaventura." "Excuse me." "Salamat, doc." nagpasalamat ako, tumango naman ang doktor at nagpaalam na aalis na siya. Ayah POV Naluluhang pinagmasdan ko ang aking ama, maraming aparato ang nakakabit sa kanyang katawan. Hindi ko inaasahan na darating ang sandaling ito. Sa aking isipan ay paulit-ulit na bumabalik ang tanong: bakit pinahintulutan ng Panginoon na mangyari ito? Mabait at maalaga ang aking ama, kaya bakit sa lahat ng tao… siya pa? Bakit siya pa ang kailangang dumanas ng ganitong paghihirap? "Ayah, kumain ka muna binili ko ang paborito mong siomai rice." inilapag ni Bella ang dala niyang supot na may lamang pagkain. “Paano ko magagawang kumain gayong nakahiga si Papa, nakakabit ang iba’t ibang aparato sa kanyang katawan? Para bang bawat pagkain na aking isusubo ay may kasamang bigat ng konsensya. Nasasaktan akong makita siyang ganito ang kalagayan—at kung maaari ko lamang akuin ang lahat ng sakit na kanyang pinapasan, matagal ko na sanang ginawa.” muling nagsilabasan ang aking mga luha. Napabuntong hininga ako ng malalim matapos magbayad ng aming hospital bill at naupo sa upuan malapit sa fire exit. Saan ako kukuha ng pera, wala ng natira sa ipon ko hindi rin sasapat ang laman ng emergency fund ko. May balance pang natira sa bayarin namin dito sa hospital lalo iyon na dagdagan dahil nagsagawa sila ng bagong test at may nakita sila na bagong sakit. Hindi pa nasasabi ng doctor kung ano ito pero base sa kanyang reaksyon ay hindi maganda ang lagay ng aking ama. Lord, bakit mo pinaparanas sa amin ito? Kenric POV Nandito ako ngayon sa hospital ni Keegan at kasalukuyang papunta sa opisina niya dahil may kailangan akong i-discuss sa kanya bago umalis. Napahinto ako sa paglalakad nang may makitang pamilyar na mukha nakaupo ito malapit sa fire exit. "Sir? Okay lang po ba kayo?" napalingon ako kay Xavier na nasa loob na ng elevator "Yeah, let's go" sagot ko at sumakay na sa elevator Pagkarating sa opisina ni Keegan ay agad kaming pumasok at hindi na kumatok. Ngunit napatigil kami dahil sa naabutang kalat sa loob ng opisina at may mahihinang ungol na nanggagaling sa loob ng cr. G*g* talaga dito pa nagkalat. Napailing na lang ako at minabuting lumabas muna ng kanyang opisina kaysa magtagal pa sa loob at marinig ang pangit nilang mga ungol na parang asong lobo. "Ah…Sir magkape na lang po muna tayo sa tapat nitong hospital." Suhestiyon ni Xavier na halatang naiilang sa nakita at narinig mula sa opisina ni Keegan. "Mabuti pa nga kaysa marinig ang napaka pangit nilang ungol." Ani ko at nauna nang maglakad. To Keegan: Bilisan mo maglabas ng init sa katawan at may kailangan tayong pag-usapan. Pagkatapos magpadala ng mensahe sa tigang na si Keegan ay pumasok na kami sa loob ng isang kilalang coffee shop rito sa isla na madalas ring puntahan ng mga empleyado sa hospital. Makalipas ng ilang oras ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Keegan. From Keegan: Sorry, ang tagal mo kasing dumating e. Hindi na ako nakatiis. To Keegan: So kasalanan ko pang tigang ka? Ano tapos na kayo? From Keegan: Oo, akyat na kayo rito. Ginala ko ang paningin sa loob ng office niya at napansing malinis na at na para bang walang milagrong nangyari kanina. "Have a sit." turo ni Keegan sa sofang nasa unahan ng kanyang office table. Naupo ako sa gitnang bahagi ng sofa at sa gilid ko naman umupo si Xavier. "What are we going to talk about?" tanong ni Keegan na ngayon ay seryoso na ang itsura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD