THE FAILED MISSION EPISODE 46 “A-Alessandro, anong ginagawa mo rito?” hindi ko makapaniwala na tanong nang makita ko si Alessandro sa harapan ng aking kwarto ngayon. At bakit siya nakapasok sa loob ng aming bahay? Wala ba si Peter sa labas? Dahil kung nandito si Peter sa bahay, hindi makakapasok ang lalaking ‘to rito. Humakbang palapit sa akin si Alessandro at nagulat na lang ako ng bigla niya akong siniil ng halik sa aking labi. Nanlaki ang aking mga mata at hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hinawakan ni Alessandro ang aking bewang at isinandal niya ako sa may pader at siya na rin ang nagsara ng pintuan ng aking kwarto. Napapikit ako sa aking mga mata at naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha. Kumapit ako sa batok ni Alessandro at hinalikan ko siya pabalik. Yes, I kisse

