THE FAILED MISSION EPISODE 51 “PLEASE! PLEASE… Tama na. Wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo. Biktima lang ako rito!” umiiyak at pagmamakaawa kong sabi. Nasa lugar ako na pagmamay-ari ng mga Coleman. Siguro ay ito na ang Coleman Security Agency. Nasa isang kwarto ako na walang kabuhay-buhay at nakaupo ako sa isang silya at nakagapos ang aking mga paa at kamay. Siguro ay dito nila dinadala ang mga nadadakip nila at ang kanilang susunod na gagawin ay walang iba kundi… ang pumatay. “Gusto mo ba talagang masaktan, huh?! Binaril mo si Ma’am Alessandra!” galit na sigaw ng babae na nagtatanong sa akin kanina. Tinignan ko rin siya ng masama. Kanina ko pa sinasabi na hindi ako ang bumaril kay Alessandra. Sinabi ko na e-check nila ang mga CCTVs doon sa labas ng Coleman Mansion, pero nasira

