Chapter 3

1422 Words
PRECY Tahimik na nakaupo ako dito sa backseat, habang mabilis ang takbo ng sasakyan. Katabi ko si Aryan, hindi siya mapakali at kung sino-sino ang kanyang tinawagan. “What do you want, Mr. Finland?” Narinig kong matigas at aroganteng tanong ni Aryan ng sagutin niya ang nag-ring na cellphone. "You know how much I despise arguing with incompetent human beings like you!" Mariin akong napapikit, sabay hugot ng isang malalim na buntong-hininga, para kumalma, dahil halos mapugto ang paghinga ko dahil sa napakabilis at malakas na tîbok ng puso ko. Pinili kong huwag makinig sa mga sinasabi ng asawa ko, para huwag ng mag-isip ng kung ano-ano. Mas lalo lamang kasi akong kinakabahan at nakakaramdam ng takot, kapag ganito ang naririnig ko, pero hindi ko naman kayang iwasan, dahil katabi ko lang si Aryan. Kulang na lang ay magsumiksik ako sa gilid ng pintuan at bintana ng sasakyang sinasakyan namin ngayon, para hindi niya ako makita, kahit alam ko naman na imposible ito, dahil magkasama kaming dalawa sa loob. "This will be the last time you will have the courage to call me just to plead for your worthless son,” mapanganib ang tinig na sabi ni Aryan sa kausap. “Your son committed a grave mistake. He assaulted my wife and harmed her. Do you think I'd just sit there and watch her in pain?" Napalunok ako. Kung hindi ko alam kung ano talaga ang papel ko sa buhay niya ay baka isipin kong totoo at sincere si Aryan sa kanyang sinabi sa tatay ng lalaking nambastos sa akin kanina. Kung makapag-salita siya sa kausap ay para bang mahal na mahal niya ako at aakalain ng kung sinong nakakarinig sa kanya na isa siyang protective at mapagmahal na asawa. Para bang ayaw niya akong nasasaktan, pero siya naman ang unang-una na nananakit ng damdamin ko. “No deal for his madness, Mr. Finland. I won't trade anything just because you want me to spare your son's life and your entire clan!” Malinaw na naririnig ko ang lahat, pero nagkunwari akong bingi at walang pakiramdam sa nangyayari sa paligid ko. Ito ang gusto ni Aryan. Hindi ako pwedeng kumilos at magsalita kung hindi niya sasabihin sa akin. Kung ayaw kong makarinig ng masakit na salita mula sa kanya ay kailangan kong magkunwari na hindi ako nag-eexist sa paligid niya. Napapikit ako ng marinig ko ang malutong na mura ni Aryan. Nakakatakot talaga siya kapag nagagalit gaya ngayon. Alam kong sa nangyari kanina ay hindi siya titigil hangga't hindi niya nadudurog ang lalaking nanakit sa akin. Ginagawa niya ito, para ipakita sa lahat, kung sino siya at kung ano ang kaya niyang gawin kapag kinalaban siya Ganito rin ang ginawa ni Aryan sa pamilya ko ng matuklasan niya ang ginawang panloloko ni Gwyneth sa kanya at nalaman niya na sinaid na pala ng babaeng iyon ang milyones na laman ng kanilang joint account. Maging ang mga negosyo na pinagkatiwala ni Aryan kay Gwyneth ay nalugi. Nalulong sa sugal si Geneva at ng dahil sa kanila ay naging magulo ang lahat. Iniwan nilang bankrupt ang kompanya ni Aryan, gano'n rin ang mga negosyo ni daddy. Pareho silang nagtiwala sa mabulaklak na mga salita ng mag-inang iyon. Nang naubos ang pera at yaman na meron silang dalawa ay iniwan ni Geneva si daddy, kasama ang kanyang driver at gano'n rin ang ginawa ni Gwyneth sa lalaking katabi ko Hindi siya sumipot sa araw ng kanilang kasal. Madaling araw pa lang ay tumakas na sina Geneva at Gwyneth dahil inakala nilang dalawa na naghihirap at wala ng pera si Aryan, pero ang hindi niya alam ay isa palang billionaire ang lalaking katabi ko at tinago lamang ang tunay na katauhan. Hindi niya sinabi kay Gwyneth ang kanyang real identity, para protektahan ang babaeng iyon sa kanyang mga kalaban sa negosyo. Gano'n kamahal ni Aryan ang stepsister ko, pero lahat ng ‘yan ay hindi binigyan ng halaga ng walang-hiyang iyon. Nagkunwari si Aryan na isang underrated businessman, dahil ayaw niyang matakot sa kanya ang stepsister ko na nagkukunwaring inosente at hindi makabasag pinggan, pero wala siyang ideya kung gaano kawalanghiya ang babaeng pinoprotektahan niya. Ang stepsister ko nag-setup sa akin, kaya pati ako ay nakaranas ng matinding galit ni Aryan. Pangalan at pekeng pirma ko ang ginamit niya sa mga undertable na transaction sa kompanya. Ang alam ng asawa ko ay ako ang dahilan, kaya tuluyang nalugi ang kanyang kompanya dahil nagnakaw ako at winaldas ko ang pera Nang dahil doon ay inakala ni Aryan na kasabwat rin ako ni Gwyneth para lokohin siya. Kung alam ko lang sana noon na gano'n pala ang mangyayari ay hindi ko sana tinanggap ang posisyon na binigay sa akin ni Gwyneth. Ang akala ko ay nagbago na siya at sincere sa pakikipag-ayos sa akin noon, kaya tinanggap ko ang trabahong binigay sa akin ng stepsister ko, pero ginamit lang pala ako ni Gwyneth, bilang scapegoat sa kanyang mga kasalanan. Ako ang nadiin at mag-isang humarap kay Aryan at nagbabayad ngayon sa kanilang mga kasalanan, habang malaya silang dalawa ni Geneva. Palihim na sumulyap ako kay Aryan. Matigas pa rin ang kanyang ekspresyon, katunayan na galit pa rin siya. Hindi ako kumibo at piniling yumuko na lamang. Dahil hindi ko kayang tiisin ang matinding sakit na nanunuot sa paa ko ay dahan-dahang hinubad ko ang mataas na sapatos na suot ko. Namamaga na pala ang bukong-bukong ko. Hindi maikakaila na na-sprain nga ang buto sa paa ko, kaya hirap akong igalaw ang binti ko. Wala kaming kibuan ni Aryan, hanggang nakarating kami dito sa bahay. Agad siyang bumaba nang pagbuksan siya ng pintuan ng kanyang bodyguard at walang lingon-likod na iniwan ako sa loob ng sasakyan. Ilang lunok muna ang ginawa ko, bago sinubukang bumaba ng kotse. Mataas ang sasakyan na sinakyan namin ni Aryan, kaya nahirapan ako, pero tiniis ko, hanggang tuluyang lumapat sa sahig ang mga paa ko. Impit na daing ang kumawala sa labi ko nang itapak ko sa sahig ang mga paa ko. Napakasakit talaga at kulang na lang ay mangapos ang paghinga ko sa tuwing iika-ika akong humahakbang papasok sa loob ng bahay, bitbit ang pares ng sapatos na hinubad ko. Walang lumapit sa akin kahit isa sa mga tauhan ni Aryan dahil hindi niya sinabi na tulungan ako. Naiintindihan ko naman sila, dahil katulad ko ay ayaw nilang magalit ang kanilang amo kapag nakita ni Aryan na may kumausap sa akin ng wala siyang pahintulot. Sila ang saksi sa hindi magandang relasyon naming mag-asawa ni Aryan, habang magkasama kami sa iisang bubong. Kahit minsan ay wala kahit isa sa kanila ang nagtangkang magtanong at lumapit sa akin para kumustahin ako. Iginala ko ang nag-uulap na mga mata ko sa malaking bulwagan ng bahay nang pumasok ako. Larawan ito ng mataas na status sa buhay at karangyaan ng lalaking pinakasalan ko. Malaki, maluwag at maganda, pero mabigat ang aura sa buong kabahayan, dahil kahit minsan ay hindi ko man lang nakitang ngumiti si Aryan. Minabuti kong tumuloy sa silid na tinutuluyan ko. Halos hatakin ko ang mga paa ko, para lang makapasok sa loob at makapag-pahinga na. Hindi kami nag-sasama bilang normal na mag-asawa ni Aryan. Sa master bedroom siya sa second floor tumutuloy, habang ako naman ay dito sa maliit na silid na alam kong maids quarter, pero hindi na ako nag-reklamo, dahil pabor sa akin na malayo sa kanya at halos hindi kami nagkikita araw-araw. Dito sa apat na sulok ng maliit na silid na ito ay natagpuan ko ang sandaling katahimikan kapag mag-isa ako. Mas mabuti na rin na dito ako nakatira, dahil kung hindi, siguradong palaboy-laboy na ako sa lansangan, dahil gagamitin ni Aryan ang koneksyon, para walang kompanya ang magtatangkang tumanggap sa akin. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Minabuti kong hubarin ang damit na suot ko at maligo na rin. Nangangati na kasi ang balat sa mukha ko dahil sa makapal na makeup na nasa balat ko. Hirap man, pero ginawa ko pa rin ang usual routine ko. Mas mabilis akong makaramdam ng pagod ngayon, dahil hirap na hirap akong kumilos, pero pinilit ko, dahil walang ibang gagawa ng mga ito kung ‘di tanging ako lamang. Dala na rin ng pagod, hindi lang ng katawan kung ‘di mentally at emotionally ay nakatulog ako. Nakalimutan ko na nga ang kumain ng hapunan, dahil hindi ako makaramdam ng gutom. Mas nanaig ang matinding sakit na nararamdaman ko, kaya minabuti kong matulog na lang at umaasa na bukas pag-gising ko ay hindi na ganito ang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD