CHAPTER 18 - Pregnant Rumor

4743 Words
> Bumalik na kami sa mga kasamahan namin. Hiyang hiya ako at hindi makatingin sa kanila habang sila ay alam kong nakatitig sa aming dalawa ni Stefan. “What was that?” naguguluhan na tanong ni William. “Sabi ko sa inyo eh!” kinikilig na sabi ni Giana, lumayo naman si Avery sa kanya. “Isa pang hampas mo sa braso ko, Giana! Itong bote na ang tatama sa ulo mo.” gigil namang banta ni Avery habang hinihimas ang braso nya.  Naupo si Stefan sa tabi ni William habang ako ay nanatiling nakatayo. “Bro. ano yung kanina?” ulit na tanong ni William. Tumingin sa akin si Stefan at marahan akong hinila kay napaupo ako sa mga hita niya. Kumapit ako sa leeg nito at namumulang tumingin sa mga kasamahan namin. Hindi ko mawari kung ngingiti ba ako sa kanila o magtatago nalang sa hiya. “Woah!” manghang reaksyon ni Avery at William. “So it’s for real?” kinikilig na dugtong ni Avery. “Yes. Wala eh. Tinamaan ako.” sagot ni Stefan, shrugging his shoulders sabay halik sa aking braso,  “Nice. Let’s celebrate it!” maligayang sabi ni Giana. “F*ck yeah! We need to celebrate it.” sang ayon ni William, “Iba ang tama nitong kaibigan ko.” tawa niya. ---- Lunes. Unang araw din ng pasukan mula ng matapos ang sembreak. Sobrang ingay sa classroom dahil kanya kanya sila ng bida sa kanilang bakasyon. Tumingin ako sa grupo ni Shandra na nagkukwentuhan at nakakalong ito kay Rufus. WOW! Hindi ko na ikagugulat ito dahil noon ko pa naman alam na may gusto talaga itong si Shandra kay Rufus. Kaya nga galit na galit ito sa akin… I mean kay Meghan. Nakita ni Shandra ang pagpasok ko, mas lalo itong pumulupot kay Rufus at hinalikan ito. Tinugon naman ni Rufus ang halik na iyon habang nakatingin sa akin. Sus! Akala naman niya ay mamamatay ako sa selos. Umirap lang ako sa kanya at nagpatuloy sa aking upuan. Dumating naman si Stefan at William. Sinalubong ko ng matamis na ngiti si Stefan at ganun din siya sa akin. Tinapik pa nito si William bago ang madaling tumabi sa akin. Tumingin ako sa kanya at babati sana ng good morning pero sinunggaban niya ako ng mababaw na halik.  “Good morning, Love.” kinuha nito ang kamay ko at iyon naman ang pinapak ng kanyang halik, “I love you.” Nagulat kaming lahat sa biglang pagdadabog ni Rufus saka ito lumabas ng classroom. Humabol naman si Shandra. Muli akong tumingin kay Stefan at pigil na tumawa. Pagkatapos ng tatlo naming subject ay sabay sabay kaming lima na nagtungo sa cafeteria para kumain ng tanghalian at pagkatapos noon ay sabay na din kaming bumalik sa susunod naming klase. Nagpaalam muna ako sa kanila na sasaglit lang ako sa CR dahil kanina ko pa pinipigil ang ihi ko. Pag pasok ko ng comfort room ay naabutan ko si Shandra doon na may hawak sa kamay at takot na takot itong nakatitig doon habang umiiling.  “Okay ka lang?” untag ko sa kanya na labis niyang ikinagulat. Agad nitong itinago sa likod niya ang bagay na iyon sa kanyang likod saka pinunasan ang luha. “Mind your own business.” mataray niyang sabi. Lumapit ako sa lababo at pinatong doon ang bag ko. “Okay.” sagot ko saka ito inabutan ng tissue mula sa aking bag.  Tinignan lang niya ito saka ako inirapan. “I don’t need your help, Meghan. Just leave me alone!” Asik niya. “Okay. Relax.” Suko ko saka pumasok sa cubicle dahil ihing-ihi na ako.  Pagkatapos ko ay lumabas na ako at wala na doon si Shandra. Ibinalik ko ang tissue ko sa bag at bumalik na sa aming classroom. Nasa pinto palang ako ngunit masaya ng nagdiriwang ang iba kong mga kaklase kaya lumapit ako kay Avery para magtanong. “Anong meron?”  “2 Subjects tayong vacant tapos sabi ni Sir De Jesus ay hindi na din daw siya magkaklase since last class natin sya so uwian na.” sagot nito. Ngumisi ako. Tatabi sana ako dahil may dalawa pa akong kaklase na nagmamadaling lumabas at sa pagmamadali ko din na tumabi ay natabig pa din niya ako kaya naman nalaglag ang bag ko sa sahig at nagkalat din ang iba kong gamit. Lumuhod ako para pulutin ang mga ito ngunit laking gulat ko ng mapatingin ako sa puting bagay na katabi ng wallet ko. May pumulot nito kaya habol ko itong tiningnan. Shiiit! “What is this?” malamig na tanong ni Stefan at kunot noo itong nakatitig sa pregnancy test. Dahan dahan akong tumayo at kagat labing umiling. “OMG!” Gulat na reaksyon ni Giana, “A-Are you pregnant?” “Congrats bro! Magiging tatay kana!” tawang sabi ni William at tinapik ito sa balikat. Kinakabahan akong tumingin sa mga kaklase kong nagbubulungan ganun kay Shandra na namumula ang mga mata. Lumunok ako at muling pumaling kay Stefan na ngayon ay nakangiti na sa akin. Huminga ako ng malalim at nag-aambang magsalita para itanggi iyon pero mabilis na pinulot ni Stefan ang mga gamit ko sa sahig saka niya ito binitbit hila-hila ako. Inalalagayan pa ako nitong humakbang sa hagdan hanggang makarating kami sa kanyang kotse. Ingat na ingat siya sa akin. Napapailing nalang ako but at the same time ay kinikilig. Kinabit nito ang seatbelt ko ng mailagay na ang mga bag namin sa backseat. “Stefan-” “Kailangan mong magpacheck up ngayon.”  “No. Hindi ako buntis, Stefan.” mahinahon kong sabi sa kanya. Seryoso itong pumaling sa akin, “It’s says positive.” “Oo nga pero hindi sa akin ang test kit na iyon. Hindi ko alam kung paano napunta iyon sa bag ko pero hindi iyon sa akin at tsaka kailan lang tayo…” hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin dahil nahihiya ako sa salitang iyon, “Ano… Diba? Kailan lang naman tayo nag ano, kaya imposible na mabuntis agad ako.” nahihiya kong dugtong. Yumuko ito at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha. Tumango lang siya sa sinabi ko. “You’re right. Masyado akong nasabik sa ideyang magkakaanak na tayo,” tipid itong ngumiti saka bumaling sa akin, “But we didn’t use any protection kaya hindi malabong makabuo tayo.” Lumunok ako sa sinabi niya. Tama sya! Shiiit!  Muli akong lumunok at pumaling sa unahan ng sasakyan. Kinakabahan akong humawak sa tiyan ko. Paano kung magbunga nga ang ilang beses naming pagtatalik ni Stefan? Hindi pa yata ako handa lalo na sa sitwasyon ko. Paano kung malaman niya ang totoo? Maaring kamuhian niya ako ni Stefan at ang magiging anak namin.  Hindi ko kaya! Mababaliw ako. “What’s with that face?” Punong puno ng pagdududa ang boses niya maging ang mga mata nito na nakatitig lang sa akin. Tipid akong ngumiti at umiling sa kanya, “N-Natakot lang ako.” “Saan?” “Doon sa sinabi mo kanina. We are still young, marami pa tayong-” Humalakhak ito kaya naman hindi ko na tinapos ang sasabihin ko. “Ang lakas ng loob mong biruin si Mommy tungkol sa apo ha? Tapos ay hindi ka naman pala handa. It’s okay. I can wait pero oras na may mabuo, you have to tell me. Handa ka man o hindi.”  Lumunok ako at tumango. Mukhang kailangan ko na gumamit ng birth control nito. “I know what you were thinking, Love. You don’t have to use birth control.” ngumisi ito. Namilog ang mga mata ng balingan ko sya. “At balak mo talagang…” hindi ko tinuloy ang sasabihin ko at bumuga nlang ng malalim na hininga. OMG!  “I’m just helping you.” sagot nito at inistart ang makina ng sasakyan. “Helping me with what?” taka ko namang tanong. Kailan pa ako nangailan ng tulong sa pagbubuntis? Gag0 ba sya? Humalakhak ito ng malakas. “With your new collection.”  Hinampas ko ito sa braso saka ko siya inirapan, “Baliw!” maktol ko. Pinaandar na nito ang sasakyan. Akala ko ay ihahatid na niya ako pauwi pero iba ang direksyon na tinatahak namin ngayon. “Saan tayo pupunta?” “Gagawa ng una nating koleksyon.” biro nya saka ito humalakhak kaya naman hinampas ko ulit ito sa braso. “Umayos ka nga! Saan kasi?!” “Surprise.” sagot nito at kumindat pa s akin. ---- Dinala ako ni Stefan sa isang farm restaurant dito sa tagaytay. Hapon na kami nakarating kaya maginaw at mahangin na ng ganitong oras. The best ang bulalo nila dito, tamang tama sa malamig na panahon.  “So kanino itong pregnancy test? Bakit nasa bag mo?” basag ni Stefan sa katahimikan. Tumingin muna ako sa napakagandang landscape nitong garden saka ngumiti sa kanya at niyakap ang braso nito dahil sa ginaw. “Wala akong idea, pero sa tingin ko ay kay Shandra iyan.” sagot ko. Tumingin ito sa akin at ibinato sa kung saan ang PT.  “That b*tch. She’s bullying you again?” Inis nitong sabi. “Mukhang hindi. Naabutan ko kasi siya kanina sa CR na umiiyak habang nakatitig sa PT nya. I offered her a help pero nagalit lang siya sa akin kaya pinabayaan ko na. Baka palihim niyang inilagay iyon sa bag ko.” kwento ko. “Inilagay niya iyon dahil gusto niyang ikaw ang pag-usapan sa campus. She’s crazy! Ang akala ba niya ay iiwan kita kapag nalaman kong buntis ka?” Mapang-uyam itong tumawa, “It’s not gonna happen. Pakakasalan pa kita.” dagdag nito. Kinikilig akong ngumiti sa kanya. Pinulupot ko ang kamay ko sa kanyang baywang at sumubsob sa kanyang dibdib. “Mahal na mahal kita, Stefan.” sambit ko at tumunghay sa kanya. He grabbed my face and passionately kissed me. Ang halik niyang nagpapainit sa buo kong katawan sa kabila ng malamig na panahon. We ended up in his car, eagerly kissing each other.  Nakaupo ako sa mga hita niya habang kinakalas ko ang butones ng kanyang polo.  Hindi ako natatakot kung may makakita man sa aming dalawa dito sa parking lot. Tinted naman ito at isa pa... gustong gusto ko na angkinin ako ni Stefan ngayon. I want him. Hinubad ni Stefan ang uniform ko at marahan akong hinalikan sa leeg pababa ng aking dibdib.  Tinanggal din niya ang aking bra at pinaglaruan ang aking dibdib gamit ang kanyang kamay at dila. I started moaning softly. "I can't believe we are going to do it here." Anas ko.  Mahinang tawa ang narinig ko mula kay Stefan. Inalis na nito ang mga natitira ko pang saplot sa katawan at sinunod niya ang kanya. Kagat labi akong lumiyad ng maramdaman ko ang pagpasok ng kanya sa akin. Masakit pa din talaga. Huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang mga nag-aalab na halik ni Stefan na talaga namang nagpapabaliw sa buong sistema ko. Bawat dampi ng mga labi niya sa akin ay nanlalambot ako.  "Yes, Love." sambit ni Stefan ng magsimula akong gumalaw sa kandungan niya. Mabagal lang ang pagtaas at baba ko dahil may hapdi pa din akong nararamdaman, "Faster." Utos niya na agad ko namang sinunod. "Keep doing that, Love. F*ck!" ungol niya habang nilalaro ang mga umbok ko sa harapan.  May pinihit ito sa ilalim ng kanyang upuan hanggan sa bumaba ang sandalan ng kanyang upuan. He took control, nagpalit kami ng pwesto. He parted my legs, kumapit ito sa malalambot kong hita saka niya pinasok ang kanya. Kagat labi akong umungol.  "Stefan," anas ko at kinabig ang batok nito para halikan kong muli ang kanyang mga labi, "Deeper." utos ko sa kanya. Pabilis ng pabilis si Stefan kaya naman palakas din ng palakas ang ungol namin.  “Ahhh! It feels so f*cking good."  Hindi tinigilan ni Stefan ang dibdib ko at mas bumilis pa ito kaysa sa kanina.  "I’m so close." he moaned. Kapwa mabigat ang paghinga namin. Bumalik ang mga halik nito sa aking leeg paakyat sa aking labi. Once again... his juices come out inside me.  Good luck nalang talaga Seraphina! Ang hirap maging marupok sa mga halik at haplos ni Stefan. Bumagsak ang pawis at mainit nitong katawan sa akin. Niyakap niya ako saka ako pinaulanan ng mababaw na halik. "You make me feel so slvtty tonight." bulong ko sa kanya. Humalakhak ito at muli akong ginawaran ng halik sa labi. "You are lovely and amazing, my love."  --- Hinatid ako pauwi ni Stefan. Hinalikan muna niya ako ng ilang minuto bago niya ako payagan na bumaba.  “I love you! Good night, Love.” Sasagod pa sana ako ng marinig ko si Daddy na umubo. Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Nakatayo ito sa entrada ng bahay. Inanyayahan niyang pumasok si Stefan sa loob para makausap at feeling ko ay alam ko na kung bakit.  Malamang ay tungkol iyon sa kumakalat na balitang buntis ako. Gustong umiyak ni Mommy habang pinagmamasdan ako na nakaupo sa sofa katabi si Stefan.  “Totoo bang buntis ka, Meghan?” malamig na tanong ni Daddy. Mariin akong umiling, “Daddy, Maniwala po kayo… Hindi po akin ang PT na iyon. May naglagay lang sa bag ko. Hindi po ako buntis.” paliwanag ko. Hinawakan ni Stefan ang nanlalamig kong kamay. “Totoo po ang sinabi ni Meghan, Tito Elmiro… At kung totoo man po na buntis nga sya ay hindi ko na po hahayaan na malaman pa ninyo iyon sa iba. Ako po mismo ang magbabalita noon sa inyo.” mas humigpit ang paghawak ni Stefan sa kamay ko, “I'm hopelessly in love with your daughter. I love her more than anything... and I want to marry her if we are both ready.” Tumingin ako kay Stefan. Pigil akong ngumiti ng tingnan din niya ako. “Well, then, I’ll tell you what. I may become your father-in-law, that’s just fine. Mga bata pa kayo, marami pa ang pwedeng mangyari. Slow down mga anak… Huwag kayong magmadali dahil marami ang nagkakamali sa pagmamadali. Hindi naman sa ayaw ko magka-apo agad, it’s just too early for that. Are we clear?”  “Opo.” Sabay namin na sagot ni Stefan. “I got your point, Tito. Makakaasa po kayo.” dagdag ni Stefan.  Bahagyang kumunot ang noo ko pero binawi ko din agad. Sinungaling! Kanina lang ay sinabi niyang huwag akong mag birth control dahil may balak siyang taniman ang tyan ko. Ang plastic!  I scoffed. “Good. Then welcome to the family.” Maligayang sabi ni Daddy. Tumango naman si Mommy. “Thank you po.” nakangiti naman na sagot ni Stefan. “I am so relieved! Kanina pa akong hindi mapakali noong malaman ko ang balitang buntis ka, anak.” Wika ni Mommy. Huminga pa ito ng malalim. “Tama ang Daddy mo, anak.”  Tumango ako kay Mommy, “Sorry po kung pinag-alala ko kayo.” “Stefan, Hijo. Huwag mo sanang sasaktan ang kaisa-isa kong anak.” pakiusap ni Mommy. Ngumiti si Stefan at muling pinisil  ang kamay ko, “Hindi ko po gagawin iyon sa anak nyo. Baka nga ako pa po ang saktan niya,” Makahulugan itong tumingi sa akin. Nasamid tuloy ako sa sarili kong laway.  Tumawa ang mag-asawang Mercedez, “Pagpasensyahan mo na din hijo kung may katigasan ng ulo ang batang yan. Maging ako'y sumusuko minsan sa kapilyan ng anak ko.” sabi ni Dad. Tumawa si Stefan, “Iyan po ang hinding hindi ko magagawa,” muli na naman itong tumingin sa akin, “Ang sukuan siya.”  Pigil na naman akong ngumiti. Kilig yarn? “Naku! Ikaw talagang bata ka. Escajeda ka nga. Dinadaan mo sa mabulaklak na salita ang aking anak.” biro ni Mommy. --- Katatapos ko lang maligo at ng maglagay ng aking mga skincare sa buong katawan. I have a kiss mark all over my chest. Ang hilig talaga mag iwan ng marka ni Stefan. Napapailing nalang ako habang nakatulala sa kisame. Malakas na tumunog ang cellphone ko, nakangiti akong gumapang palapit sa aking bedside table sa pag aakalang si Stefan iyon, ngunit si Dok Albert pala.  Lumunok ako ng ilang beses saka huminga ng malalim bago ko ito sagutan. “Yes, Dok Albert?” “I heard about the news. Totoo ba na buntis ka? Kalat na kalat ang balitang ito ngayon sa buong kumpanya ng mga Escajeda. I will be the happiest man alive if that is true. So… Totoo ba, Phina?” Kinagat ko ang daliri ko habang pinaghahandaan ang magiging reaksyon nito kapag sinabi ko na hindi iyon totoo. “H-Hindi. M-May naglagay kasi ng-” “You are still a useless b*tch, Seraphina!”  “I-I’m sorry… Gumagawa naman ako ng paraan. Sinusunod ko naman lahat ng iutos mo. Hindi naman po madali ang gusto nyong mangyari.” nanginginig ang boses kong sabi. “Eh kung patayin na lang kaya kita? Iyon… ‘yon ang mas madali iyon dahil wala din naman yata akong mapapala sayong babae ka!” Hindi ako sumagot. Tumulo ang mga luha ko sa takot kagat ang aking mga daliri.  “Inamin mo na ba sa lahat na hindi totoo na buntis ka?” tanong nito. “O-Opo..." “Stup*da! Kung hindi ba naman mahina yang kokote mo! Sana ay pinandigan mo nalang na buntis ka!” Gigil na singhal sa akin ni Dok Albert.  Galit na galit ito at paulit ulit akong minura at inalipusta. Kung nasa harapan lang siguro niya ako ay baka hindi lang mura at lait ang natanggap ko mula sa kanya. “I will look for sp3rm donor for you at kailangan mong bawiin ang mga sinabi mo sa kanila. Sabihin mo na natakot ka lang kaya hindi ka umamin agad.” “P-Pero natatakot akong-” “Shut your g0ddamn mouth and just do what I say! Gusto mo bang sapilitan ko pang itanim sayo ang bata dyan sa tyan mo sa marahas na paraan? I can easily hire someone to rap3 you, Phina. Huwag mo akong subukan!” banta nito. Nangatog ang buong katawan ko sa takot. Binaba ko ang tawag saka humagolgul ng iyak. Takot na takot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag umamin ako kay Stefan ay kamumuhian niya ako, ganun din kapag umamin ako sa mga mercedez. Hindi ko na alam kung kanino ako lalapit. Hindi ako pwedeng magtiwala na lang basta-basta. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kung sakaling gawin nga ni Dok Albert ang sinasabi niyang marahas na paraan upang mapadali lang ang mga pinapagawa niya sa akin. Kinabukasan ay nagtungo ako sa kumpanya ng mga Escajeda para dalhin ang regalo ni Daddy kay Tito Miguel. Hindi alam ni Stefan ang pagparito ko at hindi ko din naman inaasahan na nandito siya.  “Maraming salamat dito, Hija. Sabihin mo ka Elmiro na salamat at gustong gusto ko itong regalo niya sa akin.” maligayang sabi ni Tito Miguel. “Wala pong anuman. Makakarating po ‘yung mga sinabi ninyo kay Dad.” nakangiti kong sagot saka tumayo, “Hindi na din po ako magtatagal. Maiwan ko na po kayo. Have a nice day ahead, Tito.” paalam ko at yumakap bago ako tuluyan na lumabas ng opisina niya. Naglalakad ako sa hallway ng matigilan ako dahil nakita ko si Dok Albert na nakatingin sa akin. Nanlilisik ang mga mata at may pasa ito sa mata at gilid ng labi. Para itong bagyo na lumapit sa akin saka niya ako kinaladkad patungo sa kanyang opisina. Mabuti nalang at walang nakakita sa amin. Tinulak niya ako sa loob at malakas na sinampal. Namanhid ang mukha ko sa lakas tama ng palad niya sa aking pisngi. Hinaplos ko ang mukha ko at umiiyak na tumingin sa kanya. Lumapit siya sa akin at pinisil ang aking pisngi. “Hayop kang babae ka!” Tinulak niya ako saka sinikmuraan. Naupo ako sa sahig dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman. Hindi ako makahinga. Gumapang ako para layuan siya pero malakas naman niya akong sinipa at tumama ito sa tagiliran ko. “Kayang kaya kitang patayin ngayon dito! Hay0p ka!!!” asik niya. Pinagdaop ko ang aking mga palad at sumubsob sa sahig para magmakaawa. Hindi ko alam kung ano ang ikinagalit niya sa akin. Alam kong hindi lang ito dahil sa pag-uusap namin kagabi. “P-Parang awa mo na.” iyak ko. Hinila niya ang buhok ko para iharap sa kanya ang aking mukha. “Kung hindi dahil sa akin ay bulok ka na sana sa kulungan o baka pinatay kana ng mga kamag-anak ng tatay mo! Tapos ito pa ang igaganti mo sa akin?! Tell me why you have to tell Stefan about what I told you last night? F*cking tell me? Siguraduhin mong makukumbinsi ako sa sagot mo upang hindi ko tapusin yang buhay mo!” hingal nitong sigaw sa akin. Umiling ako ng paulit ulit habang nag mamakaawa.  “H-Hindi ko sinabi kay Stefan. H-Hindi ko alam ang s-sinasabi mo. M-Maniwala ka.” hagulgol ko. “Sa tingin mo maniniwala ako sayo?” tumawa ito, “Nakikita mo ba itong mga pasa ko sa mukha? Dahil ito sa putangin@ng Stefan na yun! Sinugod niya ako sa bahay kagabi kasama ang mga tauhan niya para bugbugin ako! Sinabi niyang layuan kita kaya sabihin mo sa akin kung paano akong maniniwala sayo?! Huh?!”  “H-Hindi ko talaga sinabi sa kanya. N-Nagsasabi ako ng totoo. H-Hindi ko magagawa yun sayo. S-Sayo lang ang l-loyalty ko. Please… Maniwala ka.” iyak ko at niyakap ang binti nito, “P-Parang awa mo na. M-Maniwala ka.” paulit ulit kong sabi.  Huminga ito ng malalim at hinila ang buhok ko para tumayo ako. “Kung hindi mo sinabi sa kanya ang mga plano natin, then para saan ang mga banta niya sa akin kagabi?”  “H-Hindi ko alam. S-Seloso si Stefan. B-Baka pinagseselosan ka nya.” garalgal kong tugon. Hindi ito nagsalita. Mukhang nag iisip.  Hindi ko talaga alam ang sinasabi ni Dok Albert. Bakit ko naman aaminin kay Stefan ang mga bagay na kinatatakutan kong mangyari? Shiiit! H-Hindi kaya alam na niya ang totoo? “Hindi kaya alam na niya ang totoo?” mahina kong wika. “Kung alam na niya ang totoo sa tingin mo bubuhayin nya pa tayong dalawa? Baka kagabi palang ay lumulutang na ang bangkay natin sa ilog. Kilala ko ang hayop na yun! Maaaring tama ka, baka dala nga lang iyon ng selos.” kalmado nitong sagot. Tumingin ito sa akin at mahigpit na kumapit sa braso ko, “Pero oras na malaman ko na tinatraydor mo ako, hindi lang ikaw ang papatayin ko kundi lahat ng mahal mo sa buhay! Tandaan mo yan!” tinulak niya ako palayo sa kanya. “A-Alamin ko kung ano ang mga nalalaman ni Stefan. Susubukan kong alamin kung bakit niya ginawa yan sayo.” nanginginig kong sabi. “You should. Now, fix yourself and get the h3ll out of my sight!!!” sigaw niya kaya tumakbo na ako palabas ng opisina niya.  Dumaretso ako sa CR. Yumuko ako ng may dalawang empleyado akong nakita sa loob. Diretso agad ako sa cubicle. Hinintay ko na umalis ang dalawang babae bago ako lumabas. Pinagmasdan ko ang miserable kong sarili sa salamin. Mabila ang kaliwa kong pisngi at dumudugo ang labi ko. Gulo ang aking buhok. Tinaas ko ang damit ko at nakita ko doon ang pasa sa aking tagiliran. Sobrang sakit nito. Kumuha ako ng tissue sa bag para punasan ang aking mga luha pati na din ang sariwang dugo sa aking labi. I fixed myself, pero hindi maitatago ng mga pasa ko ang dinadas ko kanina. Paano ko maitatago itong mga galos ko sa mukha?  Yumuko ako at naglakad na palabas ng Escajeda building. Pumara ako ng taxi at ng nasa loob na ako ng sasakyan ay nagtext ako kay mang Jun na huwag na akong hintayin at umuwi na. Ayoko kasing makita niyang ganito ang itsura ko. Kailangan ko pang mag-isip ng idadahilan ko dito.  Naglalakad ako sa kawalan. Tulala. Malalim ang iniisip. Tumunog ang cellphone ko, sinilip ko kung sino ito… Si Stefan. Tumulo ang luha ko. Hindi ko sinagot ang tawag niya. Natatakot ako na baka alam na niya ang totoo.  Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Masisiraan na ako ng ulo kakaisip. Nilagay ko sa bulsa ko ang cellphone ko na hanggang ngayon ay tumutunog pa din habang wala sa sarili na nilagay ko ang aking bag sa basurahan na nasa gilid ng daan. Paano kung alam na ni Stefan ang totoo? Paano kung sabihin ni Stefan ang totoo sa mga mercedez? Saan na ako nito pupulutin?  Ang sakit sakit sa puso.  Mabuti pang mamatay nalang ako kung kamumuhian ako ng mga taong importante sa buhay ko. Ng mga taong mahal na mahal ko. Wala ako sa sarili na naglakad pababa sa gather ng kalsada. Malayo pa ang truck na natatanaw ko pero gusto ko itong salubungin. I want to end this… “Meghan!” Sigaw ng pamilyar na boses. Boses na gusto kong marinig araw-araw. Malakas na busina ang umalingawngaw sa kahabaan ng highway. Hinila ako ni Stefan bago pa man bumangga sa akin ang malaking truck.  Bumagsak ako sa dibdib niya. “What the hell were you thinking?!” Sigaw niya at punong puno ng pag-aalala ang boses nito.  Inalalayan kami ng mga body guards niyang tumayo at pinatabi kami sa daan. Umiiyak ako at hindi makatingin sa kanya.  “Love? Kung may problema ka, f*cking tell me. Hindi yung ganito.” maamo niya sabi saka ako hinila palapit sa kanya upang yakapin ng mahigpit. “H-Hindi ka galit sa akin?” Iyak ko. “Bakit ako magagalit sayo? May dapat ba akong ikagalit?” Bahagya niya akong inilayo sa kanya para makita ang mukha ko. He cupped my face saka nakasalubong ang mga kilay nito ng makita ang mga pasa at galos ko sa mukha. “Who the hell did that to you?” Gigil niyang tanong. Umiling ako at iniwas ang aking mukha sa mapanuri niyang tingin. “Love, please tell me, ano ba ang nangyari sayo? Bakit ka nagkaganyan? Bakit may mga sugat ka sa mukha?” punong puno ng pag-aalala ang boses niya. Humagulgol ako ng iyak at yumakap sa kanya. “I’m so sorry.”  Hinaplos nito ang likod ko at hinalikan ang aking ulo. “Whatever you did I already forgave you. Now, tell me who did that to you?”  “Alam mo na ang totoo?” tumunghay ako sa kanya. Takot na takot sa isasagot niya.  “Totoo? Anong totoo? I have no idea what you are saying but whatever it is, I don’t care. Ang gusto ko lang malaman ay kung sino ang gumawa niyan sayo.”  Ibig sabihin ba sa sagot ni Stefan ay wala pa itong alam? Base sa mga reaksyon niya ay mukhang wala pa talaga itong alam. “Paano mo nalaman na nandito ako?”  “I was looking for you and luckily I saw you here walking beside the street. Tinakot mo ako kanina. Don’t you dare do it again, love. Please… promise me? Hindi mo alam yung binigay mong takot dito sa puso ko. I ran as fast as I could para abutan kita.” Sincero nitong sabi, “Now, please answer my question. Anong nangyari sayo?” Bumuga ako ng malalim na hininga. Baka nga hindi pa niya alam ang totoo. Baka nga wala pa siyang alam dahil kung meron ay baka isinusumpa na niya ako sa galit. “B-Bakit mo sinugod kagabi si Dok Albert?” kinakabahan kong tanong, not answering his question… again. Nagkasalubong na naman ang mga kilay nito. Yumuko ito saglit at muling tumingin sa akin.  “Siya ba ang may gawa niyan sayo?” malamig niyang tanong. Mula sa malambing at punong puno ng pag-aalala na boses ay bigla itong napaltan ng galit. Umiling ako, “Hindi. W-Wala siyang kinalaman dito.” mariin kong tanggi, “M-May umagaw kasi ng bag ko kanina. Nagmatigas ako at nakipag-hilahan sa aking bag. M-Mas malakas kasi yung snatcher sa akin kaya tinulak niya ako. Tumama ako sa pader at napuruhan ang mukha ko.” pagsisinungaling ko. Yumuko si Stefan. Hinila niya ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. “I will find whoever did that to you and I will make him pay for it.” seryoso nitong bulong sa aking tenga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD