Nasa kalagitnaan ako ng zoom meeting ng tumawag si Stefan. Noong una ay kinancel ko ito at nasundan pa kaya naman ng ikaapat niyang tawag ay sinagot ko na sa pag-aakalang emergency ito. Stefan: Love, are you busy? Pwede ka bang pumunta dito sa office? “Bakit?” Stefan: I have an important thing to say. “Okay. Tatapusin ko lang ang meeting ko.” Stefan: Thanks. I love you. “Okay. Bye.” Binaba ko na agad ang tawag dahil nakakahiya sa iba kong mga kausap sa meeting. Tumagal pa ng kalahating oras ang meeting namin kaya naman pagkatapos noon ay nagmadali na akong nagtungo sa opisina ni Stefan. Pagkarating ko sa loob ng opisina niya ay ipinatong ko ang aking bag sa end table. “Ano ba ang importante mong sasabihin?” agad kong tanong. Umayos ng pagkakaupo si Stefan sa kanyang swivel chair

