“Ang lakas ng ulan kagabi, mabuti at hindi nadala ng hangin ang kubo namin ng Papa nyo.” dinig kong sabi ni Lola Mariana.
“Ipaayos na kaya natin ang kubong ito, Mama?” mungkahi naman ni Tita Stephanie.
Umiktad kami ni Stefan ng bangon at tarantang sinuot ang mga nagkalat naming damit. Tinulungan niya pa akong i hooked ang bra ko saka niya tinapos ang pagbotones sa pants niya.
Kukunin pa lang ni Stefan ang damit niya sa may bintana ng bumukas ang pinto. Inaasahan ko ng magugulat silang makita kami dito. Kinakabahan akong ngumiti sa kanina.
“Mom?” Sambit ni Stefan at hindi na tinuloy ang pagkuha sa kanyang damit.
Napawi ang ngiti ni Tita, tumingin ito sa amin at sa kabuuan ng kubo.
“Did you... Uhm... Did you guys sleep here?” Nag-dadalawang isip na tanong niya.
“Y-Yes.” sagot ni Stefan at umubo.
Humalakhak ang lolo ni Stefan ng makapasok ito sa loob saka tinapik ang balikat ng apo.
“Apo, are you copying my legacy?”
Namula ako at yumuko dahil alam ko ang tinutukoy ni lolo.
“Naku! Isn't it a sign?” Masayang sabi ni Lola.
“Sign?” Naguguluhan naman na tanong ni Tita.
“Na sya na ang susunod sa yapak naming mag asawa. Ang susunod na henerasyon.” Tumawa ito.
“Lola, can you stop it?” Saway ni Stefan.
Tumingin ako kay Stefan. Bakit hindi siya masaya sa sinabi ni Lola Mariana? Ibig sabihin ba noon ay ayaw niya akong mapangasawa? Pagkatapos ng nangyari kagabi?
Ugh! Pumikit ako at hirap sa pag galaw dahil masakit pa rin ang akin.
Ano pa bang aasahan ko sa babaerong si Stefan. Wala namang pagmamahal na namamagitan sa aming dalawa kagabi. Malamang lib0g lang ang nararamdaman niya sa akin. At ako? Ako? Gusto ko ang nangyari kagabi dahil gusto ko si Stefan.
“Mabuti pa ay bumalik na kayo sa Villa para makapag agahan.” mungkahi ni Tita.
“Mabuti pa nga, I'm sure Meghan is already tired and hungry. Nice one apo.” sabi ni Lolo.
“Lolo?” Irita nitong sabi saka tumingin sa akin ng tumayo na ako.
Hiyang hiya akong ngumiti sa kanilang lahat saka naglakad palabas ng kubo. Hindi ko na hinintay si Stefan.
Kung maka saway naman siya sa pang-aasar sa kanya ni lolo ay parang diring diri siya sa akin. Hayop sya! Naiiyak akong binuksan ang shower at pinunasan ang aking katawan ng sabon.
Masama ang loob ko kay Stefan. Alam kong wala lang sa kanya ang nangyari sa amin kagabi at normal lang sa kanya ang makipag s3x… kaya ang sakit sakit tuloy nitong puso ko. Para akong na broken hearted. First time ko iyon at big deal iyon sa akin. Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko siya iniimikan. Hindi ko din naman alam kung paano pa kakausapin si Stefan dahil sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay naaalala ko ang nangyari sa amin.
Pagkatapos namin mag hapunan ay pinili kong makapag-isa sa pool area habang pinagmamasdan ang mababa at bilog na buwan sa dagat. Yakap ko ang aking sarili dahil sa malakas na hangin.
“Meghan.” tawag ni Stefan.
Simula ng may mangyari sa amin, maging pagtawag lang nito sa pangalan ko ay nababaliw na ako. Lumingon ako sa kanya at papalapit na ito sa akin.
“Hindi ka ba giniginaw dito?” tanong niya.
“Actually papasok na nga-”
“Hey! Look, A-About last night…” putol niya sa sasabihin ko.
“ It's okay. Hindi na natin kailangan pag usapan yon.” Naiilang kong sabi. Kahit big deal talaga ang nangyari sa amin kagabi para sa akin ay mas pipiliin ko na huwag itong ipahalata sa kanya.
“Oh no! I… I just thought you wanted to talk about it. But… Yeah! Of course… Hindi na natin kailangan pag usapan ang tungkol doon.” Nalungkot ako sa pag sangayon niya. Ano pa ba ang aasahan ko sa kanya?
Tumitig ako sa mga mata nito at mabigat ang bawat paghinga niya.
“Wait! Bakit ka kinakabahan?”
“Ako kinakabahan?” Humalakhak ito.
“So hindi ka kinakabahan sa lagay na yan?” sarkastiko kong sabi dahil mas naging obvious ang pagiging kabado nito.
“Just a little bit. Happy?”
“Why?” I crossed my arms.
“I don't know. It's just different.”
“Different? Ano ang ibig mong sabihin?” kunot noo kong tanong.
“I felt different last night.”
Napanganga ako. Parang sinaksak ang puso ko. Pinilit ko nalang ngumiti sa kanya at mapait na tumawa.
“Really? Because I am not good like the other girls that you hooked up?”
Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito saka umiling.
“No! No! I felt different in a good way. I… I just…” Hirap itong magsalita na para bang napipilitan lang magpaliwanag. Kumamot siya sa kanyang ulo at umiwas ng tingin.
“Go on Stefan.” Nag-simula na akong mainis sa kanya.
“I think… I think it was just more than that.”
“More than what? Pwede ba, diretsyahin mo na ako. Ano?!” Tinaasan ko na siya ng boses.
“Nevermind.” Suko nito saka ako iniwan. Bumagsak ang balikat ko at muling humarap sa dagat. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko na agad ko ding pinawi. Ika nga nila… action speaks louder than words at iyong pinapakita sa akin ni Stefan ay malinaw na malinaw. Hindi niya ako gusto, iyong nangyari lang sa amin ang nagustuhan niya.
Kinabukasan ay nagkaroon ng emergency meeting sa Escajeda at kinailangan naming bumalik ni Stefan sa Manila kasama si Tito Miguel. Sumama ako sa meeting para maging assistant ni Stefan habang si Tito Miguel naman ay ibang grupo ang kinakausap sa ngayon.
Namangha ako kung paano tumayo at magsalita si Stefan sa unahan. Hindi lang sapat ang gwapo siya kung ididiscribe. It’s more like he is powerful in his every words. Lahat ay sumusunod sa utos niya at walang kahit sino ang may balak na hindi tumalima.
Ako ngayon ang may hawak ng lahat ng importanteng dokumento ng kumpanya. Palihim ko itong pinicturan lahat sa loob ng comfort room para isend kay Dok Albert saka ako bumalik sa conference room.
“Sasama ka pa ba sa akin sa Clark?” pagod na tanong sa akin ni Stefan.
Umiling ako. Bukod sa pagod ako ay masakit pa din talaga itong akin. Nahihirapan nga akong maglakad kanina. Bakit kasi ang haba at ang laki ng kay Stefan!
Ngumisi si Stefan ng dahil sa biglaan kong pamumula.
“Uuwi na lang muna ako. I want to rest.” sabi ko.
“Okay. I want pasta for dinner. May mga pagkain pa naman sa condo, kung may kailangan ka ay itawag mo lang sa akin.”
“No. Sa bahay ako uuwi at hindi sa condo mo, Stefan.”
Napawi ang ngiti nito at tumango, “I see.” nilapat nito ang thumbs niya sa labi niya saka saglit nag-isip, “Sumama ka nalang kaya sa Clark? Marami kang matututunan sa meeting dahil actual problem itong kinakaharap namin.” mungkahi nito.
Nalungkot ako dahil alam kong isa ako sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema ang kumpanya nina Stefan. Hindi ko ito magawang titigan sa mga mata.
“Huwag na. Kailangan ko din kasing mag handa para sa 3rd sem.” tanggi ko.
Hindi na niya ako kinulit pa. Dinaan niya ako sa bahay bago ito lumipad patungo sa Clark. Malungkot ako ng matagal kong hindi makikita ang mukha ni Stefan. Mamimiss ko siya kahit pa masama ang loob ko sa kanya.
Niyakap ko si Mommy mula sa likod niya habang ipinag gagawa niya ako ng makakain. Hinawakan niya ang kamay ko at tumigil sa ginagawa. I rested my face on her shoulder, marahan naman niyang hinaplos ang pisngi ko.
“Anong kailangan ng maganda kong anak?”
“Wala akong kailangan. Namiss ko lang po kayo, Mommy.” sagot ko.
“Are you sure? Naglalambing ka lang sa akin kapag may kailangan ka.” humarap sa akin si Mommy.
“Wala nga po.” sagot ko at niyakap ulit si Mommy, “I miss your smell.” sinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Mommy. Nakiliti ito at humalakhak.
“Mukhang nagkakatuwaan ang mag-ina ko.” Sabat ni Daddy na kakauwi lang.
Lumingon ako kay Daddy at siya naman ang niyakap, “I miss you Dad.” malambing kong sabi. Niyakap ako ni Daddy at humalakhak din ito.
“Anong bang ipapabili mo?”
Sumimangot ako ng tumingala ako kay Daddy, “Ang bad nyo ni Mommy. Naglalambing lang ako, hindi ba pwede?” maktol ko.
“Biro lang, Anak. Hindi ka kasi ganito kalambing noon. Oo nga pala tumawag sa akin si Stefan. Tinatanong nya kung anong ginagawa mo dahil hindi ka daw sumasagot sa tawag niya.” pag-iiba ni Daddy sa usapan.
“Nasa kwarto po ang cellphone ko.” Tipid kong sagot at kumalas na sa pagkakayakap kay Dad, “Bakit daw niya ako hinahanap?”
“Gusto ka niyang isama sa Clark bukas at ipinagpaalam ka niya sa akin.”
“Nasa Clark na po siya, hindi po ba?” taka kong tanong.
“Babalik daw siya mamayang gabi tapos ay susunduin ka bukas.”
“I like him. Ipinagpapaalam ka talaga niya sa amin, hindi gaya ng ex mo.” sabat ni Mommy. Hilaw akong ngumiti sa kanya.
Bakit naman kailangan pa akong isama ni Stefan sa mga meeting niya? Anong tingin niya sa akin secretary talaga niya?
Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip kay Stefan. Hindi na yata ako sanay na hindi siya katabi? Mahigit isang linggo lang naman kaming magkasama pero parang taon na iyon. Maaga akong bumangon sa kama kahit kulang pa ang tulog ko. Nag jogging ako at nagtungo sa gym kung saan member si Meghan noon pa. Nakita ko lang iyong membership card niya sa luma niyang wallet.
“Meghan?” Tawag ng pamilyar na boses, “Sabi ko na nga ba at ikaw yan. I didn’t expect to see you here.” nakangiting sabi ni Aiden.
“Aiden.” Sambit ko at ngumiti.
“Kanina pa kitang pinapanood.”
“Talaga?” Hilaw akong ngumiti, “Ibig sabihin nakita mo ang pagseselfie ko habang nag eexercise?” nahihiya kong tanong.
Tumango ito, “Hindi mo ba napansin sa mga background mo na pilit akong sumasama.” tumawa ito. Kinuha ko ang cellphone ko at nireview ang mga pictures ko. Oo nga. Nasa likod ko si Aiden at makulit na pumopose. Hindi ko napansin dahil sa magandang mukha ko ako nakafocus lalo na ng iupload ko ito sa aking IG.
“Kumain kana ba? Let’s have a coffee?” anyaya nito. Hindi na ako tumanggi dahil nagugutom na din naman ako.
Nilakad namin mula sa Gym ang malapit na coffee shop. Pancake at sausage ang inorder ko at cappuccino. Masaya kaming nagkukwentuhan sa kung ano-anong nakakatawang pangyayari lately sa aming buhay. We were like a very close friends na matagal ng hindi nagkita. Magaan talaga ang loob ko kay Aiden noon pa. Madaldal din kasi gaya ko.
Gaya ni Seraphina.
“Meg.” tawag nito sa akin, tumingin naman ako sa kanya tapos ay sa cellphone niya na nakatutok sa amin. Ngumiti ako sa camera, “Nice. Ang tagal na ng huli nating picture together. I will post it now.” anito.
“Tag mo ako.” Sabi ko at pinicturan ang aking kinakain. Inaupload ko din ito at nakita ang napakaraming heart mula sa nauna kong ipinost. Ang dami ding comment pero isa lang ang tumatak sa akin. Ang comment ni Stefan.
Stefan: Care to explain?
Anong problema nito?
Hindi ko ito pinansin. Maging ang tawag niya ay hindi ko din sinagot. Pinagpatayan ko pa ito ng cellphone.
Kung balewala lang iyong nangyari sa amin para kay Stefan… Edi pipilitin ko din ang sarili ko na balewalain ang nararamdaman ko sa kanya. Susubukan kong tapusin ang misyon ko ng hindi nagpapakita ng kahinaan laban sa kanya.
“May Charity program akong pupuntahan mamaya, want to come?” alok sa akin ni Aiden.
“Saan?”
“Sa San Andres.” Sumilay ang mga ngiti ko sa labi.
“Nice. I want to come.” Excited kong sagot.
Umuwi ako para mag-ayos. Simple lang ang sinuot kong damit. Loose shirt at maong na pantalon. Bumaba agad ako ng sabihin ni Sanya na nasa ibaba na si Aiden. Excited ako dahil makikita ko na naman ang mga kaibigan ko pati na din si Jayjay.
Nag vibrate ang cellphone ko at si Avery iyon.
Avery: Where are you?
Meg: Kasama ko si Aiden. Papunta kami sa isang charity program nila.
Avery: Ah Nice. Magkasama kami ni Giana. Can we join?
Tumingin ako kay Aiden. Nasa daan ang mga mata nito.
“Aiden, gustong mag volunteer ng mga kaibigan ko. Okay lang ba?”
“Sure,” saglit lang itong sumulyap sa akin ng nakangiti, “The more, the merrier.”
Nagkita-kita kami sa San Andres. Naging busy kami sa pamimigay ng mga groceries. Naging volunteer din sina Poknat at Sidny at sa medical sila sumali. Taga abot ng mga kung ano-anong kailangan ng mga nurse at doctor.
Nilapag ko ang mabigat na kahon mula sa truck na bagong dating. Ngumiti ako kay Avery at Giana na pinapatas ang ibang maliit na kahon. Pawis na pawis ako at akmang pupunasan ito gamit ang aking kamay pero naunahan ako ni Aiden. Pinunasan niya ang noo ko gamit ang panyo niya.
“T-Thanks.” nahihiya kong pasalamat. Binuksan nito ang malamig na mineral na bote saka inabot sa akin, “Huwag ka ng magbuhat. Hayaan mo na ang mga tauhan ko sa malaking kahon.” anito. Tinanggap ko ang tubig at ininom ito.
“Sir Aiden. Kakausapin po kayo ni Kapitan.” tawag ng assistant ni Aiden.
Malayo na si Aiden sa amin ng lapitan ako ng dalawa kong kaibigan at pinag gitnaan ako.
“Ano iyon? PDA?” asar ni Avery.
“Alam ba iyan ni Stefan?” natatawa namang sabi ni Giana.
Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako sa kanila.
“Speaking of Stefan…” Ngumuso si Avery sa likuran ko.
Lumingon ako.
Shiiit! Parang nag slow motion ang mundo ko. Ang gwapo talaga niya kapag naka sunglass. Narinig ko iyong tili ni Sidmon na nasa gym. Sinalubong ako ng nakaka baliw niyang pabango.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na may lakad ka pala? Hindi ba sinabi ni Tito Elmiro na susunduin kita ngayong araw?” malamig ang boses nito. Inalis niya ang sunglass at nanlalambot ako sa mga titig niyang hindi ko maintindihan kung galit ba o hindi.
“Ah… Y-Yes… Sinabi ni Dad.” Nauutal kong sagot.
“Yes? At mas pinili mong sumama kay Aiden?”
“Y-Yes.” wala sa sarili kong sagot.
“Hey! Stefan. Hindi ko alam na pupunta ka din-”
“I am here for my girlfriend.” putol ni Stefan kay Aiden.
Ngumiti si Aiden at medyo napahiya sa tono ni Stefan, “I see. Tutulong ka ba? Ang sipag ni Meghan, kanina pa.” sabi ni Aiden at binaba ang kahon na buhat ng makalapit sa amin.
“Did you enjoy your breakfast with her?”
Napalunok ako sa tanong nito kay Aiden. Napatingin ako kay Avery at sumenyas sa akin. Senyas na sinasabing putulin ko ang matatalim nilang titigan bago pa mapunta sa away iyon.
“S-Stefan. B-Bakit ka ba naparito?”
Lumingon sa akin si Stefan, seryoso pa din ang ekspresyon ng mukha nito.
“Sinusundo ka.”
“Pumayag ba akong sumama sayo sa Clark?” nagdadalawang isip kong tanong.
Hindi sumagot si Stefan pero ang mga titig niya sa akin ay parang nagbabanta.
“K-Kukunin ko lang ang gamit ko.” nauutal pa din ako. Naglakad ako patungo sa loob ng tent para kunin ang bag ko.
Bumalik ako at nakita kong nag-uusap si Avery at Stefan. Tumigil lang sila ng nakalapit na ako sa kanila.
“Sasabay sana kami sa inyo ni Stefan pabalik.” paalam sa akin ni Avery.
Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Dumaan muna kami sa bahay para kumuha ako ng gamit at para na din makapagpalit ako ng damit.
“I smell something fishy between you two guys. Kayo na ba for real?” curious na tanong ni Giana habang ziniziper niya ang likod ng aking dress.
“Hindi. Walang ganon.” Mabilis kong sagot. Hindi naman talaga.
“E bakit parang kayo? Ang lagkit ng tingin sayo ni Stefan tapos parang natural lang ang kilos nyo. Parang hindi nagpapanggap. Iba din yung tingin niya kay Aiden kanina… Laki ng selos."
Humarap ako sa kanya at ngumisi tapos ay naglagay ng hikaw.
“True. Napansin ko din. Pasimple nga yang si Stefan minsan e. Ang bilis ng kamay.” segunda ni Avery.
“Wala talagang kayo?”
“Wala!” pinal kong sabi at nagtungo sa mga gamit na inilagay ko sa aking handbag.
“Baka naman wala lang label. May selosan, may MU at may sparks sa mga mata nyo pero walang umaamin ng mga feelings. Lagyan nyo na ng label yan!” Pang-aasar ni Avery. Tumawa nalang ako.
“True! Kaya huwag ka munang magpakasaya dyan sa status nyo ni Stefan hanggat wala pang label!” patuloy ni Giana.
“Tigil-tigilan nyo ako!”
“Matagal ka pa ba?” tawag ni Stefan. Mukhang pinasok na ako sa kwarto dahil nainip na.
“Speaking of Stefan. Watch me.” Bulong ni Avery, “Replyan mo na ang text ni papa Aiden.” Sinadya niya itong lakasan para marinig ni Stefan sa labas ng walkin closet.
Tinarakan ko naman ng mata si Avery. Humalakhak lang ang dalawa.
“Anong text?” Si Stefan ang sumagot at nakatayo na ito ngayon sa entrada ng closet ko.
“May date sila.” Sabi ni Giana.
“Giana!” Saway ko.
“A date?” Mapang uyam itong tumawa pero matalim ang pinukol na tingin sa akin.
Hindi na ito nagsalita at sa halip ay lumabas na sa aking kwarto at padabog na sinara ang pinto.
“See? Selos.”
“Anong selos? Bahala nga kayo dyan.” kunwari ay nainis ako pero deep within me ay may kilig akong nararamdaman. Nagselos nga ba si Stefan.
----
Pagkarating namin sa hotel nina Stefan sa Clark ay sa kwarto muna ako namalagi para magpahinga. Iba ang kwarto ko ngayon kaysa noong una kong punta dito. Queen size lang ang kama at hindi ito kalakihan. Okay lang din naman dahil ako lang naman mag-isa.
Kasalukuyan na nasa meeting si Stefan. Kausap niya ang mga bigating businessman ng mga taga norte. Ayaw ko na sana itong ireport kay Dok Albert pero malakas yata ang radar niya at nalaman pa na nandito ako kasama ni Stefan.
Bandang alas singko ng hapon ay bumaba ako sa lobby para aliwin ang sarili ko. Maglilibot sana ng mapansin ko ang pamilyar na lalaki na nakasuot ng cream na suit and tie. May kasama itong isa pang lalaki na kahawig niya.
“Aiden?” gulat kong sambit. Kanina lang ay nasa San Andres ito tapos ngayon ay nasa clark na din.
“Hi Meghan. My Dad.” Pakilala niya. Nagpalitan kami ng ngiti at nakipag shake hands ako.
“Hello. Hija. Ang tagal na noong huli tayong magkita. Kumusta ka?”
“Mabuti naman po.” tipid kong sagot dahil hindi ko alam kung paano ito kakausapin.
“Sir. Dito po tayo. Nasa loob po si Mr. Salvador.” Ani ng babaeng naka business attire.
“Sige. Susunod ako.” Tumingin muli sa akin ang ama ni Aiden, “Maiwan na muna kita, Hija. May kailangan lang akong kausap. Sinadya ko pa siya dito.” Paalam niya.
Tumingin naman ako ngayon kay Aiden, “Nabalitaan namin na may biglaang meeting ang mga naglalakihang business owner dito sa hotel na ito kaya sumadya na si Dad para makausap si Mr. Salvador. Ang hirap kasing hagilapin ng taong iyon.” paliwanag nito.
“Ganun ba. Kanina pa ngang nasa meeting si Stefan eh.” sabi ko.
“May lakad ka ba?”
“Mag-iikot lang sana ako. Ang boring kasi sa kwarto mag-isa.”
“Gusto mo bang samahan na kita?”
“Sige. Wala ka bang meeting dito?”
“Kaya na iyon ni Dad.” sagot nito at ibinigay ang braso niya para kapitan ko.
Humawak ako sa braso niya saka kami naglakad palabas. Walang special dito sa palibot ng hotel. Nakakita ako ng street food, niyaya ko si Aiden at mabilis naman itong pumayag.
“Manong magkano ang kwekwek?” tanong ko.
“Tres po isa.”
Namiss ko itong kwekwek at lalo na ang mga isaw at dugo pati na din adidas.
“I can’t believe you’re eating street foods now. Noong niyaya kita dati ay diring diri ka.” natatawang sabi kwento ni Aiden.
“Masarap kaya ang mga ito.” Tumuhog ako ng tatlo at nilagay sa plastic cup. Fishball naman at kikiam ang tinuhog ni Aiden. Nainggit ako kaya nilagyan ko din ng kikiam at fishball ang baso ko.
Naglakad kami pabalik sa hotel para doon ito kainin. Nasa lobby kami nakaupo.
“Kumusta pala ang Charity program? Pasensya na ha?”
Ngumuya muna ito bago sumagot, “It’s okay. Naiintindihan ko naman. Hinahanap ka ni Poknat ba iyon at yung bakla? Hindi ka daw nagpaalam kanina. Tapos pinapabigay ito ni Jayjay sayo. Buti naalala ko.” May kinuha ito sa loob ng coat niya na nakatuping papel at inabot sa akin. “Hindi ko binasa yan. Love letter ba yan ng bata? Pati bata ay nahuhumaling na din sayo.” biro nito sa akin.
“Sira! Para ko ng kapatid si Jayjay.” Tinago ko ang papel sa bag ko. Mamaya ko nalang babasahin sa kwarto. Mamaya niyan ay maiyak pa ako.
“Palagi ka bang sa San Andres nag cha-charity work? Kilala ka kasi nila at mahal na mahal ka ng mga taga San Andres.”
“Oo.” Ngumiti ako at sumubo ng fishball, “Hindi ka naman hinaras ni Sidny?” natatawa kong tanong.
“Sidny?
“Yung baklang makapal ang makeup.”
“Ah.” Humalakhak ito ng malakas, “He’s funny. Sumakit ang tiyan ko sa kanya kakatawa. Behave naman siya sa akin. Ang dami nga niyang kinuwento tungkol sa iyo.”
“Naku! Nilaglag ba ako ng baklang yon? Bibigwasan ko talaga ang atay nya.” sabi ko na ikinalakas ng tawa ni Aiden. Ang daling patawanin ng lalaking ito. Ang babaw ng kaligayahan.
“You sound like him. Matagal mo na ba silang kaibigan?”
“Oo… I mean… Medyo.” Huminto muna ako sa pagsasalita dahil baka madulas ako sa kadaldalan ko, “Ayaw mo ba nitong kwek kwek? Masarap naman ito ah? Bakit hindi ka kumuha?” pag-iiba ko sa usapan.
“Hindi ko kasi hilig ang makulay na pagkain.”
“Naku! You missed half of your life.” Tumuhog ako ng kwek kwek at isinubo sa kanya ng sapilitan, “Ano masarap diba?”
Tumango ito habang ngumunguya. Nag thumbs up pa ito.
“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala!” parang kulog ang epekto ng boses ni Stefan sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo sa aking kinauupuan na para bang may masama akong ginawa.
Lumapit sa ito sa akin at kinaladkad ako hanggang sa aking kwarto. Padabog niyang isinara ang pinto at matalim akong tinignan bago niya ako binitawan. Hinimas ko ang kamay ko dahil ang sakit nito.
“Nagpalit ka ng maiksing damit tapos ay pinapunta mo pa dito ang lalaking iyon?” bintang nito sa akin.
Hindi naman ganoon kaikli itong dress ko. Nilabanan ko ang masama nitong tingin.
“Hindi ko siya pinapunta dito!”
“Really? Hindi ba ay may date kayo? Ngayon ba yon?” pang uuyam niya.
“Ano bang problema mo?! Lahat nalang ng galaw at kilos ko pinupuna mo?!” Asik ko.
“Bakit kasi ayaw mo pang layuan ang Aiden na yan?!”
“Ano ba kasi ang problema mo kay Aiden? Kaibigan ko sya! Hindi na kita maintindihan! Ang gulo gulo mo!” Sigaw ko at tinalikuran ito.
“Kung makikipaglandian ka, huwag dito!”
Muli akong tumingin sa kanya ng masama!
“Hindi kami naglalandian! Ikaw lang nag iisip nyan!” ganti ko.
Namewang ito at humugot ng malalim na hininga, “Look! I am just concerned about you. Ayaw kitang masaktan.”
Nagsalubong ang mga kilay ko sa mga sinabi niya.
“Alam mo ang labo labo mo! Eh ano naman sayo kung masaktan ako? Concern ka? Bakit? Bakit Stefan?! Ipaintindi mo sa akin dahil hilong hilo na ko sa kinikilos mo! Hindi na kita maintindihan!! Sabihin mo sa aki-”
“Mahal kita! Mahal kita, Okay na ba?! Iyan ba ang gusto mong marinig?”
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Okay na sana kung sinabi na lang niyang mahal niya ako. Bakit kailangan pa niyang dugtungan ng kung iyon ba ang gusto kong marinig? Parang ang lagay pa ay nagkukumahog akong sabihin niya ang mga salitang iyon sa akin.
Yumuko ako. Tumulo ang mga luha ko dahil nakaka offend ang kanyang sinabi.
Gusto ko iyong marinig pero hindi sa ganitong paraan.
“Hindi!” Hikbi ko, “Leave!” Tinulak ko siya at hinampas sa dibdib, “Umalis ka na! Umalis ka!” sigaw ko.
Hindi ito umingli. Hinayaan niya lang na hampasin ko siya.
“Kapag hindi ka lumabas ako ang aalis!” Iyak kong banta sa kanya.
Hindi ito nagsalita. Yumuko lang ito at lumabas ng kwarto. Sinubsob ko ang mga kamay ko sa aking mukha at humagulgol ng iyak.
Hindi ko na alam ang nangyayari! Hindi ko na alam! Oo mahal ko na si Stefan… Mahal na mahal pero bakit hindi ako masaya sa estado namin ngayon? Hindi ko alam kung gusto niya din ba ako o hindi. Baka ako lang itong naghahangad ng kung ano-ano sa kanya.
Naalala ko iyong sinabi niya sa akin noon tungkol sa absolute rule. Na hindi mo pwedeng pilitin ang isang tao na suklian nya ang pag ibig na inalay mo sa kanya. Iyon ang paniniwala niya at tama naman iyon. Baka nakokonsensya lang siya sa akin dahil siya ang nakauna sa akin kaya ganyan ang kinikilos niya.
I have to accept it.
Kung hindi ko man maisakatuparan ang misyon ko para kay Dok Albert ay tatanggapin ko na ang kapalaran ko. Ang mabulok sa kulungan. Siguro ay doon talaga ang bagsak ko.