EVAN LEE Kakapasok lang namin sa loob. Kasalukuyan na kaming naglalakad nina Brian at Lei papunta sa mga nakatanim na mga grapes. Magkaakbay na naglalakad ang dalawa at nasa likod lang nila ako na nakasunod. Para akong lutang na naglalakad. Natigilan ako saglit. Hindi maalis sa isip ko si Cha ng makita itong umiiyak paalis. Hindi ko alam kung anong nangyare dito. Gustuhin ko mang balewalain ay hindi ko magawa. Ang utak ko ay nasa kanya. Bigla akong nag-alala na ewan. "Brad, tara na!" tawag nina Brian at Lei sa akin. Nakakalayo na kasi ang mga ito at naiwan na ako. "Sige mauna na kayo, sunod ako," sabi ko sa mga ito. "May problema ba, Van?" tanong ni Brian sa akin. "Wala naman," tugon ko. "Naiihi lang ako. Hanap lang ako CR," dahilan ko. "Bilisan mo!" saad pa ni Lei at nagpatuloy n

