CHARISE MARIE Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging okay na ang working relationship namin ni Evan. Kahit na minsan ay parang aso't pusa kaming dalawa sa isa't-isa. Okay na din ang trabaho ko at ang trato niya sa akin. Magkasundo na kaming dalawa pero minsan mayroon talaga kaming hindi napagkakasunduan lalo na kapag umatake ang pagiging pakialamera at opinionated ko. Nasanay na din si Evan na ganun na talaga ako kaya kung minsan ay hinahayaan na lamang niya ako kesa magtalo na naman kami. Suko na yata talaga ito sa akin kaya nagpapaubaya na lamang. Sinusunod ko naman ang mga utos kasi siya pa din ang boss ko. Siya ang nagpapasahod sa akin. Kahit paano ay nagpapasalamat pa din ako na hindi niya ako sinisisante at may trabaho pa din ako. Sadyang iniintindi at pinagbibigyan niya na lang

