CHARISE MARIE "Anong nangyare?" tanong ko kay Evan "Hindi ko nga din alam," sagot din nito. Nakakapagtaka lang kasi na biglang nawala ang mga boses na naririnig namin. Sa lakas ng pagsigaw naming dalawa ay imposibleng wala man lang nakarinig nun. Sa tantiya din namin ay nasa malapit lang ang pinanggalingan nung mga boses na iyon pero bakit ganun wala man lang lumitaw ni isa sa mga kasama namin o nakakita sa amin. There's something wrong talaga. At mukhang hindi maganda ito. Tuloy pa din ang pag-ambon. Madilim pa din ang kalangitan at mukhang nagbabadya na naman na uulan. Pagnagkataon na hindi namin sila makita ay hindi ko na alam kung anong nang mangyayare sa amin ngayon. Hindi pwedeng dito lang kami. Aaminin kong hindi na maganda ang pakiramdam ko. Nanginginig na ako sa lamig. Sigur

