CHARISE MARIE Ngayon ang araw ng labas ni Mama ng ospital. Kakagaling ko lang din ng cashier para i-settle ang billing. Napirmahan na din ang mga papel na kailangan para ma-discharge na din siya. Kasalukuyang ang kapatid ko ang nagbabantay sa kanya. Medyo okay na din siya. Naka-recover na din ito at pwede na talagang lumabas after ng tatlong araw na pagka-confine. 'Yun nga lang kailangan pa ding mag-ingat at magpahinga sa bahay para iwas uli na atakehin. Bawal na ang mapagod ng husto. Bawal din ma-stress. At siyempre bawas-bawas na din sa mga bawal na mga pagkain. Dapat din ay consistent at nasusunod ang oras ng pag-inom ng mga gamot nito na reseta ng doktor para umayos ang pakiramdam niya. Naglalakad na kami palabas ng ospital. Maingat naming inaalalayan ni Charles si Mama. Nasa bunga

