CHARISE MARIE "Yes? What can I do for you?" Anang lalaki na nasa harap naming dalawa. Hinihintay kong magsalita si Mylene pero ni isang salita ay wala man lang lumabas sa bibig nito. Binalingan ko siya. Nakita kong nakatulala lang ang lukaret. Siniko ko siya para bumalik ito sa katinuan. Kung kanina panay kuda ito tapos ngayon bigla itong natameme ng makita ang hinahanap na manager. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatulala sa lalaking nakatayo sa harap namin. May itsura si Koya. Hindi maitatanggi na umaapaw ito sa karisma kaya ganun na lamang ang epekto sa aming dalawa lalo na kay Mylene. Dagdagan pa ng napakaganda nitong ngiti na lalong nagpa-pogi sa kanya. Nakasuot ito ng itim na collared shirt na may logo ng beach resort na naka-tuck in sa khaki slacks nito. Nakita ko din ang name

