CHAPTER 42 "This is my own experience and belief," pag-uumpisa ni Mommy. "Masasabi ko na gusto mo ang isang tao, kapag gusto mo siya laging nakikita o nakakasama. At ang conversation niyo iyong tipong wala ng sense napapahaba niyo pa." Oo nga gano'n nga kami ni Harvey, but ayaw ko siya na laging nakikita, nuh. Naaasar lang ako sa mukha niya noon, pero ngayon? I don't know. "Iyong tipong wala naman kagalit-galit sa ginagawa niya galit ka kaagad," dagdag pa ni Mommy. Ano ba naman pati ba naman 'yon! Nakakainis kasi ang pagiging Siraulo niya at weirdo! At sino nga ba kasi ang taong magsasabi na masaya siya habang pinagti-tripan. Baliw na lang siguro ang taong iyon. "Iyong feeling na sa tuwing kasama mo siya komportable kang ipakita ang totoong mong ugali, iyong totoong ikaw. Hindi mo kai

