CHAPTER 36 Malakas na humampas ang kamay ko sa braso ng taong katabi ko. "Aray masakit 'yon!" inda niya sa mahinang boses at nilingon ako. "Siraulo ka!" Isinawalang bahala ko ang sinabi nito at matalim na mga mata siyang tinignan. "Pumayag ka naman?" "Oo kaibigan ko. Saka sasabay lang naman siya sa atin. Like Aera, gusto niya rin iwasan ito," simpleng sabi niya habang hinihimas ang braso na nahampas ko. "Bakit ka pumayag?" "Kaibigan ko nga kasi... at saka si Cleo ang unang nagpaalam kung pwede ba siyang sumabay sa atin. Kagabi niya pa sinabi 'yon bago tayo matulog," bulong niya. "Kaya nga napakamot na lang ako kanina nang pumayag ka." His finger pointed at me. "Bakit hindi mo sinabi kagabi? Edi, sana hindi na ako pumayag. Nakakainis ka naman, oh!" Huminto ako sandali. Nanggigigil ko

