CHAPTER 28

1605 Words

CHAPTER 28 "Ano wala pa ba?" tanong ko sa kanya nang maimulat ko ang mga mata ko. Nakaiglip na ako at lahat pero wala pa rin pinagbago. Nasa daan pa rin kami na napapalibutan ng mga puno sa paligid. Alas singko na at nakakaramdam na naman ako nang gutom. "Nagugutom na ako," nakanguso kong sabi. May kinuha itong plastic sa likod at inabot sa akin. Ito iyong plastic na dala niya kanina nang bumili siya ng yelo para sa akin. "May nabili akong mga biscuit kanina nang huminto tayo. Kainin mo muna 'yan," sabi nito. "I'm sorry, dahil sa akin nandito tayo. Hindi ko naman gustong maligaw tayo, eh." "Mabuti at alam," pagsusungit ko sa kanya. "Galit ka ba?" "Malamang ano sa tingin mo?" balik kong tanong sa kaniya at binuksan ko ang biscuit na binigay niya. "Gutom ka," natatawa nitong sabi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD