CHAPTER 5

1002 Words
"Aba't sumagot ka pa talaga?" I said with a disgusted voice and look at him with a sharp eyes. "Sinong pikon ha?!" "Kasasabi ko lang ikaw, 'di ba?" may pang-iinsulto nitong saad. Kung marami lang ang mga tao sa paligid namin walang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata na isigaw iyon. "Ikaw naman siraulo!" Nakakapikot na 'to, ha. Konti na lang bi-binggo na siya. Tumawa ito. "Okay lang maging siraulo. H'wag lang pikon na tulad mo. Pikon! Pikon! Rin the Pikon!" sigaw nito habang tumatawa pa, umakto pang humawak sa kaniyang tiyan para lang talagang inisin ako. "Anong sabi mo 'Rin'? Sino ka para tawagin akong Rin? Close ba tayo?" naiirita na tanong ko sa kaniya. Buysit 'to pati ang second name ko ay talagang pagti-tripan niya. Tinawag niya pa talaga akong Rin para asarin lang. Wala ni isa ang nagtatangkang tumawag sa pangalan kong 'yon. Kahit na ang kaibigan ko at ang mga kasama ko sa bahay. "Tatawagin kita sa pangalan na gusto ko. Hindi naman ikaw ang tumatawag kung hindi ako," natatawa nitong sabi. "Rin the pikon!" "Aba't sapakin kita d'yan makita mo,"naiinis na talaga ako sa Siraulong 'to. Malapit nang kumulo ang takuring nasa ulo ko. Mas lalo lang itong tumawa. Sa inis ko sa kanya. Sinipa ko ang isa nitong binti at tinulak. Dahilan kung bakit nawalan ito nang balanse at gumulung-gulong pababa sa mga basura. Ayan, rolling in the garbage ang peg niya. Every Saturday or Sunday lang hinahakot mga basura rito kaya nagtatagal pa ang mga ito. Kaya napakaswerte niya at basura ang sasalo sa kanya. Hindi na siya lugi roon. Hindi ko mapigilan na hindi humagalpak sa tawa dahil sa itsura nito. Ginaya ko rin ang ginawa niya kanina, yinakap ko ang aking tiyan habang tinitignan siya. Madumi ang suot nitong damit at may iilang dahon pa ang nasa ulo niya. Akala mo isang five years old na bata na naglaro ng basu-basurahan. Hindi na bahay-bahayan ang nilalaro. Basu-basurahan na. HAHAHA. Muli akong humagalpak sa tawa na kulang na lang ay umabot ito sa main gate ng campus. "Sinong pikon sa atin ngayon?" tanong ko sa kanya nang dahan-dahan siyang tumayo. Tinignan ako nito nang masama. "Why are you pushed me? Nakikita mo ba na basura ang babagsakan ko?" Inirapan ko lang ito. Kaya ko nga siya tinulak ay dahil do'n. Duh! Siraulo talaga! "Dapat lang 'yan sa 'yo. Siraulo ka, eh," naiinis kong sabi habang mayroon kaba sa aking dibdib. Pinanood ko ang ginawa niya. Nag-umpisa itong humakbang papalapit sa akin habang may pagbabanta ang kanyang mga mata. OMO! Wrong move nga yata ang ginawa ko sa kanyang pagtulak. Sasapakin ba ako ng lalaking 'to? Hindi naman imposible iyon dahil sa galit na nananaiig sa sistema niya. "Anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong. Maraha rin ang ginagawa kong paghakbang papalayo rito. "Sinasabi ko na sa 'yo 'wag kang lalapit. Siraulo ka!" Hindi naman ito nagsalita at patuloy lang ito sa paglapit sa akin. Mas lalo akong nakaramdam nang pangamba. Pangamba na iniisip ko pa lang na sasaktan niya ako ay maiiyak na ako. Nakatiklop ang mga kamao niya. "Binabalaan na kita 'wag mong gagawin 'yan." Nang makalapit ito sa akin. Mabilis ako nitong tinulak dahilan para mawalan din ako nang balanse. Tulad niya kanina ay nagpagulong-gulong din ako sa damuhan hanggang sa umabot ako sa mga basura. Mabuti na lang at walang lata o bote na nakakalat dito. Mabilis akong tumayo at tinignan ito nang masama. "Bakit mo ginawa 'yon?!" inis kong sigaw at pinagpag ang damit ko. Ngayon siya naman ang himahagalpak sa tawa sa aming dalawa. "Dapat lang din 'yan sa 'yo. Pikon ka, eh! Patas lang tayo." Argh! Nakakainis ang Siraulong 'to. Ang Weird niya talaga kanina lang galit siya tapos ngayon tawa nang tawa. Tinignan ko ang damit ko. White shirt pa naman ang suot kong damit ngayon kaya halatang ang dumi nito. Naglakad ako papalapit dito ay sinapak ko nga ang braso nito bago iniwan siya. Narinig ko pa ang pagtawa nito at ang pagtawag sa akin na "Rin, the Pikon!" Mababaliw ka sana sa kakatawa. Siraulong weirdo ka! Mabilis akong naglakad papunta sa locker ko. Nagbabakasakali na may extrang damit pa akong natitira roon. Hindi ako pwedeng umuwi lalo na ngayon at nasa bahay na sila Mommy at Daddy. Papagalitan nila ako panigurado. Habang patuloy ako sa paglalakad. Hindi ko maiwasan na hindi lumingon sa mga istudyante na nakakasalubong ko. Nakatingin sila sa akin at ang iba pa ay tumatawa dahil siguro sa itsura ko. "Rizel!" rinig kong boses ni Aera. Mabilis akong lumingon dito at nakita ko itong patakbong lumalapit sa akin. "Anong nangyari sa 'yo? B-bakit ganiyan itsura mo?" sunud-sunod niyang tanong at tinanggal ang dahon na mayroon ako sa aking ulo. Sh*t lang! Iyon pala ang pinagtatawanan ng mga istudyante na nakakasalubong ko. "May extra kang damit?" pabulong kong tanong sa kaniya. Mabilis siyang umiling. "Wala na. Ginamit ko kanina sa P.E namin. Bakit?" Obvious naman na manghihiram ako ng damit sa kanya, 'di ba? Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi talaga ako pwedeng umuwi ng bahay lalo na't pumasok sa klase nang ganito ang itsura ko. Nakakainis naman kasi, eh. Dapat pala matapos ko siyang sipain. Dapat tumakbo na ako at iniwan siya. "Ano bang nangyari sa 'yo Rizel? Nakipag-away ka ba?" tanong ni Aera. Nakasunod pa rin pala ang babaing 'to sa akin. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating ako ng locker ko. Mabilis ko itong binuksan. Wala na rin pala akong extra na damit dito. Isasara ko na sana ang locker ko nang biglang may humila sa braso ko dahilan para humarap ako sa kanya. "Ano ba?!" inis ko sigaw sa kaniya. Pilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa braso ko ngunit hindi ko magawa. "Ano na naman bang problema mo?" Hindi itong nagsalita bagkus mas hinigpitan pa nito ang hawak sa braso ko at walang sabi-sabing hinila ako papalayo sa locker ko at papalayo sa gulat na gulat na mukha ni Aera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD