CHAPTER 7

1543 Words
Ilang sandali pa ay natigil na ang sasakyan sa isang malaking gate. Dahan-dahan bumukas ang gate at naging maraha na rin umandar ang sinasakyan namin. Ipinalibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Sobrang nakakamangha. Maganda ang buong paligid. May fountain sa magkabilang side ng loob ng bakuran. At halatang mahilig sa halaman lalo sa mga rosas ang may-ari ng bahay. Nang tumigil ang sinasakyan namin na sasakyan sa tapat ng isang malaking pinto. Mabilis akong lumabas. "Kaninong bahay nga pala 'to?" tanong ko nang makalabas din siya ng sasakyan. Masyadong kasi talagang maganda. Nag-umpisa na itong maglakad papasok na sinundan ko lang. Simple lang ang mga disenyo sa loob ng bahay. Pero kahit ganoon halatang mayaman ang may-ari. Mayaman naman talaga dahil sa bakuran pa lang ng bahay ay makikita mo na kung ano ang istado ng taong nakatira sa loob. May ilang mga maid din ang naglilinis sa bawat sulok. Natigil nga sila nang makita akong nakasunod kay Harvey. Mayroon din nakaukit na gulat sa kanilang mga mata, hindi ko alam kung bakit ngunit wala na akong pakialam pa para alamin pa iyon. "Kanila Nico." Tumango-tango ako. Masaya ako at nakapasok ako sa bahay niya. Si Nico, siya 'yong lalaking makapal ang kilay na kaibigan ng siraulong 'to. Kanina ko lang nalamang nang mag-recite ito matapos kong mapahiya. "If this Nico's house. What are we doing here?" I asked him. Patuloy ko na nililibot ang paningin ko sa loob nang bahay. I confused now. Tumingin ito sa akin. Hindi tulad kanina ay nakangiti ito. Ngayon ay napakaseryoso na ng mukha niya. Weird talaga ng lalaking 'to. Ang bilis magbago nang mood, pero bahala siya diyan basta enjoy ako sa mga bagay na nakikita ko. "Tatae," simpleng balil na sagot niya sa akin. Gulat akong lumingon sa kaniya. "Tatae? Siraulo ka nga talaga," sabi ko at umiling-iling pa. Rinig ko ang malakas na paghagalpak nang tawa ng lalaking 'to. Kitams? Nababaliw na nga siya talaga. Saan ba siya pinaglihi ng nanay niya at para siyang nasisiraan ng ulo. Ay mali, siraulo na pala talaga siya. Hindi kaya nailuwal siya mismo sa inidoro kasi akala ng nanay niya naiihi lang ito. Kaya naumpog ang ulo niya noon at ito na ang kinalabasan. Oh, hindi kaya takas mental ang lalaking 'to? "Napakapiloso mong tao ka. Matae ka sana d'yan sa kinatatayuan mo," naiinis kong sabi at inirapan pa ito. Mas lalo lang lumakas ang tawa niya at kita ko pa ang marahas na paghawak niya sa tiyan niya. Sira naman na ang ulo nito. Napalingon ako sa mga maid na natigil sa ginagawa nila at miling lumingon sa kinatatayuan namin. Alam ko iyon nakaka-distract talaga ang paghagalpak ng tawa niya. Agad ko itong nilapit at mabilis na tinakpan ang bibig nito para pigilan siya sa katatawa. Hindi ba siya nahihiya nagmumukha siya tanga sa paningin ng mga maids na nakatingin sa amin at pinapanood ang ginagawa niya? "Alam mo kung hindi ka titigil sa kakatawa. Sisigaw ako rito tapos sasabihin kong nasisiraan ka na ng ulo." Mas lalo lang itong tumawa. Nakakainis na talaga ang lalaking 'to. Kung siya hindi siya marunong mahiya p'wes ako, oo. Malakas kong tinuhuran ang tiyan nito. "Ouch!" inda nito habang tinignan ako nang masama at hawak nito ang tiyan niya. "Bakit mo ko tinuhuran?" "Nakakainis ka na tawa ka nang tawa. Wala namang nakakatawa." Nag-umpisa ulit itong tumawa kahit na patuloy na iniinda ang sakit na natanggap niya sa akin. Lahat na talaga ng kabaliwan at kasiraan ng ulo ay nasa kanya na. "Nakakainis ka na, ha. Isang tawa pa sasapakin na kita!" sigaw ko dito. Wala na akong pakialam kung makuha ko man ang atensyon ng mga tao sa loob ng bahay na 'to. "Okay. Sorry," nakangiti nitong bulalas at hinarang pa ang kamay sa akin. "Napaka slow mo kasi." "Ako pa talagang slow. Kung sapakin kaya kita diyan?!" Pinakita ko ang kamao ko sa kanya. Hindi ako nagbibiro, sasapakin ko na talaga siya. Umakbay ito sa akin at bumulong, "Kidding. Hindi ka naman kasi mabiro." "Hindi nakakatawa ang biro mo. Nagmumukha kang baliw." Mag-uumpisa na naman sana itong tumawa nang bigla ko na lang siniko ang tagiliran nito. "Tumingil ka na hindi tayo makakalabas ng bahay na ito nang wala kang kahit na anong pasa o galos sa katawan na natatamo galing sa akin," banta ko sa kaniya. Umakto pa itong ni-zipper ang bibig niya bago kami nag-umpisang maglakad patungo sa hagdan. "Teka. Teka nga," pigil ko dito nang makalayo kami sa mga maid ng bahay na 'to. "Kaninong bahay ba talaga 'to?" "Sa amin," plain niya lang na sabi. "Tapos sabi mo kanila Nico. Pinagtitripan mo na naman ba ako?" Tinignan ko ito nang masama. Ayan na naman po ang ngiting nakakaloko niya. Kailan ba siya titigil sa kangingiti nang wala namang dahilan? Nakakairita na siya, ha. "Malay ko bang madali kang mapaniwala," sagot niya pa. "Obvious naman na nagbibiro lang ako. Idadala ba kita sa bahay na 'to kung hindi naman ako ang may-ari." "Malay ko ba kung seryoso ka talagang makikitae," saad ko. Ngumiti siya. "TSK. Hindi ka lang pala slow. Uto-uto ka rin pala." Bulong nito na narinig ko pa rin. "Anong sabi mo?" Tinapunan ko ito nang masamang tingin. Umiling lang ito at inakbayan ulit ako. Ginayak niya ako kung saan man lupalop ng bahay na ito. Basta siguraduhin niya lang wala siyang gagawin sa akin kung hindi lagot talaga siya. Hindi na t'yan niya ang sasapakin ko lalamunan niya na at hindi na rin ang tagiliran niya ang sisikuhin ko bunganga niya na. Hindi pa rin niya inaalis ang braso niya na nakaakbay sa akin hanggang sa makarating kami sa isang pinto ng kwarto. Mabilis kong tinanggal ang pagkakaakbay nito. Nang makapasok kami sa kwartong niya ay ako na ang pinauna niyang maligo at may binigay rin itong damit sa akin. Hindi naman halatang nagamit na dahil sa may tag price pa ito. Nang matapos akong maligo ay sumunod na rin siya. Nasa loob pa rin ako ng kwarto niya habang naliligo siya. Inililibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Masyadong malaki ito para sa isang taong tulad niya. Kung pagsusumahin mo kasi ang kwarto ko at ang kwarto niya ay kailangan na tatlong beses ang luwag sa kwarto ko. May ilang mga pintuan din ng kwarto akong nakita ngunit hindi ko alam kung ano ang mayroon sa loob no'n. Nahagip ng paningin ko ang mga picture frame na nasa ibabaw ng kabinet. Napangiti ako nang makita ko ang litrato nito. Isang batang lalaki na hawik na hawik ng lalaking naliligo sa banyo sa mga oras na ito. Nakayakap siya sa leeg ng isang lalaki habang pasan-pasan siya nito. Kung hindi ako nagkakamali above 30 years old na ang edad ng lalaking yakap-yakap niya. Medyo pamilyar din ang mukha ng lalaking ito. Hindi ko nga matandaan kung saan ko ito nakita. Basta ba pamilyar ang mukha niya. Tinignan ko rin ang litrato na nakataob. Hindi tulad ng iba ay wala itong frame. Si Harvey. I mean ang weirdong Siraulo na 'yon with his friends? Tulad niya at ni Nico seryoso lang sila na nakatingin sa kumuha ng litrato sa kanilang pito. Unlike sa limang kasama nila na nakangiti at nagkukulitan pa. So, bata pa lang pala sila ay magkakaibigan na talaga sila? Kaya ganoon na lang pala ang closeness na mayroon sila. Nagpatunog na lang ako ng mga daliri ko habang nakangisi nang may kalokohan akong naisip. Yari ka sa akin ngayon! Mabilis kong kinuha ang ballpen na nasa ibabaw lang din ng kabinet at akmang lalagyan ko na sana ng sungay ang ulo ng Harvey na 'yon sa picture nang bigla na lang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nito ang isang lalaking naka topless. Dali-dali kong itinago sa likod ko ang picture at ang ballpen na hawak ko. Dahan-dahan ako umurong. "A-ang bilis mo naman yatang m-maligo?" naiilang kong saad sa kaniya at naiilang din na ngumiti. Sandali pa itong tumingin sa ibabaw ng kabinet bago ibinalik sa akin ang paningin. Alam na alam niya kung ano ang bagay na wala roon. "Where's the picture?" tanong nito at nagpatuloy lang sa papalapit sa akin. "Ano ba lumayo ka nga sa akin," naiirita kong sabi. "Magbihis ka nga muna." Nang makalapit ito sa akin ay mabilis nitong inagaw ang hawak ko. Itinaas ko ito at pilit na inilalayo sa kanya. Ngunit dahil sa pagkagulat. Hindi ko alam bigla na lang akong nawalan nang balanse dahil sa pagtama ng binti ko sa ibaba ng kama nito. Dahilan para bumagsak kami sa kama at umibabaw ito sa akin. Nagtagpo ang mga paningin naming dalawa. As in wala ni isang nagsalita o kumibo man lang. Amoy na amoy ko ang bangong umaalingasaw sa kanyang katawan na tulad ng sa akin. Ilang sigundo pa bago ko ma-realize kung ano ba talaga ang klase ng posisyon ang meron kami ngayon. Nasa ibabaw ko ito at naka topless pa siya. "Ahhhhhhh!" sigaw ko nang nakapikit at walang sabi-sabing hinampas ko ito sa ulo dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam na hawak ko pa rin pala ang ballpen dahilan para tumusok ito sa bunbunan niya. "Ahhhhhh!" muling sigaw ko nang makita ang dugong dumadaloy sa mukha niya at pumatak pa sa aking pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD